Kasama ni Ysabel sa kaniyang unit ang dalawang kaibigan ng marinig niyang may nagdoor bell sa labas.
"Coming!"sigaw niya dito. Binuksan niya ang pinto at natuwa siya sa kaniyang panauhin. "Johny, nasorpresa naman ako sa biglang pagbisita mo!" linuwangan niya ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok ito."Girls ikuha niyo ng maiinom itong ating panauhing pandangal!" agad namang tumalima ang mga ito. Hindi nakuhang maupo ni Johny,nanatili lamang siyang nakatayo!
"Don't bother Ysabel, nandito ako para malinawan ang lahat!" nagtaka naman si Ysabel sa sinabi nito."Tell me Ysabel, anong ibig sabihin ng mga ito!" sabay pabagsak na ilinapag ni Johny ang mga larawan sa mesa. Naudlot naman ang pagpasok sana ulit ng dalawang kaibigan ng makita ang nasa mesa, napaatras na lamang ang mga ito.
Napamulagat si Ysabel. "Ja-Johny, magpapaliwanag a-ako!" nauutal na sabi nito.
"Siguraduhin mong matutuwa ako sa paliwanag mo Ysabel dahil kung hindi, sasakalin ko ang maganda mong leeg!" tiim-bagang na turan ni Johny.
"Ginawa ko lang naman yun para ilayo siya sa babaeng yun, pera lang ang habol niya sayo, ginaga------" hindi na naituloy ni Ysabel ang sasabihin dahil sinugod siya ni Johny.Hinawakan siya ni Johny ng mahigpit sa braso!
"Alam ko na ang lahat ng kabulukang ginawa no Ysabel. Oras na guluhin mo pa kami ni Maxene ngayon, sisiguraduhin kong mabubulok ka sa bilangguan at sasabihin ko sa ama mo ang lahat ng mga pinag-gagagawa mo!Alam mong hindi ako nananakit ng babae pero kapag naulit pa ang ganito hindi lang yan ang aabutin mo sa akin.Naintindihan mo, ha Ysabel?" galit na yinugyog niya ito at saka marahas itong binitawan.Nalululong ito s droga at maraming utang kung kani-kanino. Siya ang madalas na takbuhan nito tuwing nagigipit. Walang kaaalam - alam ang ama nito.Nanginginig si Johny sa galit , noon lamang nakita ni Ysabel si Johny'ng ganun!
"Patawarin mo ako Johny, nagawa ko lang naman yun kasi mahal kita.!"naiiyak na turan ni Ysabel, liningon lamang ito ni Johny at saka tuluyang umalis.
NAKATANGGAP ng tawag si Maxene mula kay Dante. "Max, why don't give him a chance to explain everyhting?"
"Pag-uusapan na naman ba natin yan Dante?Hindi na magbabago ang isip ko!At ayow kong pasakitan lamang ang sarili ko, ayow kong guluhin pa ang buhay nila ni Ysabel!May kaniya-kaniya na kaming tinatahak na daan!"
"What if sabihin ko sayong kailanman ay hindi nagin sila ni Ysabel o.mas magandang sabihin na kailanman ay hindi sila nagpakasal dahil wala naman talagang kasalang magaganap.!"
Tuluyan ng bumigay ang emosyon ni Maxene, napaiyak siya sa isang isipin na ang masayang mundong ginagalawan nila kasama ng mga anak niya ay unti-unting magagambala dahil sa lalaking gusto niyang ibaon sa limot pero kailanmsn ay hindi niya magawa.
"Hi--hindi totoo ang sinasabi mo Dante!Ikaw mismo ang nakasaksi ng araw na mawasak ang mundo ko.!"
"Totoo ang sinasabi ko Maxene, give him a chance. Hindi lamang para sa inyong dalawa ni Johny kundi pati na rin sa mga bata. Hindi mo naman siguro gugustuhing lumaki silang walang ama at patuloy silang lokohin. Sa ginagawa mo, pati sarili mo ay linoloko mo narin!"
Natutop ni Maxene ang bibig at pinipigilang mapahagulhol. "Bakit ngayon pa, Dante!Hindi ko kayang makita siya, dahil babalik na naman ang nakaraan."
"Then do it for the kids, Max!They deserve to meet their father, alam mong hindi bobo ang kambal at hindi habambuhay maitatago mo sa kanila ang lahat!" kumbinsi pa rin ni Dante."This is the time para mabigyan ang bawat isa sa inyo na mapakinggan ang kani-kanilang mga hinaing.Nandito lang kami Maxene, be strong at harapin mo ang katotohanan para sa ikalilgaya niyong lahat lalo ng kambal!"
Sandaling natahimik si Maxene. "Pag-iisipan ko Dante, pero hindi ako nakakasiguro!"
"Do it, Max!"
"And Dante---?"
"Yes?"
"Thank you for everything, sa lahat ng tulong niyo since then!Hindi ko kailanman makakalimutan iyon!" madamdaming sabi ni Maxene
"Wala yun Max, basta ikaw!Magkaibigan tayo dapat lang magtulungan tayo and trust each other!"
"Extend my regards to Carla!Congrats sa inyong dalawa!"
"Okey Maxene and thank you!"

BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...