"Ito na nga ba ang sinasabi ko sa'yo, Amelia, sa una pa lang!"
Hays, hindi ko na alam kung maiinis o matatawa ba ako sa walang tigil na pagparoo't pagparito ni Ling sa aking harapan. Para kasi itong cattis na hindi mapaihi sa ginagawa nito ngayon. Ang higpit pa ng pagkakakuyom ng kamao nito na tila ba handang manuntok ano bang oras.
Nagpupuyos ito sa galit na halatang-halata naman kahit na pigil na pigil itong ipakita 'yon. Hindi ko naman ito masisi dahil kahit ako'y hindi rin sang-ayon sa ginawa ni Meiji.
Ngunit sa kabilang banda naman, naiintindihan ko rin naman ang ginawa ng pasaway na 'yon. Marahil nais lang siguro ni Meiji na tulungan ang batang babae kaya ito ang iteleniport nito sa academy imbes na siya. Kahit naman pasaway at sakit sa ulo si Meiji eh mabait namang bata 'yon. Hindi naman gagawa iyon ng isang bagay ng walang dahilan. Kaya lang mukhang hindi nakikita ni Ling ang kagalingang ginawa ni Meiji ngayon na kagaya pa rin ng dati.
Pero gayunpaman, kahit naman mukhang galit na galit ang itsura si Ling ngayon eh alam ko namang sa likod noon ay ang labis na pag-alala niya para sa aming pasaway na inaanak.
Kalaunan nama'y tumigil na rin si Ling sa aking harapan—sa wakas.
"Binalaan na kita ngunit hindi ka nakinig. Una pa lang sinabi ko na sa'yo hindi pa panahon, hindi pa ngayon ang oras para sa kanila dahil hindi pa handa si Meiji. Ngunit hinayaan mo pa ring sa Vetus Draco ang lugar ng paghuhunt. Kaya ayan tuloy, nagpasaway na naman ang magaling mong inaanak," malumanay pero madiin namang singhal ni Ling.
Napailing na lang ako't tumayo na rin.
"Ling," ani ko sa malumanay na boses."Hindi mo masasabi kung kailan talaga siya magiging handa. Maaari ngang sa mga oras na ito ay nagkita na silang muli. Huwag nating pangunahan ang mga mangyayari," saad ko pero mukhang hindi naman ito nakikinig sa mga sinasabi ko. Patuloy lang ito sa pagmamarukulyo."Ang pasaway na yun! Makikita n'ya ang hinahanap niya 'pag balik n'ya!"
Napailing ako't marahan siyang tinapik sa balikat."Naiintindihan kita sa nararamdaman mo ngayon, Ling. Alam kong nag-aalala ka lang kaya ka nagkakaganyan ngunit maaari bang ipagpaliban mo muna 'yang galit mo. Maghintay pa tayo ng ilang oras baka naman pabalik na siya sa nga oras na ito. At kung maari naman sana palagpasin mo na lang muna ang ginawa niya ngayon. Nagtatampo na yun bata sa'yo sa ginagawa mo sa kanya. Ikaw din baka kamuhian ka na nun ng tuluyan," Hindi ito nagsalita't sinamaan lang ako ng tingin.
"Maniwala ka, naiintindihan kita. Kahit ako'y ganyan ring ang nadarama. Labis akong nag-aalala sa kanya ngunit sa kabila nuon ay nagtitiwala naman ako sa kanya. Ipayapa mo ang sarili mo't magtiwala rin sa kanya. Tandaan mong hindi lahat ng oras kaya natin siyang
protek—,"Tok! Tok!
Isang mahinang katok ang nagpahinto sa akin. Kapwa kami napatingin ni Ling sa pinto. Napatikhim ako't nagtungo roon para pagbuksan iyon.
" Mawalang-galang na mga Miss, ngunit tingin ko'y kailangan n'yo itong makita," bungad sa amin ng chief magus medicus na tumitingin sa batang babaeng itineleport ni Meiji. Tinaguan ko naman ito't sumunod dito patungo sa makeshift infirmary na ginawa para salubungin ang mga estudyanteng nasugatan sa companion hunting. Maging si Ling ay sumunod rin.
Pagkarating namin doon ay kaagad na ipinakita at sinabi ng magus medicus ang kanyang natuklasan na sadyang ikinagulat namin.
"Sinasabi mo bang ang batang ito ay intercross ng isang tao at centaur?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango naman ito.
"Hindi lang iyon," ani pa nito. Mula sa isang istante ay may kinuha itong isang tube glass na naglalaman ng isang itim na likido at naglabas din ng isang strip ng puting tela. Sandali pa'y isinawsaw nito ang tela sa itim na likido at wala pang isang segundo kaagad na nagliyab ang tela. Napaatras kami ng bahagya dahil doon.
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasyAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...