27:Runaway Couple

686 40 0
                                    

【★★★】

Last two minutes.

Napag-usapan namin ni Kosuke na umalis na sa rendezvous point na sinabi ko kanina kina Primrose kung sakali mang di pa rin dumating ang mga ito sa loob ng kinse minutos.

At dalawang minuto na lang ang natitira sa palugit na binigay namin sa kanila.

Hindi sasapat ang oras namin para hintayin pa ang dalawa.

Kung nagtanan man ang dalawa, wala na akong pakialam.

Ang concern ko na lang ngayon ay ang mga item na nasa kanila.

"Hmm...hmm..hmm..."

Napaangat ang tingin ko sa nakatayong si Kosuke. Kasalukuyan nitong hinehele ang kanina ay nagising na kappa. Sinubuan nito ng isang makinis na bittermelon ang kappa para magsilbing pacifier at para di na rin tuluyang magising pa.

Mukha tuloy itong isang batang ama sa ginagawa nito ngayon. Nga lang isang kappa ang binababy nito.

Sakto naman lumingon ito sa akin at nagtama ang aming paningin.

As usual napangisi na naman ito.

"Gusto mo bang ikaw naman ang maghele kay Baby Kipper, Mommy Meiji?" Ang
loko lumuwang pa ang pagkakangisi nito sa sinabi nito.

Kaya naman inirapan ko ito.

"Aanak-anak ka kasi ng kappa eh, ayan napapala mo." nag-aasar kong sagot.

"Ha..ha..ha.. Ikaw kasi ang landi mo ng gabing iyon eh."

Sa sinabing iyon ni Kosuke bigla na lang dumilim ang tingin ko at sinamaan ko naman ito ng tingin. Agad akong humagilap ng maaaring ibato rito at ng makatagpo agad ko itong binato.

Sapul sana ang mukha nito kung di lang nito mabilis na sinalo ang binato ko. Tatawa-tawa pa ito ng walang anuman nitong ginawang isang gemstone ang inihagis kong bato.

Isa nga pala itong gemstone weilder bilang isa rin s'yang gaia(earth) wizard.

Kaya-kaya nitong gawing isang gemstone ang isang bato na mayroong mga compound para maging isang gemstone.

Kaya naman ang empire nila ang pinakamayamang emperyo sa buong Earthicus.

Biruin mo naman, ang Emperateur nila kayang gumawa ng mga gemstone ng walang kahirap-hirap na ginagawa naman nilang mga dime.

Para s'yang isang dime-maker.

Sa madaling salita isa s'yang buhay at naglalakad na minahan.

Ibinato rin nito pabalik sa akin ang kanina ay bato ngunit ngayo'y isa ng rose quartz. Gemstone na may mataas na halaga kaysa sa ordinaryong quartz ngunit wala pa ring katapat na currency dahil hindi pa naman maari itong ibili. Kailangan muna itong ipolish at ihulma bilang isang dime bago ito pwedeng ibili.

Tsk.

Pero sa ngayon itatabi ko muna ito. In case of emergency lang naman.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon