Nakatayo si Johny, nakatitig lamang ito kay Maxene. At ganun rin si Maxene dito, dumating na ang kinakatakutan niya at dumating na ang pontong kailangan niyang ipaalam dito ang ngunit iba ang lumabas sa bibig niya.
"Hi-hindi ikaw ang kanilang a---" nauutal pang turan niya
"Hindi ako nagtatanong Maxene kung sino ang ama nila dahil itanggi mo man o hindi, alam kong ako ang ama ng kambal!Hindi mo maitatanggi yun dahil nararamdaman ko at kitang-kita ko, ng titigan ko si JM at lalong-lalo na si MJ may kakaibang kabang naramdaman na ko at ng makita ko ang suot-suot nilang kwentas higit mas naniwala ako."nakapamulsang turan ni Johny. Gustong-gusto ng lapitan ni Johny si Maxene para yakapin ito.
"Oh God!" isinubsob ni Maxene ang mukha sa kaniyang mga palad at umiyak. "Bakit nangyayari ang lahat ng 'to!"
Lumapit si Johny at tumabi sa kaniya. "Sshhh sweetheart, magiging maayos din ang lahat!"inihilig niya si Maxene.sa kaniyang dibdib habang masuyong hinahaplos ang ulo nito. "Marami tayong nasayang na panahon dahil sa isang malaking akala lamang!" parang binuhusan si Maxene sa narinig,
Huwag kang magpakatanga Maxene, minsan ka ng linoko ng lalaking 'yan. naisatinig niya sa kaniyang sarili. Itinulak niya ng bahagya si Johny, bumaba sa kama at tumayo paharap dito.
"Kailanman hindi magiging maayos ang lahat Johny, dahil ang sugat sa puso ay hindi nabubura at hindi nakakalimutan kahit kailan!" maluha-luha pa ring sabi ni Maxene. Bakit hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya! "At hindi nababayaran ang puso para kalimutan ang taong minahal nito!"sabay turo ni Maxene sa kaniyang dibdib. Ngunit bakit ng tingnan niya si Johny ay may nakita pa siyang pilyong ngiti sa mga labi nito. Ng sundan niya kung saan ito nakatingin ay ganun na lamang ang pagkagulat niya.
Huli na ng marealize niya,isang manipis na white loss T'shirt ang suot niya ni wala siyang bra. My God ba't ganito suot ko, sino nagbihis sa'kin.
Nakita niyang bumaba ang tingin nito at ng tingnan niya ang sarili, mabilis na umupo siya sa sofa na kaniyang nakita. Napakaikling short ng suot niya, halos kita na ang singit niya. Tila nahiya siya at nailang sa nakitang ganun ang suot niya. Kinuha niya ang isang unan at itinakip iyon. Ng tingnan niya ito ay nakita niya ang pilyong pagkakangiti nito na kulang na lang ay hubaran.siya ng mga matang iyon.
Ng biglang tumayo si Maxene imbis na ang sinasabi nito ang pakinggan niya, iba ang gusgo niyang pagtuunan ng pansin. Ng makita niya ang kabuuan nito, dumaloy na naman sa bawat himaymay ng kaniyang katawan ang kakaibang init na patuloy niyang tinitiis. Huli na ng makita niya ang kaniyang sarili na may nakapaskil na pala.g ngiti sa kaniyang mga labi. Nghinayang siya ng umupo ito pero higit na nakapag-bigay sa kaniya ng aliw ay ng makita itong tila batang nasa isang tabi na pilit ikinukubli ang sarili, namumula na naman ang mga pisngi nito.
Ilang sandali ang namayaning katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Ngunit siya na mismo ang bumasag nun. Tumayo siya at naglakas papunta sa pinto, hinawakan niya ang seradura at nagsalita. "Magbihis ka na muna, saka na tayo mag-usap dahil hindi ko alam kung kaya ko pang pigilan ang sarili sa isang bagay na kung alam mo.kung anu!" Liningon niya ito at ng mag-angat ito ng tingin at tumitig sa kaniyag,nakaawang pa ang mga labi nito. Binitawan niya ang seradurang hawak niya at inilang hakbang ang pagitan nila, hinila niya ito patayo, hinawakan ang batok at saka hinalikan ang kaninang nakaawang na mga labi. Sa una marahas ang paghalik niya ngunit ng tumagal ay naging masuyo iyon. Humawak ito sa dibdib niya, naramdaman niyang tinutulak siya nito ng mahina ngunit hindi siya nagpadaig doon, hinigpitan niya pa ang pagkakayakap dito kaya lalong nagkalapit ang kanilang mga katawan. Ng biglang nakarinig siya ng katok sa pinto, sinamantala nito iyon ang pagkabigla niya at bahagyang itinulak siya. Natapos ang mainit na halik na iyo, tiningnan niya si Maxene, hindi ito makatingin ng diretso sa kaniya habang yakap ang sarili.
"Daddy, mommy,..sabi po ni Tita Kath baba na daw po kayo!" sigaw ni JM mula sa labas.
Napahawak sa batok si Johny. Si kathleen na naman ang dahilan ng pagkakaudlot, bakit ba tila laging mali ang timing nito. "Yes sweetie, coming!" sigaw niya rin dito. "ayusin mo sarili mo, mauuna na kung bumaba. I'll give you 15 minutes at kapag hindi ka pa bumaba aakyat ulit ako dito at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!" turan niya kay Maxene at naglakad palabas ng pinto ngunit bago ito makalabas ay huminto ito. "And..Maxene?."
Nag-angat ng tingin si Maxene at tumingin dito. "You had such a beautiful body since then, walang pagbabago, kahit na alam kong nanganak ka!" at naandun na naman.ang pilyong ngiti sa labi nito. Napamulagat si Maxene sa sinabi nito.
Meaning?Ang lalaking ito ang nagbihis sa kaniya? Biglang nayakap niya ang kaniyang sarili at mabilis na kinuha ang unang yakap niya kanina. Ibinato niya iyon kay Johny ngunit bago pa man ito tamaan ay naisara na nito ang pinto at narinig pa niya ang mahinang tawa nito. Nag-init ang kaniyang mukha at pasalampak na naupo saka sinabunutan ang sarili ng mahina.
BINABASA MO ANG
Started with a Text
عاطفيةIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...