64: Goodbye My Almost....Part III

228 28 0
                                    

Isa....

Ang panghuling bilang sana sa countdown ni Demetrius. Ngunit tuso si Demetrius.

Nauna na nitong binato ang dark orb bago pa man masabi ng utak niya ang salitang 'isa'. Nakangisi pa nitong sinundan ang nalalapit na pagtama ng dark orb sa papalapit na dalaga.  Parang baliw na nasisiyahan ang lalaki sa nakikitang aksyon ng dalagang tila di nag-iisip dahil hindi man lang nito iniwasan ang binatong dark orb ni Demetrius bagkus sinalubong pa ito ng dalaga!

Ngunit ang kasiyahang iyon ng lalaki ay mabilis napaltan ng panlalaki ng mga mata nang bigla na lamang lumabas mula sa kabilugan ng dark orb ang mukha ng dalaga na nangahas salubungin ang itim na enerhiya. Nasaksihan pa ng lalaki ang paghawi ng itim na ulap at pagkislap ng mga itim na kidlat sa katawan ni Meiji bago ito iniluwa ng dark orb.

Hindi batid ni Demetrius na hindi naaapektuhan ng anumang dark matter ang mga pixie druids na nakapaligid kay Meiji kaya naman labis ang pagkagulantang ni Demetrius. Dahilan na rin para ito'y matigilan.

At bago pa man nito maibuka ang bibig sa labis na pagkasorpresa ay mabilis na dumaan sa kanya ang dalaga. Tila naalimpungatan na lamang ang lalaki nang naramdaman nito ang pagsaksak ng kung anong bagay sa kanyang likuran.

Paunti-unti ay napapihit si Demetrius para  tingnan sana ang dayuhang bagay na pumasok sa kanyang katawan na nagdudulot sa kanya ngayon ng di matawarang sakit subalit nauna na itong sinalubong nang mukha nang dalagang mapipintahan nang labis na poot at pagkamuhi.

Nagngingitngit ang ngipin ni Meiji at nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Demetrius habang ang isang kamay nito ay nanggigil na dinidiin ang kung ano mang bagay na isinaksak nito sa likod ng lalaki.

“ PARA YAN SA MGA PASAKIT NA BINIGAY MO KAY ASTRID AT SA PAGKUHA MO SA KANYA SA AKIN!!!! MAMATAY KANG ANIMAL KA!!!” galit na galit si Meiji at ibinuhos niya iyon sa bagay na isinaksak niya kay Demetrius.

Hindi naman nakayanan ni Demetrius ang sakit. Marahas itong humarap sa dalaga saka mabilis na bumuo ng dark orb sa kamay nito.

“ WALANG HIYA KANG BABAE KA!!!” asik ng lalaki. Sa isang kisap-mata ay mabilis na nitong ibinato ang dark orb sa direksyon ni Meiji. Ngunit naiwasan din kaagad iyon ng dalaga sa pamamagitan ng mabilis na pagtalon paitaas. Sinundan naman kaagad ito ng tingin ni Demetrius at walang pakundangang muling nagpakawala ng orb sa direksyon ng dalaga sa kabila ng bagay na nakasaksak nito sa likod. Pero tulad ng naunang dark orb, mabilis din itong naiwasan ni Meiji.

Nang makita ni Demetrius na naiiwasan lang ng dalaga ang mga dark orb, mas pinag-igi pa nito ang pagbato ng mga bolang itim. Hindi rin nagtagal, marahas nitong hinila ang renda ng dragong kinasasakyan. Umangil naman ang dragon at sa isang saglit nakipagsabayan na ito kay Demetrius sa pagbato ng mga bilog na kapangyarihan. Bolang apoy ang pinapakawalan nito sabay sa dark orbs ni Demetrius.

Tila naman nakikipagpatintero si Meiji sa pag-iwas sa pinagsamang dark orb at fireball ng kanyang kalaban. At nang mainis, lumipad siya paitaas sa puntong hindi na siya kayang abutin pa ng dalawang bola ng kapangyarihan. Mula roon ay abot-tanaw niya ang linyang tila nagdudugtong sa langit at sa lupa maging ang kalawakang sakop ng Old Dragon's.

Sa sandaling pinagmasdan niya iyon ay sandali ring nanariwa sa kanyang alaala ang kaunting sandaling nakasama niya sa paglipad si Astrid. At sa pagpatak nang kanyang luha ay noon pa lamang siya nagbaba ang kanyang tingin—sa lalaki at sa dragon.

Bumaba muli si Meiji ng lipad, sakto sa pagdalo ng isang dark orb sa kanyang direksyon. At sa halip na iwasan ang dark orb ay pinakatitigan lang ito ni Meiji nang masama habang nanatili sa kanyang kinalalagyan. Pero bago pa man tuluyang tumama sa kanya ang dark orb ay parang wala lang na sinalo ito ng nakabukas nitong palad. At sa ginawa niyang unti-unting pagsasara ng kamao ay unti-unti ring nilalamon ng kamao niya ang dark orb.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon