"Tito Ninong, Tita Ninang"natutuwang sumalubong ang kambal kay Dante at Carla.Yumakap ang mga ito sa mga bagong dating at saka humalik.
"Hello MJ and JM!" bati ni Carla na tila hirap sa kaniyang pagdadalang-tao.
"Hi po" magkapanabay na sabi ng kambal. Ginulo naman ni Dante ang mga buhok nito.Napatayo si Maxene mula sa pag-aayos ng halaman.
"Aga niyong dalawa ah, anong atin?" bati ni Maxene dito. Pinaupo ni Maxe ang mga mata at saka inutusan ang yaya. "Yaya, kuha mo naman sila ng juice at maglabas ka na rin ng sopas na niluto ko.!"
Kinalong ni Dante si JM at na kay Carla naman si MJ. "Malapit na birthday ng dalawang inaanak ko ah, anong gift gusto niyo?!"
Nagkatinginan ang dalawang kambal."We want Daddy to be there, that's it!" si MJ ang nagsalita
"Oo nga po, sana pumunta si Daddy. Sana di na siya busy sa work niya sa Australia." sabi naman ni JM. Nagkatinginan silang tatlo at kinuha ni Maxene mula kay Dante si MJ.
"Busy si Daddy, saka napakalayo ng Australia dito sa atin, mahal pa ang pamasahe!Naandito naman si Mommy, Tito Ninong and Tita Ninang!" paliwanag ni Maxene.
Lumapit kay Maxene si JM."Iba parin po ang may Daddy, tulad ng iba naming classmate may Daddy silang kasama lagi!" Tahimik lamang sina Dante at Carla
"Okey, tatawagan ko Daddy niyo!But for the meantime, maligo na muna kayo!" inamoy niya kunwari ang kili-kili ni JM."Hmp.asim!"nakiliti naman ang bata at saka tumawa.Sunod niyang inamoy ang leeg ni MJ. "hmp...amoy araw na mga baby ko!"at saka ito pinanggigilan.Tawa ito ng tawa hanggang sa makalimutan na nito ang usapan nila. Ibinaba niya si MJ, "go to yaya na dali...!"at saka nag-unahan ang kambal.Tinanaw nila ang paglayo ng dalawa at saka nagsalita si Dante.
"Hanggang kelan mo sila lolokohin Max?" tumingin si Maxene dito.
"Hanggat hindi pa nila naiintindihan ang lahat!" malungkot na sabi ni Maxene.
"Pero Maxene, panu kung paglaki nila hanapin nila sayo ang ama nila, anong sasabihin mo?Nasa australia, mahal ang pamasahe kaya hindi makauwi!?" sabi naman ni Carla.
"Saka ko na iisipin yun pag dumating ang araw na malalaki na sila!"
"Anyway, uuwi kami ni Carla bukas sa San Ignacio!Maghahanda kami para sa enggagement party at anniversary nila Daddy!" pag-iiba ng usapan ni Dante sa kanilang usapan.Dinugtungan naman ito ni Carla.
"And I want you and the kids to be there Max, at hindi kami tumatanggap ng sagot na No!"seryosong sabi ni Carla.
Napamulagat si Maxene. "Carla, alam mo kung bakit hindi pwede!" tanggi ni Maxene.
"Importante ang party na yun Maxene,at importante kayo sa amin ni Dante kaya ang gusto namin eh naandun kayo!" sabi pa ni Carla
"Pero--"tumingin siya kay Dante at sunod kay Carla. "Paanu kung makita niya kami at isa pa hindi pa ko handang umuwi sa atin, Dante!"
"Kelan ka pa magiging handa Maxene, kapag uugod-ugod ka na?Saka hindi naman siguro kayo magkikita, di naman niya malalaman na naandun ka!May nakahanda ng kuwarto sa inyong mag-iina kung ayaw mong doon sa dati niyong bahay kayo tumuloy at baka nag-aalala ka na makita niya!" Huminga ng malalim si Maxene.
"Susubukan ko!" tanging nasabi ni Maxene.
"Don't try Max, gawin mo.Bukas ang uwi namin, papasundo na lang namin.kayo sa driver!" sabi naman ni Dante.
Umiling si Maxene,"Huwag na, dadalhin ko na lang ang kotse at ako na ang magdadrive para makauwi kami agad!"
"Hindi ka pa nga dumarating doon, pag-uwi na agad iniisip mo!" si Carla
Ngumiti si Maxene. Ilang sandali pa at nagpaalam na ang dalawa.
Sa opisina ni Johny, "Excuse me sir, inihatid po ito ng isa sa mga tauhan ni Vice!"sabi ng kaniyang sekretarya at saka ilinapag iyon sa mesa.
Tumango si Johny at nagpasalamat sa kaniyang sekretarya.Pakalabas nito saka binuksan ni Johny ang ilinapag nito. Isa iyong imbitasyon sa darating anniversary ng mag-asawa sa darating na sabado. "Bakit ko pa gugustuhing makita ang babaeng nanloko sa akin, para saktan lamang ang sarili niya?"nasabi niya sa kaniyang sarili at saka ito itinapon sa basurahan. Hapon, pauwi na si Johny ng makita niyang paubos na ang kaniyang gasolina, naghanap siya ng gasolinahan, ng makahanap siya pinakargahan niya at sumagap sa Mini Stop para bumili ng ibinilin sa kaniya ni Kathleen. After 1 year mula ng magpunta ito sa australia, nagdesisyon itong umuwi ng Pilipinas para siyang mamahala sa Negosyong ipinaman ng kanilang ama. Papasok na siya sa Mini Stop ng mapansin niya ang isang babae na tila naduduwal pababa ng kotse. May lumabas na lalaki mula sa kotse, inalo nito ang babae, hinaplos ang likod at humalik pa sa ulo nito, ganun na lamang ang pagkagulat niya ng makita niya si Dante. May kasama itong ibang babae at diyata't buntis ang babae base na rin sa laki ng tiyan nito. "Shit!" galit na turan niya, ikakasal na ito lahat-lahat may nabuntis na pala. Galit na napasugod siya dito, "nakita din kita sa wakas na hayop ka!"sa loob-loob pa niya habang papalapit dito.

BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomansaIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...