" Kailangan ko ang tulong mo, Miss Everdeen,"
Hindi mapigilan ni Everdeen Posiatti na kiligin at the same mangiti na rin sa tuwing naalala niyang sinabi iyon ni Prince Cainnes sa kanya kanina. Unexpected na nga nang makita niya ito sa dulo ng Girl's Hallway na mukhang siya talaga ang hinihintay tapos dumagdag pa ang sinabi nitong labis na nagpatalon sa kanyang puso.
Napakaganda naman ng araw na ito para kay Everdeen.
Bonus pa na kasabay niya itong naglalakad ngayon. Nasa likuran nga lang siya nito. Sinabihan kasi siya ng prinsipe na sumunod matapos niyang tumango sa pakiusap nito. At heto nga kabuntot siya ng pinapangarap na prinsipe kahit na hindi pa niya alam ang pabor na hinihingi nito. Sa sobrang kilig marahil, hindi na niya naitanong kung ano 'yon. Suprise na lang, ang nasabi na lang ni Everdeen sa sarili.
Tahimik lang silang dalawang naglalakad sa kahabaan ng pasilyo hanggang sa huminto ang prinsipe sa isang pinto. Pintong madalas niyang nililingon sa tuwing may pagkakataong nadadaan sila sa gawing iyon ng Boy's Hallway. Medyo nagulat lang si Everdeen dahil hindi niya sukat akalain na dito siya dadalhin ng prinsipe. Gayunpaman, bahagya siyang kinilig at kahit medyo masama bilang babae siya, hindi naman niya napigilang mag-imagine.
"Who's that girl, my prince?"
Isang matinis at maarteng boses ang bigla ba lamang narinig ni Everdeen na nagmula mismo sa mukhang bigla na lamang lumitaw sa pintong kinahihintuan nila ngayon. Saka naman naalala ni Everdeen ang practical joke na ginawa ni Meiji sa mga prinsipe-ang pagtatalaga ng mga maarteng door butler sa pinto ng limang prinsipe. Kinompronta na niya si Meiji tungkol doon dahil na rin sa mga reklamo ng limang prinsipe pero nagkibit balikat lamang ang pasaway niyang kaibigan. Ani pa ni Meiji, hintayin na lamang daw ng limang prinsipe ang susunod na pagpapalit ng mga door butler next school year. Kung kaya naman wala na ring nagawa pa ang mga limang prinsipe.
Hindi tumugon si Prince Cainne sa tanong ng sariling door bulter kaya naman naiinis na bumaling ang door butler kay Everdeen. " Who are you? And why are you here with my prince?"
Aligaga namang napangiwit si Everdeen." A...eh," ang tanging nasabi niya. Kahit siya hindi niya alam kung bakit sa kwarto pa talaga ng prinsipe siya dinala nito. Kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa kanyang isip na pwedeng sumunod na mangyari. Pero siempre alam niyang ilusyon niya lang 'yon.
"Questions not needed, Lupe. Just open the door,"
Mabilis na nabaling ang tingin ni Everdeen sa sinabing iyon ng prinsipe. Walang emosyon ang tono nito pero kinilig pa rin si Everdeen. Lihim siyang napangiti kasabay nang nakita niya ang reaksyon ni Lupe, ang pangalan ng door butler ni Prince Cainne. Napahiya ito pero nandun pa rin ang arte at pagkakataas ng kilay nito.
Saglit na katahimikan ang namayani sa kanila pero kasunod nuon ang kusang pagbukas ng pintuan ng kwarto ni Primce Cainne. Kusa na ring nagpaubaya si Lupe ngunit matalim pa rin nitong sinundan ng tingin si Everdeen nang sumunod na ang dalaga sa prinsipe papasok sa kwarto nito. Nakuha pa ni Everdeen na asarin si Lupe sa pamamagitan ng
pa-inosente niyang pagflip ng kulay ginger niyang buhok. Hindi na nilingon ni Everdeen si Lupe pero alam niyang nanggagalaiti na ito sa inis ngayon.Coldness ang unang naramdaman ni Everdeen nang bumungad sa kanya ang ambience ng kwarto ni Cainne o marahil dahil iyon sa unique theme ng kwarto.
Katulad ng theme ng kwarto niya monochromatic din ang kwarto na naglalaro sa shade ng gray. Mula sa kulay ng mga dingding hanggang sa mga kagamitan na makikita sa kwarto ay pulos shade ng gray.
Sa kaliwa naroroon ang isang pang pinto na hula niya'y banyo at sa kanan ay isang shelf na puno ng mga libro.
Isang upholstered single armchair naman ang nasa tabi ng shelf na malapit sa pinto at sa may bandang itaas nito'y isang wall light ang nakasindi na bibigay ng color amber sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasiAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...