Naging busy ang araw ni Johny dahil sa hinahabol nilang quota. Breaktime ng puntahan siya ni Brent sa opisina.Dahil na rin sa inis niya sa kapatid di niya mapigilang masigawan ang sekretarya at narinig ito ng kaniyang kaibigan.
" what was that for Johny?".tanong ni brent na nagtataka dahil ngayon lang ulit nagkaganito ito.
"maraming lang akong tinatapos pare at ayow ko ng pumapalpak ang empleyado ko."
"hmp.hulaan ko pare, badtrip ka dahil di ka nakatulog?" pangungulit pa ni Brent.
"ba't naman ako di makakatulog?"
"dahil sa kiss o dahil sa walang dating kay maxene ang kagwapuhan mo pare?"
binato ni Johny ng hawak niyang ballpen si Brent. "ulol!ba't ko naman iisipon yun?" tanggi ni Johny
"kasi nasarapan ka sa halik!?" tiningnan ito ni Johny at nakaisip siya ng pang-asar din dito.
"May naikwento nga pala sakin si Kathleen kagabi." seryosong sabi ni Johny. Biglang naintriga si Brent at naupo sa harap ng kaibigan.
"ano yun pare?"tanong nito
"may nag-aaya daw sa kaniya na makipagdate."sagot ni johny na di tumitingin sa kaibigan at tila balewala lang ito sa kaniya.
"ha?sino pare?classmate ba niya?gwapo ba?"sunod-sunod na tanong ni Brent. Dahil noon pa may gusto na siya sa kapatid ng kaniyang kaibigan pero may pinag-usapan na silang dalawa kaya di niya ito maligawan pa.
nagkibit - balikat si Johny "di ko alam!tinanong lang ako kung pwede na daw ba siya makipagdate kesa daw makipagtextmate."balewalang sagot nito.
"anong sabi mo sa kanya?pinayagan mo ba?" nababahalang tanong ni Brent. Biglang tumunog ang cellphone ni Johny at nag-excuse siya sa kaibigan. Medyo natagalan ang pakikipag-usap niya sa cellphone kaya kinalabit siya ni Brent.
"ano pare pinayagan mo ba?"pabulong na tanong ni Brent.Ngunit di ito sinagot ni Johny at sinenyasan na huwag maingay at kinumpas ang kamay na lumabas na muna siya.
"badtrip ka naman pare eh!" pabulong ulit na sagot ni Brent at sabay labas. Napangiti naman si Johny sa kaibigan dahil epektibo ang naisip niyang kalokohan. Pakatapos makipag-usap sa cellphone tinawagan niya si Kathleen.
Samantala, nasa canteen sina Kathleen, Maxene at Dante. "ate max ano tingin mo kay kuya, pasado ba?" napatingin si maxene sa kaibigan at nasabi niya sa sarili."pasado saan?humalik, yumakap o magyabang" pinilig niya ang kaniyang ulo dahil sa naisip.
"hoy ate kath?natulala ka na?ok. ka lang ba?masakit pa ba ulo mo?" napatingin siya dito at naisip na naman niya. "pano ko magiging okey e nawala ang 1st kiss na pinapangarap ko ng dahil sa impakto mong kuya.!" sabay ngumuso pa siya. Sinalat ni Kathleen ang kaniyang noo.
"wala ka namang lagnat, ba't natutulala ka ate max.'di kaya naengkanto ka?"nag-aalalang sabi ni Kathleen.
"ha?hindi! okey lang ako, may iniisip lang ako."
"iniisip?sino si kuya?" sabay kurot ni Kathleen s kaibigan.
"uyyyyy si ate may gusto sa kuya ko!" biro pa ni Kathleen.
"hindi ah! may gf na kuya mo noh."sabay tingin ni maxene kay dante.Kanina pa tahimik si Dante at wala sa mode magsalita. Tumayo ito nagpaalam sa kanila.
"mauuna na ko sa inyo, may aasikasuhin pa kasi ko!" sabay alis nito.Sinundan ito ng tingin ni Kathleen.
"anong problema nun?parang may susugurin sa giyera."nagtatakang tanong naman ni kathleen. Nagring ang kaniyang cellphone at nakita niyang si Johny ang natawag.Nakagat niya ang kaniyang labi na tila kinabahan. " naku, lagooot natawag si big bro." sinagot niya ito.
BINABASA MO ANG
Started with a Text
РомантикаIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...
