Ala 6 palang ng umaga nasa bahay na nila Maxene si Dante! Mga damit ang ilang importanteng dokumento lamang ang dala nila Maxene. Isinakay nila ang kanilang mga dadalhin. Bago sumakay si Maxene, tiningnan muna niya ang bahay nila.
"Paalam Nay, kailangan kong gawin.ito! Pangako babalik kami , sa ngayon kailangan ko munang hanapin ang buhay na para sa akin, para sa magiging anak ko!Sa pagbabalik ko sisiguraduhin kong nakalimutan ko na siya!" sa loob- loob ni Maxene at saka sumakay!
"Dumaan muna tayo kanila Aling Bebang Dante!" sabi ni Maxene at tumango naman si Dante.
Pagdating sa tindahan ni Aling Bebang."Aling bebang?"tawag ni Maxene.
"Oh?Ikaw pala yan Maxene, ang aga mo ata!Nakikiramay ako sa inyo Maxene, parang hindi ko pa nga matanggap na wala na ang kumare ko!" sunod-sunod na sabi ng matanda. Ngumiti naman ng tipid si Maxene.
"Ahmp Aling Bebang iiwan ko ho sana itong susi ng bahay, patingin-tingin na rin ho!" sabi ni Maxene.
"Ha?Bakit?"tumingin ito kanila Dandan at Dante."San ba ang punta niyo?"
"Sa Maynila ho, ibibilin ko ho sana na pag may maghanap ng gusto mangupahan eh yung bahay ho namin pwede.!"
"Ang bilis naman iha ng pag-alis niyo!'
"Kailangan ho kasi!At iiwan ko ho itong numero ko, pakiusap ho Aling Bebang huwag niyo hong ibibigay kahit kanino ang number ko!"Tumango ang matanda.Nagpaalam na si Maxene.
"Mag-iingat kayo!"bilin ni Aling Bebang at umalis na sila.
Samantala, kanina pa balisa si Johny dahil ilang araw na niyang hindi matawagan si Maxene. Nag-aalala na siya para dito. Ng bigla siyang nay maisip, kinuha niya ang telepono at may tinawagan.
"Hello?" sabi ng nasa kabilang linya.
"Mang Piping?kumusta ho si Maxene, hinahatid mo pa ba siya?"tanong ni Johny
"Ah --eh Boss isang linggo na ho kaming hindi nagkikita!"
"Ha?Bakit?"
"Nung isang linggo pa ng huling sunduin ko siya pakatapos nagtext ho sa akin na huwag ko na daw hong sunduin!Ayow ko nga hong pumayog kasi baka kako magalit kayo, e ang sabi siya na daw ho ang bahalang magsabi sa inyo!"mahabang paliwanag ni Mang Piping.
"Ilang araw ng hindi ko matawagan si Maxene, nawawla pa ang cellphone ko!Ang mabuti pa eh puntahan niyo si Maxene sa kanila kung wala doon dumiretso na kayo sa munisipyo!" utos ni Johny.
"Sige ho Boss!"
"Tatawagan ulit kita mamaya Mang Piping!"at tinapos na ni Johny ang kanilang usapan.
Pumunta si Mang Piping sa bahay nila Maxene. Ngunit sarado ito at tahimik!May nakapaskil pang FOR RENT sa dingding nito. Ang sunod na pinuntahan niya ay sa Munisipyo. Nagtanong-tanong siya doon at saktong ang laging kasama ni Maxene ang napagtanongan niya.
"Ahm Miss, nasa loob pa ba si Maxene?"tanong ni Mang Piping
"Ho?Diba eh kayo yung sumusundo lagi sa kaniya!"sabi naman nito
"Ako nga iha!"
"Eh hindi na ho napasok si Maxene dito, simula ng mamatay an Nanay niya."
"Patay na ang Nanay ni Maxene?" gulat na tanong ng ni Mang Piping
"Opo!Huling pagkikita namin eh nung ilibing si Aling Tina. At ilang araw lang nakatanggap kami ng sulat na mag-reresign na daw ho siya!Nagtaka nga ho kami kung bakit ngresign si Maxene nung puntahan naman ho namin siya eh wala ng tao sa kanila.!" Nagpasalamat si Mang Piping sa babae at saka umalis. Pabalik na si Mang Piping sa sasakyan ng tumawag ulit si Johny.
"Mang Piping ano hong balita?Anong sabi ni Maxene?Ba't hindi ko siya matawagan?!' sunod-sunod na tanong ni Johny.
"Eh Boss, wa-wala na ho si Maxene dito?" nauutal na sabi ni Mag Piping.
"Anong wala Mang Piping?"kinakabahang tanong ni Johny.
"Wala hong tao sa kanila boss at wala na rin ho si Maxene dito sa munisipyo nagresign na daw ho!"
"Ano?Paanong nangyari----" nabiglang sabi ni Johny.
"At boss patay na daw ho ang Nanay ni Maxene at nung isang araw pa nailibing!" si ni Mang Piping
"Anong patay?Eh di san tinawagan ako ni Maxene, bumalik ka sa kanila at maghintay ako doon baka may pinuntahan lang!" nag-aalalang sabi ni Johny.
"Eh boos, FOR RENT na ho yung bahay nila Maxene!Wala na ho sila doon!"
"Whaaat?"lalong ikinabigla ni Johny."Shit!uuwi ako ngayon ding mang piping!" at ibinaba na ni Johny ang telepono. Nagmamadali siyang nagligpit ng kaniyang gamit.Dumating naman si Brent.
"What are you doing Pare?Aalis ka?" nagtatakang tanong nito.
"Patay na ang ina ni Maxene at wala si Maxene sa bahay nila. ?" pagkukwento ni Johny habang nagliligpit.
"Ha?Panu nangyari yun?Sinong may sabi sayo?" nagtataka ulit na tanong ni Brent
"For Rent na ang bahay nila Brent!At lalong ipinagtataka ko bat di ako kinontak ni Maxene tungkol dito!"
"Okey, ako ng bahala magpaliwanag sa kanila kung bakit umuwi ka ng maaga!"tinapik ni Brent ang balikat ng kaibigan."Ngayon ka mas kailangan ni Maxene!"
"Salamat Pare!"at ipinagpatuloy na.ni Johng ang pag-aayos ng gamit
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...