"Congratulation Mrs., your 4 weeks pregnant!" nakangiting sabi sa kaniya ng doktor. Ngumiti siya dito. Renesetahan siya nito ng ilang vitamins " Balik kayo Mrs. para sa another check - up niyo. Iwasan lang ma-stress at mapagod ng husto, "at saka nag-paalam na siya dito. Iniexpect na niya ang bagay na yun, nag - PT rin siya bago umalis sa kanilang bahay at positive ang result doon. Nagpacheck - up siya para na rin malaman ang mga bitaminang kailangan niyang inumin.
Kanina pa siya nakaupo sa kaniyang sasakyan. Hawak niya ang kaniyang cellphone, nagdadalawang - isip kung tatawgan si Johny para sabihin dito ang magandang balita. Ngunit napag - isip niyang surpresahin na lamang ito, nawala na sa isipan niya ang mga alalahanin. Numero ni Kathleen ang tinawagan niya.
"Kath!" mabilis na turan niya dito.
"Hey!Kumusta na ang maganda kong hipag at bestfriend? " masayang bati nito sa kaniya.
"Busy ka ba?Kita naman tayo, mayang lunch!" sabi naman niya dito.
"Mayang lunch ka diyan, eh lunch na kaya!Kita tayo sa paborito nating restaurant, palabas na ko ng opisina."
"Okey".
Ilang sandali pa at nagkita sila doon.* Beso - beso at Yakapan* Naupo sila sa bakanteng upuan at saka umorder.
"Himala at nagka-oras ka sakin, anong meron at napakawalan ka ni Kuya!" pagbibiro ni Kathleen. Tinitigan siya nito saglit. "Sandali..para may iba sayo,"
hinawakan nito ang kaniyang mga pisngi at saka kumindat. "Anong sekreto mo at lalo ka atang blooming ngayon, minus the eyebag." patuloy pa nito.
"Sira!May sasabihin ako sayo, pero mangako kang satin munang dalawa to ha?"
"Ano yun?Nanalo ka sa lotto at lilibre mo ko sa Boracay?At mag -mimale hunting tayo?Ay mali, ako lang pala. Baka batukan ako ni Kuya pag pati ikaw ng-hunting din." patuloy na pagdaldal nito.
"Hahaha!Ewan ko sayo!Sira, paano ko mananalo eh hindi nga ako nataya. Saka.." sumubo muna siya at ngumuya bago nagsalita. "Sa Kuya at kambal pa lang eh talo ko pa ang nanalo sa Lotto!" nakuha niyang magbiro din dito.
"Aba!aba!At #Hugot ang peg ng ale!NAtutoto ka na ha? Okey sige, anong meron ,ha?"
Tumitig si Maxene sa kaibigan. "I'm pregnant,..again!" nakangiting pagbabalita niya dito.
Lumunok ang kaniyang kaibigan at uminom ng tubig. "Really?" masayang tanong nito na nakadilat pa ang mga mata.
Nakangiti siyang tumango. "4 weeks to be exact!"
Punong - puno ang bibig nito ng pagkain. "O.M.G. So happy for you, sa inyo ni Kuya. Madadagdagan na naman ang lahi nating magaganda at guwapo." napapalakas ang boses nito kaya naman nakatingin sa kanila ang ibang tao sa loob ng restaurant.
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomansaIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...