I intend to love you, hindi ang paiyakin ka!

74 2 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at lagi silang nagkikita ni Maxene at Johny. Uwian na nila Maxene ng ayain siya ni Kathleen na pumunta sa opisina ng kuya nito.

"Ate Max sama ka sakin, dadaan lang ako sa opisina ni Kuya.!" aya ni Kathleen

"Ha?anu naman gagawin ko dun saka nakakahiya noh. Baka isipin pa ng mga tao dun ako ang nanliligaw sa kuya mo.!"

"awsus...umandar na naman pagkaMaria Clara mo. !" hinila niya ito. "Tara na! wag na mag-inarte at obvious na miss mo na kuya ko.hahaha..!" di na nakatanggi pa si Maxene.

Samantala, sa opisina ni Johny.

"Sir naandito po si Ma'am Ysabel, gusto daw ho kaya makausap.!"

Sabi ng kaniyang sekretarya mula sa intercom.

"ok.let her in!"sagot ni Johny

Pumasok si Ysabel at agad na yumakap kay Johny.

"I miss you Johny, tagal na nating di lumalabas. Samahan mo naman ako oh!".pag-aaya ni Ysabel at nanatili itong nakayakap kay Johny.

"Ysabel, marami akong ginagawa. Iba na lang ayain mo.!"

Sumimangot si Ysabel. "Magsabi ka nga sakin Johny, may iba ka bang babae ha?"

Napailing si Johny at pilit inaalis ang kamay ni Ysabel na nakayakap sa kaniya. "Ysabel, please..may babae man ako o wala, wala kana dun. Alam mo ang estado natin, lumalabas tayo, oo! Pero 'di ibig sabihin nun papakialaman mo na ang personal kung buhay.!"

Lalong sumimangot si Ysabel. " Bakit Johny?Sinobg babae ba ang pinagmamalaki mo ha?Kaya ba niyang gawin ito sayo!"At bigla siya nitong hinalikan sa labi. Nasa ganoong tagpo sila ng biglang.

"Hi Kuya!" dire-diretsong pasok si Kathleen at ganoon na lamang ang pagkabigla nito ng makita ang naabutang eksena. Tumingin siya kay Maxene at nakita niya sa mga mata ang sakit o galit sa nakita.

Agad namang naitulak ni Johny si Ysabel at tumingin kay Maxene. "It's not what you think Max.!" lumapit siya kay maxene, ngunit hindi makatingin sa kaniya ito. Ramdam niya ang galit nito sa kaniya. "Ysabel please,umalis ka na!"baling niya kay Ysabel. Lumapit si Ysabel kay Johny at pinagmasda si Maxene.

"Sooo..mukhang ito ang babaeng pinagkakaabalahan mo sa ngayon Johny, kaya naman pala bigla kang nanlamig sa akin.!"

"Ysabel!" nagbabantang tugon ni Johny

"Why?wala akong ginagawang masama!." Yumakap si Ysabel kay Johny at bumulong. "Okey. pagbibigyan kita sa ngayon Johny, pasasaan ba't magsasawa ka rin sa babaeng yan!"at mabilis siya nitong hinalikan at mabilis ding kumawala sa kaniya. Naglakad ito palabas ng pinto.

"Bye Johny, baby!" sabi nibYsabel bago sinara ang pinto.

Narinig ni Maxene ang binulong ni Ysabel kay Johny, dahil sinadya nitong iparinig sa kaniya. Magkahalong emosyon ang nararamdaman niya ngayon, pero nasabi niya sa kaniyang sarili, "wala siyang karapatang magalit!" .Narinig niya ng magsalita si Johny

"Maxene, I'm sorry. Magpapaliwanag ako. Wala kami------!" hindi natapos ni Johny ang sasabihin dahil biglang nagsalita si Maxene.

"Tara na Kath, umuwi na tayo!"

"Ah-eh Ate Max---!"nag-aalangang sagot ni Kathleen

"Okey, mauuna na kung uuwi sayo Kathleen baka hinahanap na ko ni Nanay.!" sabay talikod ni Maxene at lumabas ng pinto. Sinundan agad ito ni Kathleen at Johny.

"At Max, wait!Sasama na ko sayo pauwi, ihahatid na kita!" Tumigil si Maxene at hinintay ang kaibigan.

"Ako ng maghahatid sa kaniya Kathleen!' biglang sabi ni Johny ngunit tumanggi si Maxene.

"Huwag na Johny, kay Kathleen na lang ako magpapahatid!"

"No Maxene, akong maghahatid sayo sa ayaw at sa gusto mo!" at hinawakan ni Johny sa kamay saka naglakad. Liningon nito ang kapatid.

"Umuwi ka na Kathleen at sabihin mo kay mama na hindi ako makakapagdinner sa bahay!" tumango naman si Kathleen at ng mapatingin ito kay Maxene ay sumambit ito ng mahinang Sorry. Ngumiti naman si Maxene ng tipid. Pagdating sa kotse, binuksan ni Johny ang pinto at pinasakay si Maxene.Umikot siya , sumakay sa driver set at saka ito pinaandar. Malayo-layo na ang nararating nila ngunit hindi parin ngsasalita si Maxene.Nakatingin lamang siya sa labas ng bintana. Parang pakiramdam niya pagod na pagod siya. Narinig niyang nagsalita si Johny.

"I'm sorry Maxene!"liningon niya ito saglit at agad ding binawi ang tingin. Nagpatuloy sa pagsasalita si Johny.

"wala kaming relasyon ni Ysabel. Hinalikan niya lang ako!"

" Hindi mo kailangang magpaluwanag Johny,maghalikan man kayo ni Ysabel wala na ko dun, wala tayong relasyon.!"mahinang sabi ni Maxene.

"No maxene, makinig ka sa akin.!" hininto ni Johny ang sasakyan sa tabi ng kalsada.Hinawakan nito ang kamay ni Maxene "bago kayo dumating ni Kathleen,may kaunti kaming pinagtatalunan ni Ysabel. Inaaya niya kong lumabas kami, tinanggihan ko at nagalit siya. May ibang babae babae daw ako kaya ganoon na ko sa kanya ngayon. Ayow ko man siyang saktan sinabi ko ang totoo, na wala siyang karapatang panghimasukan buhay ko dahil wala kaming relasyon at kaibigan ko lang siya. Nagalit siya at hinalikan ako, at yun ang tagpong naabutan niyo ni Kathleen.!" Tinitigan nito si Maxene at nakatitig din sa kaniya ito.

"Max?!Kahit tanungin mo pa si Kathleen, si Brent o si mama. wala kaminv relasyon ni Ysabel" matagal bago nagsalita si Maxene

"Ihatid mo na ko Johny, gusto ko ng magpahinga at tiyak hinahanap na ko ni mama.!" pakiusap ni Maxene

"okey!iuuwi na kita pero sabihin mo muna, galit ka pa ba sa akin?!"Tanong ni Johny. Hinugot ni Maxene ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Johny, humalukipkip siya at tumingin sa labas.

"Wala akong karapatang magalit Johny!"

"Meron Maxene,meron!" hinawakan ni Johny ang mukha nito at hinarap sa kaniya. "Ngayon sigurado na ko sa nararamdaman ko Maxene, ...Mahal Kita!.Narinig mo ba ko Maxene?" tanong ni Johny na hindi binibitawan ang mukha ni Maxene.Ng makita niyang, maluha-luha ang mata nito at may tumulong luha s pisngi nito.
" Oh..Maxene, ssshh.don't cry!"pinunasan ni Johny gamit ang kaniyang daliri ang luhang tumulo sa pisngi nito. Napahagulhol naman si Maxene. Yinakap ito ni Johny, linagay sa dibdib niya ang mukha nito at hinaplos ang likod nito. "Sshhh..tahan na Maxene, ayow kung nakikita kitang umiiyak lalo na kung ang dahilan ng pag-iyak mo ay ako. I intend to love you Max, hindi ang paiyakin ka!Shhhh..I love you Maxene!" Nag-angat ng mukha si Maxene at tumitig sa mukha ni Johny.

"Mahal mo ba talaga ko Johny?!" tanong nito

" Yes sweetheart.!Mahal na mahal at ngayon lang ako nagmahal ng ganito.Mahal mo rin ba ko Max?.!"

"Oh Johny!" at muli nagyakap sila.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko Maxene!" Iniangat ni Johny ang mukha nito at kinulong ang mukha sa kaniyang mga kamay.

"Mahal din kita Johny!Ngayon lang din ako nagmahal at nagtiwala sa isang lalake para mahalin ko at mahalin ako!" mangiyak-ngiyak na sagot ni Maxene. "Hindi ko alam ang gagawin ko kanina ng makita ko kayong naghahalikan ni Ysabel.!"

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon