【★★★】
Patungo na ako sa pinagpaparadahan ng sasakyan ng Headmistress. Maaga kaming aalis para magpunta sa istasyon ng tren. Hindi ako mahilig magtanong kaya naman hindi ko alam kung anong gagawin ng Headmistress doon.
Pababa na ako kanina ng hagdan nang maabutan ako ni Madamemoiselle Bronquet na nagpapadausdos sa hawakan ng hagdanan. At gaya ng dati sinermunan na naman ako nito. Mas may pagkaOA pa nga ito kesa kay Miss Minchan pagdating sa pagtuturo ng mga tamang gawi bilang isang mabining babae. Kahit ang ilang etiquette na hindi naman nasusulat ay gagawan nito ng issue para lang ipilit ang kanyang eksaheradong mayuming gawi.
Naroroon na ang Headmistress nang sumapit ako sa lugar at kataka-takang nauna pa ito kaysa sa akin. Madalas kasing late ito sa mga usapan. Mukhang excited ang Headmistress ngayon.Laging ako ang kasama nito sa mga lakad niya. Minsan kasama din namin si Everdeen pero madalas ako lang talaga.
Tiningnan lamang ako nito at saka ngumiti nang maupo ako sa passenger's seat ng sasakyan nito. Isinenyas pa nito ang ilang pagkain nasa likuran ng sasakyan. Tulad ko mukhang di na rin ito nag-agahan.
Hindi namin hinintay pang magAngelus at lumarga na nga kami. Tinanguan muna ng Headmistress ang nagwawalis na Goumon sa bahaging iyon ng vicinity ng academy saka pinasibat na ang kinalulunanan namin.
Kulay pink ang luma nitong Ottowagon. Isa itong lumang model ng magically modified beetle car na may Vx300 engine at may adjustable horsepower hanggang 490hp. Pwdeng maging cheetrich( cheetah & ostrich ) car ito sa bilis at turtle car naman sa bagal. Di man ito ang pinakalatest na model, ito naman ang pinakamaasahan para sa akin.
Malayo-layo rin ang Derwent Train Station sa academy kaya maha-habang biyahe rin ito. At sa biyaheng ito, natural lang na iba't ibang scenery ang aming nadadaan.
Binuksan ko ang bintana ng sasakyan kaya naman malayang nakakapasok ang preskong hangin ng umaga. Habang binuksan naman ng Headmistress ang built-in radio boom box at inilagay sa frequency ng mga tugtuging country music.
Umalingawngaw mula rito ang isang mellow-acoustic song na di ko man kapanuhanan na-eenjoy ko naman pakinggan lalo na sa malayuang byahe. Classic 'ika nga.
~Take me home, country road to the place where I belong. West Earthicus come to mama. Take me home country road.~
Sabay pa kami ng Headmistress sa paghum. Marahan itong napapatapik sa manibela. Ako nama'y inabala ang sarili sa pagmamasid sa bawat scenery na aming madaanan.
Tahimik lang kami sa buong byahe. Walang nagsasalita lalo na ang Headmistress. Mahirap na baka maging palaka pa ako 'pag nagsalita ito.
Pagkalipas nga ng halos isang oras at kalahati narating na namin ang maingay at masiglang bayan ng Derwent. Isang bayan na kilala bilang isang trade county. Samu't saring mga kalakal ang makikita at mabibili rito na nagmula pa sa iba't ibang bahagi ng Earthicus.
Tumigil ang sasakyan namin sa isang alley.
Paakyat ang alley na ito na tinatawag na Heavens Alley dahil sa dulo nito makikita ang Sea of Clouds.
Bumaba na ang Headmistress kasunod ako at nagsimula na kaming baybayin ang paakyat na alley.
Sari-saring tindahan ang aming nadaanan. Mga tindahan ng mga magic potion, veterinary clinic and shop ng mga magical companion, bookstore ng mga spell books at craftshop ng mga broomstick. Meron ding mga kainan na naghahain ng mga wild and exotic foods at mga stay-the-night inn.
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasyAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...