Naligo muna si Johny bago puntahan si Maxene.Humarap siya sa salamin, napangiti ng may makitang kalmot sa kaniyang likod at dibdib at saka pinuntahan sa guest room si Maxene.Nakailang ulit siya sa pagkatok ngunit walang nasagot, pinihit niya ang seradura at saka binuksan.Wala si Maxene, kinabahan si Johny. "hindi kaya nagalit si Maxene kaya bigla na lang itong umalis?" sa loob-loob niya. Natatarantang pinuntahan ang kuwarto ni Kathleen. Wala rin ito doon, palabas na siya sa kuwarto ng kapatid ng makasalubong niya ang kaniyang mama!
"Why in a hurry iho?" sabi ng kaniyang ina.
"Nakita mo ba si Maxene 'ma?" balik tanong ni Johny.
"No!bakit wala ba sa guest room?!"umiling si Johny at saka dire-diretso sa hagdan ng magsalita ang kaniyang ina.
"Don't let her go son, I'm happy for you pero make sure na pananagutan mo ang kung ano mang ngyari sa inyo ni Maxene!"nagtatakang napatigil sa pagbaba ng hagdan si Johny, liningon nito ang kaniyang ina."Alam kung dun ka natulog kagabi iho, nasa tamang edad na kayo ni Maxene at alam niyo na ang dapat gawin!Marry her!"
Ngumiti si Johny."I will 'ma,soon!" nagmamadaling bumaba na si Johny at napangiti naman si Mrs. Agustin. Pagdating sa baba nakasalubong ni.Johny ang katulong nila."Manang nakita nyo ho ba si Maxene?"
"Nakita ko ho kanina sir na papunta s hardin ng inyong mama!"sagot ng katulog
"Ok.salamat!" nagpunta si Johny sa hardin ng kaniyang mama. Nakahinga siya ng maluwag ng makita si Maxene na tulog na tulog sa duyan.Linapitan niya ito."Ba't ba kung saan-saan natutulog ang babaeng ito!" yumuko si Johny, hinaplos ang mukha nito at hinawi.ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha nito. Naalimpungatan naman si Maxene ng maramdamang may humahaplos sa mukha niya!
Dahang-dahang iminulat niya ang kaniyang mga mata at si Johny agad ang nakita niya.
"Ba't dito ka natutulog sweetheart?Ang lamig-lamig dito, mahamog pa!" nag-aalalang sabi.ni.Johny.
"Hindi ko namalayang nakatulog pala!"sagot naman ni Maxene.
"Hmp.Ganoon ka ba kapagod, talaga, samantalang ako naman nagtrabaho lahat, huh sweety?" nangingiting tanong ni Johny
Kinurot ito ni Maxene."Sira!Ang sarap kasi ng ihip ng hangin dito, naamoy mo mga bulaklak kaya maiingganyo ka!Gising na ba sila?"
"Yup!Next time, don't do that again Maxene!"seryosong sabi ni Johny
"Ha?Ang alin?"
Dinampian muna ni Johny ng halik si.Maxene bago nagsalita."Ang umalis ng hindi ko alam, I thought nagalit ka kaya bigla ka na lang nawala.sa.kuwarto!Kinabahan ako at natakot na baka mawala ka sakin dahil sa ngyari!Ang nangyari kagabi isa sa pinakamasaya at hindi ko makakalimutan na pangyayari sa buhay ko Maxene!"
Tinitigan ito ni Maxene, hinawakan.ang mukha ni Johny at saka nagsalita. "Mahal na mahal kita Johny, kaya nangyari satin yun kagabi."
Saka naglapat ang kanilang mga labi, ng biglang."Whoooiii, lovebirds kakain na, naghihintay na si mama doon.hahahaha" sabay takbo pabalik ni Kathleen.Napangiti naman silang dalawa, samantalang si Johny naman ay naiiling na lang. "Bakit ba bigla-bigla na lang sumusulpot ang brat na babaeng yun!" naiiling na sa loob-loob ni Johny.
Sabay-sabay silang nag-almusal at pakatapos naghanda na sila patungong airport. Ala-8 pa lang ng umaga binabaktas na nila ang kalsada patungong airport. Si Johny ang nagdadrive, at si Maxene ang nasa tabi nito ng magsalita ang mama ni Johny. "Johny iho, make sure na ang dahilan ng pag-uwi namin dito sa Pilipinas eh dahil ikakasal na kayo nitong si Maxene.!"
Nagkatinginan naman sina Johny at maxene saka hinawakan ni Johny ang kamay ni Maxene, ng magsalita si Kathleen. "Ma, hindi pa nga nagpopropose si kuya eh,inuunahan mo na. Sinisira mo diskarte niya, " inakbayan ni Kathleen ang kaniyang ina. "Si kuya na bahala doon, kasi malay mo sa gitna ng dagat magpopropose si Kuya, o kaya naman magpapaputok g fireworks si Kuya, sabay sabi ng "Will you marry me Maxene?" , o di kaya aayain ni Kuya si Ate max kumain ng cake, and then pagnguya ni Ate Max may singsing sa cake, or gaya nung pagpropose ni John Prats sa gf niya, ni Bianca kaya?Ay hindi gaya nung kanila Carmina at Zoren!"Tinapik nito si Maxene."Diba ate max, napanood natin yun?Kilig na kilig pa nga tayo eh!Biruin mo walang kaalam-alam si Carmina na-----" naputol ang sasabihin ni Kathleen ng magsalita si Johny.
"Kathleen, panu pa magiging romantic ang pagpropose ko kung lahat ng diskarte eh sinasabi mo na?" nangingiting putol ni Johny sa sasabihin ng kapatid.
Ngumuso naman si Kathleen, humalukipkip at saka nagsalita. "Nagkukwento lag naman eh!" nagkatinginan sina maxene at Johny saka ngumiti.
Ilang minuto pa at narating na nila ang airport. Naunang bumaba si Kathleen. Biglang umasim.ang mukha nito at saka tinapik.ang kapatid. "Kuya, ba't ba naandito ang kaibigan mong yun?!" sabay nguso.kay Brent na papalapit sa kanila.
Hindi ito sinagot ni Johny, sa halip binati nito ang kaibigan. "Ang aga mo Brent ah, sasama ka ba sa kanila?" biro pa nito.Pinandilatan naman ni Brent ang kaibigan at ng tumingin ito kay Kathleen ay pinandilatan siya nito.
"Magandang umaga Tita!" sa halip ang ina na lamang nina Johny binati ni Brent.
"Magandang umaga naman iho, kayo na muna bahala ni Johny ha?At hangga't maaari ayow kung ginagabi kayo sa kung saan-saan.!" bilin pa nito
"hahaha...Tita si Maxene ho ang pagsabihan niyo kasi mula ng maging sila nitong kaibigan ko inagaw na niya sa akin, ni hindi na nga kami nakakalabas eh!" ngingiti-ngiting sabi ni Brent ng magsalita si Kathleen.
"Oh my God!Bakla ka Brent!?" nabiglang kunwari si Kathleen ngunit biro lamang iyon.
"Kathleen, ang bibig mo!" sabi naman ng kaniyang ina.Napangiti naman si Johny at nagkibit-balikat kay Brent. Tumalikod naman si Kathleen at saka naupo.
----------------------------------------------
Paalis na sila Kathleen.Nagyakap ang magkaibigan. "Mamimiss kita Ate Max,ikaw na muna bahala kay Kuya ha?May tantrum yan kung minsan pero pagpasensiyahan mo nalang.." ngumiti si Maxene at binatukan naman ito ni Johny.
"Magbibilin ka na lang Kathleen may kasama pang pang-aalaska!" sabi naman ni Johny.Nginusuan naman ito ni Kathleen
"Mag-iingat ka din Kathleen, huwag ka na makipagtextmate dun ha?Iba ugali ng mga ibang lahi eh!Mamimis kita ng sobra!" sabi naman ni Maxene.
Samantala, kausap naman ni.Johny ang kaniyang ina. "Yung bilin ko sayo iho, huwag kang gagawa ng isang bagay na makakasira sa inyo ni Maxene. Gusto ko ng magkaapo at maging manugang si Maxene.kaya bilisan mong kumilos!" tumawa naman si Johny.
"Yes 'ma, huwag ho kayong mag-alala.!" saka inakbayan ni Johny ang kaniyang ina at hinalikan ito. Lumapit naman si Maxene sa ina ni.Johny.
"Mag-iingat ho kayo ma." sabi naman ni Maxene.
"Salamat iha!Huwag kayong mag-aaway ni Johny ha?Kung magkaroon ng problema pag-usapan niyo, huwag itong takasan at huwag maghintayan kung sino ang unang kikilos.!"
Tumango sina Johny at Maxene.
"Kaw Brent wala ka bang sasabihin dun?!" bulong ni Johny sa kaibigan at saka ngumuso sa gawi ni Kathleen. Naglakad si Brent papunta kay Kathleen.
"Ehem!" agaw pansin ni Brent sa pananahimik ni Kathleen.Tumingin dito si Kathleen ngunit agad ding iniwas ang tingin dito. Umupo si Brent malapit dito. "Take care Kathleen!" hindi umimik si Kathleen. Tumayo si Brent at saka tumalikod ng magsalita si Kathleen.
"Thanks Brent!" humarap si Brent dito.Nagtitigan silang dalawa parang may gustong sabihin sa isa't-isa ngunit tinawag na si Kathleen ng kaniyang ina.
"Let's go iha! Doon na tayo sa loob maghintay!" Lumapit si Kathleen sa kaniyang ina, at nakailang hakbang na siya ng lingunin ulit si Brent saka tipid na ngumiti dito sabay nauna ng pumasok.
BINABASA MO ANG
Started with a Text
Любовные романыIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...