60: A Sleep With The Dragon

355 26 9
                                    

“ Hindi mo pa ito malalaman hangga't hindi pa ito nangyayari sa'yo,”

Isang malalim na buntong-hiningang ang marahas kong pinakawalan bago ako tumingin sa humihilik na si Astrid. Nakatulog ito pagkatapos nitong sabihin ang mga salitang iyon.

Hays, ano kayang ibig sabihin niya sa mga 'yon? Napapaisip tuloy ako.

Nuon pa man matalinghaga na itong magsalita at hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay. Well, kung tutuusin matagal kaming nagkalayo kaya malamang hindi talaga ako masasanay sa paraan ng pagsasalita ng companion ko.

Companion ko. Ang sarap naman sabihin. Nakakakilig na parang ewan. Dala ng emosyon ay hindi ko napigilang muling haplusin ang mukha ni Astrid.

Hindi ko sukat akalain na for how many years ng paghahanap ko ng magiging companion ko na dinala na ako sa iba't ibang lugar at humarap na sa iba't ibang panganib yun pala'y may isang naghihintay na sa akin. Naghihintay lang sa muli naming pagkikita.

Hinayaan ko lang ang sarili na tangayin ng aking emosyon na nauwi muli sa paglandas ng aking mga luha. Mga luhang magsisilbing katapusan ng aking pangungulila at simula naman ng mga bagong karanasan kasama si Astrid. Wala sa loob akong napangiti na napunta sa mahinang pagtawa. Bigla ay naalala ko ang mga kaibigan kong naiwan sa academy.

Si Everdeen, si Primrose, si Maui, pati ang mga limang pince. Pero higit sa lahat, si Professor Peregrine, ang companion ni Everdeen.

Ano kayang sasabihin ng tukmol na 'yon na kapag nalaman nitong mas malaki pa ang companion ko kesa sa kanya?

Mayabang mang sabihin pero gusto ko talagang ipagmayabang sa bakal na kuwagong yon si Astrid. Sa wakas, magagawa ko na rin siyang belatan ng malupet. Whahaha. Na-iimagine ko na ang mukha nito kapag ginawa ko 'yon.

Napatawa ako sa isipin iyon ngunit kaagad ding nawala nang maalala ko naman ang Headmistress lalo na ang masungit na si Mis Minchan.

Oo, walang duda na tiyak matutuwa ang Headmistress kapag nalaman nito na sa wakas may companion na ako. Pero si Miss Minchan, hays ayokong isipin pero sa totoo lang siya lang naman ang kontrabida sa buhay ko noon pa man. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka kapag nalaman niya kung gaano kalaki si Astrid baka magsumbong ito sa IMEE. Naku, naku.

Bakit kasi ang harsh ng matandang 'yon sa akin?

Isang buntong-hiningang pa aking pinakawalan hanggang sa may sumagi na naman sa alaala ko.

“ Sa tingin mo ba pagkakataon lamang na sa gubat na ito napili ng Headmistress na isagawa ang taunang companion hunting ng inyong akademya?”

Hindi ko alam kung paano nalaman ni Astrid ang tungkol sa bagay na 'yon. At ngayon lang ako nagtaka kung bakit niya iyon nasabi. Napaisip tuloy ako.

Pagkakataon nga lang ba na sa  Old Dragon's pinili ng academy ganapin ang taunang annual companion hunting?

Sa totoo lang, nang malaman kong sa Old Dragon's nga ang venue ng companion hunting ngayon taon, medyo nagduda ako. Old Dragon's is a dangerous place para sa mga estudyante at alam ng Headmistress at ni Miss Minchan iyon. Pero bakit nila ito pinili?

Was it all planned?

Sinadya ba talaga nila 'to? Para sa....akin?

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon