Sa presinto, "Makakauwi na kayong dalawa pero kailangan niyong bayaran ang ginawa niyong danyos s bar!"sabi ng isa sa mga pulis. Parehong hindi nagsamapa ng kaso ang dalawang panig kaya pwede na silang makauwi. Ngunit kailangan bayaran nila ang ilang gamit sa bar na nasira.
Dumating si Brent."Anong nangyari pare?" tanong agad nito pagdating
Nagkibit-balikat lamang si Johny. "Pahiram muna ko ng 10 thousand pare,wala akong dalang pera na ganun kalaki!Babalik ko na lang sayo bukas!"
"wala din akong cash!Tseke pwede ba?" si Brent
"Pwede na yan pare!"kinuha ni Brent ang tseke at saka pinirmahan. Ibinigay ni Johny ang tseke sa manager ng Bar.
"Oh ikaw?Nasaan ang 10k mo para matapos na 'to!"sabi ulit ng pulis
"Eh boss wala ho ako ganung kalaking pera, hindi naman ho ako mayaman.Isinama lang ako ng barkada ko, at iniwan nila ko ng magkagulo!"sabi ng lalaking nakasuntukan ni Johny.
"Oh ikulong niyo na muna yan!"sabi ng manager ng bar.
Napailing si Johny tumingin kay Brent!"Dagdagan mo pa ng 10k pare!" sabi pa ni Johny.Kumuha ulit si Brent at ibinigay ito sa kaibigan. "Oh eto pa ang 10k, pakawalan niyo na yan!"sabay bigay ni Johny.
Linapitan siya ng lalaking nakalaban niya. "Boss salamat ho!"sabi nito.Dumukot si Johny ng 2k sa pitaka."Heto, ipagamot mo yang sugat mo!Sa susunod bago ka susuong sa giyera siguraduhin mong handa ka at kikilalanin mo ang kakalabanin mo!" tatalikod na sana si Johny ng magsalita pa ito. "and one more thing, make sure na ang pipiliin mong kaibigan ay yung hindi ka basta-basta iiwanan sa labanan at handa kang damayan sa kung anu pa man!"sabay talikod ni Johny, sumunod naman dito si Brent.
"Nasaan ang kotse mo Johny.?"tanong ni Brent.
"Nasa bar, papakuha ko na lang kay mang piping bukas!"sagot ni Johny at sumakay sila sa sasakyan ng kaibigan.
"Ano bang nangyayari sayo pare?"si Brent."Ba't di mo hanapin si Maxene para alamin ang katotohanan?'
"Para saan pa?Eh nakita ko mismo sa larawang ibinigay sa kin ni Ysabel!"
"Pero Johny, hindi ka ba nagtataka kung bakit nakunan agad ng larawan ni Ysabel ang lahat ng iyon.!"napakunot ng noo si Johny. "Think about it pare, diba sabi mo binigyan ni Ysabel si Maxene ng tseke, at ang nakunan ng larawan naandoon si Ysabel habang hawak ni Maxene ang tseke.Ang tanong, sinong kumuha ng litrato kung nasa harap ni Maxene si Ysabel!Pag-isipan mo pare,huwag ka basta-basta padalos-dalos. Alam mo ang likaw ng bituka ni Ysabel!" mahabang paliwanag ni Brent.
"Ang ibig mo bang sabihin gawa-gawa lang ni Ysabel ang lahat?"
"Posibleng oo, posibleng hindi!"sagot naman ni Brent.
"Kung gawa-gawa lang ang lahat bakit magkayakap sina Maxene at Dante!?" tanong ulit ni Johny.
"Heto pa ang ipinagtataka ko pare, doon sa pinakita mong larawan bakit tila umiiyak si Maxene habang yakap ni Dante?!"seryosong sabi ulit ni Brent. Napaisip si Johny ngunit nakaramdam ng galit nga ba o selos ng marinig niya na yakap ng lalaking yun Maxene!
Kinaumagahan, naalala ni Johny si Aling Bebang, malapit ito kanila Maxene, baka alam nito kung nasaan si Maxene!
"Magandang umaga ho Aling Bebang!"bati niya dito.
Tumingin ang maganda. "Magandang umaga naman iho, anong maipaglilingkod sayo?"tinitigan ng matanda si Johny."Aba'y diba ikaw yung lalaking kasama dati ni Maxene?"
Tumango si Johny."ako nga poh!"
"Anong kailangan mo iho?"
"Ahm..makikibalita lang ho sana kanila Maxene!Nasaan na ho sila ngayon?"
Matagal bago nagsalita ang matanda!"hindi ko din alam iho!"
"Wala ho ba silang nasabi sa inyo?"
"Nabigla na nga lang din ako ng dumaan sila dito, iniwan nila ang susi, dahil kung sakaling may gustong umupa daw sa bahay nila, ako na bahala makipag-usap!" Nakikinig lamang si Johny."May dala silang mga gamit, kasama nila yung anak.ni Vice!"
Nabigla si Johny sa sinabi ng matanda, "Si da--Dante ho ba?"
"Oo iho, Dante pangalan nun!"
Nanlumo si Johny sa isiping magkasama sina Maxene at Dante!Sa sinabi sa kaniya ni Brent gusto sana niyang patuloy na hanapin si Maxene, para malinawan ang lahat at kalimutan ang lahat para maipagpatuloy nila ang kanilang relasyon. Pero sa nalaman niya ngayon, tila nawalan na siya ng pag-asa!
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...