19:Book of the Royal Bachelors.

1K 36 0
                                    

〖☆☆☆〗

Apat na oras ang itinagal ng klase ni Miss Goroghbough. Natapos man ang klaseng iyon sa mga bangayan at singhalan ng mga estudyante lumabas naman silang nakangiti at magkakasabay.

"Tara na sa Great Hall. Gutom na ako." ang maririnig sa mga estudyanteng palabas ng kani-kanilang klase.

Lunch banquet na kaya ang halos lahat ng mga estudyante ay sa Great Hall patungo.

Maliban kay Meiji.

Iba ang direksyong tinatahak nito taliwas sa tinatahak na direksyon ng ibang estudyante.

Napansin iyon ni Everdeen.

"Meiji, espren. Sandali lang." habol nitong tawag kay Meiji."Saan ka na naman ba pupunta? Doon ang daan patungo sa Great Hall. Tara na!"
Humawak pa ito sa braso ng kaibigan at marahang hinihila ito.


Ngunit tiningnan lang ni Meiji ang kaibigan saka muling naglakad sa taliwas na direksyon.

Natanggal ang pagkakakapit ni Everdeen kay Meiji. Maya-maya pa ay sumunod itong muli kay Meiji.

"Saan ka na naman ba pupunta, ha, Meiji? " pero nanatili lang walang imik si Meiji. Nakatingin lang ito ng diretso sa nilalakaran.

"Gutom na ako, Meiji. Saan ka ba kasi pupunta,ha? Magsalita ka naman, please?" pag ganito kasing di nagsasalita si Meiji kailangan pa itong kulitin para lang magsalita.

Pero di naman madalas ganito si Meiji. Nagkakaganito lang ito kapag may malalim itong iniisip o kaya naman trip lang.

"Bahala ka nga d'yan! Gutom na ako." at walang kalingon-lingong nagmartsa si Everdeen sa direksyong tinatahak ng halos lahat ng mga estudyante.

Pero tumigil rin ito sa paglalakad pagkaraan pa ng ilang sandali.

"Iiihh, Meiji naman eh!" nagpapadyak pa si Everdeen na parang batang nagmamaktol. Saka ulit nito sinundan ang di pa nakakalayong si Meiji.

Kahit kumakalam ng ang sikmura, ipinagpatuloy pa rin ni Everdeen ang pagsunod sa kaibigan. Ramdam kasi niya na may kung anong bumagabag sa kaibigan. Kaya kahit parang nagdedeliryo na siya sa gutom, minabuti pa rin niyang sundan ang kaibigan.

Makaraan nga ang ilang minuto, narating na nila ang Girl's Hallway. Dire-diretsong pumasok si Meiji sa kanyang silid kasunod si Everdeen na nagkakanda-pilipit na sa gutom.

Nang makapasok na sila sa kwarto ni Meiji, hawak ang tiyan na naupo si Everdeen sa malambot na sofa. Lambot na lambot na ito at putlang-putla sa gutom na sinabayan pa ng parang kidlat na tunog mula sa kanyang tiyan.

Hinawi naman ni Meiji ang illusion wall na nasa bungad lang pinto. Kung titingnan isa lang itong karaniwang wall. Naroroon pa nga ang kanyang life size wall mirror. At ilang maliliit na nakasabit na painting. Pero ang totoo, isa lamang illusion ang wall na iyon dahil sa likod noon, masusumpungan ang isang make shift kitchen. Kumpleto ang maliit na kusina na iyon. May lababo, two-way burner, isang oven at isang di kalakihang wooden fridge na aakalain lang na isang cabinet. Sa itaas naman nito ay may tatlong maliliit na cabinet na pinaglalagyan ng mga kitchen utensils.

Mula sa fridge kumuha ito ng isang marinated humongous chicken. Thigh part na lang ito dahil nakain na niya ang ilang parte nito ng ilang beses din siyang di dumudulog sa banquet. Sinabuyan muna niya ng hiniwa-hiwang leeks ang marinated humongous chicken at naglagay sa tray nito ng ilang piraso ng asparagus saka niya ito ipinasok sa pre-heated oven.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon