NAGPALINGA-LINGA si Meiji sa bawat daan na nililiparan ng mga scarab. Dahil sa suot pa rin naman niya ang multipurpose telescope slash goggles ni Na'bbu malaya niyang nakikita ang paligid kahit na madilim pa ito. Ginagawa niya iyon para masigurong wala ng cannibal gome na sumunod sa kanila.
Malayo-layo na rin ang nalipad nila bago sila ibinaba ng mga scarab. Si Meiji na rin ang nagturo kung saang bahagi sila ng gubat bababa. Itinuro niya ang isang lugar kung saan naroroon ang mga halaman at punong nag-eemit ng bioluminescence light. Dito natitiyak niyang hindi na sila masusundan pa ng mga cannibal gome.
Namili rin sila ng punong mapagpapahingahan. Napili nila ang isang punong natatakpan ng mga dahon mula sa nagtataasang foliage plants. Malaki ang punong iyon sapat para sa kanila kasama ng mga scarab. Malalaki at matataas na may malalapad na dahon naman ang mga foliage plant tamang-tama para maitago sila sa mga possible threat habang natutulog sila.
Pagsapit nila sa pinakataas ng bahagi puno, agad silang nagset up ng matutulugan. Gumawa sila ng patriangle frame ng magsisilibing tent nila mula sa mga siit ng puno saka nila inilagay ang telang balat na ibinigay ni JackGrey kay Meiji. Medyo namangha pa sila ng makita nilang may camouflage ability pala ang toldang iyon. Dagdag protection na rin sa kanila habang sila'y namamahinga.
Bago natulog naghapunan muna sila. Nalula si Meiji sa dami ng pagkaing inilabas ni William mula sa dimensional bag nito. Napaghahalatamg ayaw talagang magutom ni Helena ang kapatid. Dahil na rin sa dami nuon, hindi na naglabas ng sarili niyang pagkain si Meiji. Nakiamot na lang siya ng pinaunlakan siya ni William. Habang binigyan naman nito ng mga dahon ang mga alagang scarab bilang kanilang hapunan.
Pagkatapos nilang maghapunan ay naghanda na silang matulog. Ipinagamit niya kay William ang fur cloak na ibinigay ni Primrose
para gawing kumot nito habang sa isang sleeping bag naman siya mahihiga. Sa tabi naman ng tent nila humimpil ng higa ang mga scarab. At bago humiga isa-isa pa itong binigyan ng goodnight kiss ni William.Napangiti naman si Meiji sa ginawang iyon ni William. Naisip niya kung magiging ganito rin ba siya sa magiging companion niya. Napailing na lang siya sa naisip saka niya ipinagpatuloy ang pagtatanggal sa metal pin sa hinubad niyang jacket. Pagkatapos ikinabit niya iyon sa kanyang pantulog na jacket na kakasuot pa lang niya. At bago pa man niya naipasok ang hinubad na jacket sa dimensional sling bag, nabaling ang atensyon niya kay William na kakapasok pa lang sa tent. May napansin siya rito.
"Nasaan na ang pin mo? " tanong niya rito. Umiwas naman ito ng tingin. Naupo na ito sa inihanda nitong higaan at akmang hihiga na rin sana pero napaayos agad ng upo ng pagtaasan ito ng kilay ni Meiji.
Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita." I-itinapon ko po," nauutal pa nitong amin.
" Itinapon mo!? Pero bakit?" medyo gulat na tanong ni Meiji. Hindi niya akalaing magagawa nitong itapon ang tanging bagay na connection nito sa labas ng gubat.
Napayuko naman si William."Nagawa ko po 'yon dahil..," Suminghot muna ito saka muling nagpatuloy. "...gusto ko po sanang maramdamang malaya ako kahit sandali lang,"
Hindi naiintindihan ni Meiji ang paliwanag nito kaya kunot-noo niya itong pinakatitigan. Tila naman nabasa ni William ang reaksyon ni Meiji. Nagpatuloy ito sa pagpapaliwanag."Kung suot ko ang pin, tiyak laging i-momonitor ni Ate Helena ang galaw ko dito sa gubat. At kapag nakita nitong lumagpas ako sa mga tinalaga nitong off-limits zone, tiyak ding magpapadala agad iyon ng mga guardian gome para ilabas ako sa gubat na 'to," mahaba at detalydong paliwanag ni William. Pero mukhang hindi 'yon nagustuhan ni Meiji. Nakataas pa rin ang kilay nito na tila nakarinig ng isang malaking kasalanan.
Gusto n'yang singhalan ang bata kaya lang naisip n'yang baka magdamdam ito. Iba pa naman ang mga kabataan ngayon. Masigawan mo lang ng isa akala na nila inaabuso na sila. Masyado silang oversensitive na kung minsan oa na.
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasíaAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...