Nasa lobby ng Maharlika Hotel si Johny ng mga oras na yun. Kanina pa pumasok si Kathleen sa function hall. Nagpaiwan siya dito nagbabaka-sakaling makita niya ang pagdating ni Maxene. Narinig niyang may nagsalita sa kaniyang likod ngunit hindi niya iyon pinansin.
"JM, MJ upo muna kayo dun ha?" tinuro ng yaya ang sopa sa gitna ng lobby. "Pupunta lang akong CR.Diyan lang kayo, huwag kayong aalis ha?"
"Yes yaya!" sabay na turan ng mga ito. Napangiti naman si Johny dahil narinig niyang nag-duet pa ang mga ito. Naramdaman niyang naupo ang mga ito sa likod niya. Hindi niya ito liningon at nakinig lamang sa pag-uusap ng mga ito.
Tumayo si JM. "JM where are you going?Sabi ni yaya dito lang tayo diba?" narinig niyang sabi ng mumunting tinig na boses babae.Naipikit niya ang mga mata dahil tila kay sarap pakinggan ng boses nito.
"Dito lang ako, MJ sisilip lang ako sa loob!" narinig niyang sabi ng boses lalaki. Natahimik ang mga ito sa likod niya. Ng bigla siyang makarinig ng humahangos na bata.
"MJ nakita mo ba robot ko?"
"Hindi!Diba hawak mo kanina?"
"Oo, pero nasaan na?Bigay ni mommy yun, eh!" Narinig niyang nagpapapadyak na ito at tila naiiyak.
"JM huwag kang iiyak, nakakahiya sa kanila oh!" sabay turo ni MJ sa mga receptionist. Tuluyan ng napaiyak ito at naupo sa sahig.Lilingonin sana ito ni Johny ng mapansin ang robot na nasa tabi niya. Kinuha niya iyo at saka tumayo. Linapitan niya ang batang lalaki na nakaupo at nakayuko sa sahig.
"Hey young man, heto ba ang hinahanap mo?" sabay abot ni Johny sa robot. Unti-unting nag-angat ito ng mukha at tiningnan ang hawak.niya. Kinuha nito iyon, tumayo at saka pinagpag ang suot. Bigla itong tingin sa kaniya, biglang may parang bumundol sa dibdib niya ng matitigan ang mga mata nito. Sa buong buhay niya, isa lang ang nakita niyang nag-mamay-ari ng ganung paris ng mga mata. Bigla itong nagsalita at hindi mababakas na galing ito sa pag-iyak maliban sa mga luha nito.
"Thank you!"What's your name sir?" tanong nito.
"Ha?" napamulagat naman si Johny dahil tila binata na ang kausap niya. Hindi pa siya nakakarecover sa pagkakatitig dito ng magsalita ang batang babae mula sa likod.
"Gee, I thought tunay kang lalaki JM but look at yourself.Your messed JM, here, punasan mo mukha mo!"tila matanda na namang magsalita ang kaniyang narinig at nakita niya ang panyong inabot dito. Dahan-dahan niya itong liningon. Hindi niya makita masyado ang mukha nito dahil nakatayo siya, ng tumingala ito sa kaniya.
"Salamat po sa pag-sauli ng robot ni JM!" biglang tila nakaramdam si Johny ng suntok sa dibdib ng mapagmasdang mabuti ang mukha nito. May kakaibang pakiramdam na dumaloy sa kaniyang buong katawan. Tinitigan niya itong mabuti at liningo ang batang lalaki. Ngunit mas higit na nakaagaw ng pansin niya ay ang batang babae. Sa matagal na pagtitig niya dito parang nakaharap siya sa salamin at tinititigan ang kaniyang sarili. Parang female version niya ito, hindi niya makuhang ihiwalay ang tingin dito. Umupo siya at tumabi dito. Nakatayo sa harap niya ang batang lalaki at nagtataka namang napatitig sa kaniya ang batang babae. Ngunit ganun na lamang ang tuwa niya ng makitang ngumiti ito sa kaniya ng pagkatamis-tamis.
"Hindi niyo po sinagot ang tanong ni JM!" narinig niyang nagsalita ang batang babae.
"Ha?" naguguluhang sagot niya. Kinalabit siya ng batang lalaki
"Ano hong pangalan mo?Sabi ni mommy don't talk to stranger, kaya para hindi ka maging stranger sa amin , sabihin mo po name mo!"
"ha?" parang yun lang ang salitang lumalabas sa kaniyang bibig dahil parang naaapektuhan ang kaniyang isip sa nakikita. Ng sa wakas makuha niyang magsalita."I'm Johny!Nasaan na ba ang kasama niyo?" nagkibit balikat ang batang lalaki at nagulat siya ng kumalong ito sa kaniya.
"Do you know how to play Robot, sir?"tanong nito sa kaniya.
"Uh-huh!"tanging nasabi niya, nakita niyang nahulog ang hawak na manika ng batang babae, yumuko ito at kinuha ang manika. Ngunit sa pag-upo ulit nito at humarap sa kaniya, parang tila binuhusan siya ng malamig na tubig pagkakita sa suot nitong kwentas. Hindi siya maaaring magkamali, ganun ang kwentas na ibinigay niya kay Maxene.
"A-ang ganda naman ng kuwentas mo!" parang may nakabara sa lalamunang turan niya.
Hinawakan nito ang kwentas at saka inangat, "Heto po?Binigay po sakin 'to ni mommy nung 1st birthday ko and---" hindi nito naituloy ang sasabihin ng magsalita ang batang lalaki.
"Ako din po meron, heto oh!Bigay din po sakin ni mommy!" lalong nadagdagan ang kakaibang kabang nararamdaman ni Johny. Ngayon, mas sigurado na siya, hindi siya maaaring magkamali.
"A-anong pangalan niyo sweethearts?" nauutal na tanong niya dito.
Si MJ ang sumagot. "I'm MJ, Maxie Jane buo kong pangalan and siya naman JM, John Meynard naman real name niya!" biglang parang sumakit ang ulo ni Johny sa narinig.
"Ha-how about your last name?" tanong pa niya dito.
Si JM ang sumagot. "Ahm A--" tila inaalala nito.Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at hinintay itong magsalita. "A--Agustin po!" biglang naidilat ni Johny ang kaniyang mga mata. Gustong maiyak ni Johny sa narinig, hindi niya kailangang itanong pa.Anak niya ang mga ito! Naalala niya ang sinabi ni Dante. Na hindi lamang para sa kanila ni Maxene ang lahat ng iyon kundi may isang mabigat na dahilan pa kung bakit ito nagtungo sa kaniyang opisina.
Inihilig ni JM ang ulo nito sa kaniyang dibdib, at humawak naman sa kamay niya si MJ. Labis niyang ikinatuwa iyon dahil tila nararamdaman din ng mga ito ang kakaibang pakiramdam na dumadaloy sa kaniyang katawan!
Hinalikan niya ang buhok ni JM at sunod si MJ. Matinding pagpipigil sa sarili ang ginawa niya para hindi maiyak. Sinikap niyang huwag mahalata ng mga ito na tila nanginginig siya sa labis na tuwa at kaba.
" What's the name of your mother sweetheart?"nakapikit at nakatingalang tanong niya sa mga ito.
Naghikab si JM at nagsumiksik naman si MJ sa gilid niya bago nagsalita. "Maxene, and she's pretty like me!" Tuluyan ng dumaloy ang luhang kanina pa pinipigilan ni Johny, pasimple niya iyong pinahid!
"Uh--huh, Yes she is!" hanggang sa makita niyang nakapikit na ang mga mata ni JM.
"Susunduin po namin siya dito!" inaantok na turan ni MJ, hinaplos niya ang buhok nito at unti-unti nitong ipinikit ang mga mata. Ng biglang may nagsalita sa likod niya.
"Ay naku pasensiya na sir, medyo natagalan ho ako!Nakatulog na ang mga alaga ko!" sinenyasan niya itong huwag maingay. Napakamot ito sa ulo.
"Ano bang gagawin ko!" natatarantang sabi ng yaya ng mga bata.
![](https://img.wattpad.com/cover/32173069-288-k74749.jpg)
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...