Death of her Mother

43 0 0
                                    

Pagdating na pagdating ni Johny sa inuokopahang kuwarto ay telepono agad ang hinarap niya. Hindi niya maalala kung saan niya nailagy ang cellphone. Dinial niya ang numero ni Maxene, unaattended ito!Naalala niyang may cp si Dandan, pero di niya kabisado ang numero nito!Sunod na tinawagan niya ay si Kathleen.

"Hello?" si Kathleen

"Kath nagkausap ba kayo ni Kathleen?Di ko siya macontact!" iritadong sabi ni Johny.

"Nung isang araw ko pa siya nakausap, baka lowbat lang o kay busy sa trabaho!" tanging nasabi ni Kathleen. Pakatapos ng ilang kumustahan ibinaba na ni Johny ang telepono! Pagod siya maghapon kaya nagpasya siyang magpahinga ng maaga! Bukas na lang niya ulit susubukang tawagan si Maxene.

Sa ospital, "Ate, alam na ba ni Kuya Johny ang nangyari kay Nanay?" tanong ni Dandan. Nagkatinginan sina Dante at Maxene. Maagap namang nagsalita si Dante.

"Ahmp Maxene, uuwi na muna ko!Tawagan niyo na lang pag may kailangan kayo!"Tumango si Maxene.

"Salamat Dante!Mag-iingat ka!" tanging nasabi ni Maxene. Nakalimutan na ni Dandan ang sinabi nito kanina.Naupo si Maxenw ngunit nakaramdam siya ng pagkahilo at naduwal siya.Tinakbo niya ang cr at doon nagduduwal kahit wala naman siyang maisuka!

"Ate okey ka lang?" tanong ni Dandan paglabas niya. Tumango siya, "Namumutla ka ate, kumain ka na ba?"

"Busog pa ko, mamaya na lang ako kakain!Lalabas muna ko saglit, tawagin mo na lang ako pag nagising si Nanay!" Naglakad si Maxene palabas ng hospital, gusto niyang makalanghap ng hangin. Nagpunta siya sa gilid ng ospital, may maliit na garden doon at may swing. Naupo siya, tumingala at tiningnan ang mga bituin. Habang nakatitig siya,unti - unti na naman niyang naaalala ang nangyari sa kanila ni Johny. Hinawakan niya ang di pa nahahalatang tiyan. "Palalakihin kita ng maayos baby, pasensiya ka na. Alam kong kahit dugo ka palangvs ngayon ramdam mo na ang hirap at sakit na kinakaharal ko!Kakalimutan natin ang lahat ng tungkol sa ama mo, sisikapin kong maitaguyod kita ng maayos!" naluluhang nasabi ni Maxene sa kaniyang sarili. Nang makarinig siya ng boses mula sa speaker na nanggagaling sa ospital.

"Paging Maxene Sebastian, pumunta ho kayo sa Room 104!" kinabahan si Maxene, kuwarto iyon ng kaniyang.Lakad takbo ang ginawa niya. Nakita niya si Dandan sa labas ng kuwarto, nakayuko at umiiyak.

"Dan, anong nangyari?"hinihingal na tanong ni Maxene.

Lumapit si Dandan, yumakap sa kaniya habang naiyak. "Ate si Nanay, nanginginig siya kanina, nahihirapan siya ate, naaawa ako kay Nanay!" patuloy na pag-iyak ni Dandan. Hinaplos niya ang likod nito, natulo na rin ang luha niya, gusto niyang magalit sa mundo. Gusto niyang magsisigaw sa mga oras na yun ngunit naisip niya!" Ngayon ako dapat maging mas matatag!" Sumilip siya sa kuwarto, nagkakagulo ang mga doktor, kung anu-anong nakakabit sa katawan ng kaniyang ina. Naikuyom niya ang kaniyang mga kamao, nakaramdam siya ng galit at awa, galit para sa lalaking minahal at pinagkatiwalaan niya. Awa, para sa kanilang pamilya!

Nang biglang, tumunog aparatong nakakabit sa kaniyang ina! Nakita niyang nagiging tuwid ang linya, ibig sabihin,hindi nahinga ang kaniyang ina, doon na siya tuluyang bumigay.

"Naaaaayyyyyyy!" sigaw niya habang nakatingin sa mga doktor na pilit dinudugtungan ang buhay ng kaniyang ina! Lumapit si Dandan sa tabi niya at yumakap "Naaaay, huwaag!Kaya mo yan, lumaban ka, lumaban kaaaaa!.." sabi ni Maxene habang sinusuntok ng kaniyang kamao ang dingding. Wala siyang pakialam kung magkasugat ang kaniyang kamay. Naiyak na rin si Dandan, "naayy huwag mo kaming iiwan?" tanging masabi ni Dandan.

Ilang sandali pa at nakita ni Maxene, umiling ang mga doktor.

"Time of death, 11:20 P.M.!' narinig niyang sabi ng doktor.

"Hindi.Hinnnnndiiiiii!" sigaw ni Maxene at unti-unting nilamon siya ng dilim! "ate.ateee!" boses ni Dandan na tanging huling narinig niya. Nawalan siya ng malay. Nagkagulo ulit ang mga doktor, dinala siya sa kabilang kuwarto at agad na inagapan ng mga doktor. Tinext ni Dandan si Johny at ganoon na rin si Dante.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon