Halos mag-uumaga na rin nang nakauwi ang apat mula sa pagliliwaliw nila sa Arcade City. Swerte namang walang nakakita sa kanina dahil na rin sa maingat nilang pagdaan sa bintana ng kani-kanilang silid.
Pagkapasok pa lang ni Meiji sa sariling kwarto ay kaagad na siyang dumiretso sa kama at lupaypay na nahiga rito habang si Little Levi ay sa tulugan nito humimbing. Pagod at puyat ngunit sulit naman ang mga iyon para kay Meiji kung kaya naman kahit paano'y nakangiting nakatulog ang dalaga.
Subalit hindi pa yata lumilipas ang dalawang oras, kaagad naalimpungatan si Meiji sa pakiramdam na tila may dalawang pares ng mga mata ang nakatingin sa kanya ngayon. Kahit hilam pa ang mga mata sa puyat ay pinilit niyang magmulat. Laking gulat na lang ng dalaga nang dalawang nakangiting mukha ang sumalubong sa kanya. Hindi na siya hinintay ng mga itong makapagreak at agad na pinagtulungang pabangunin sa sariling kama.
Nalilito at kunot ang noo, salitan niyang tinignan ang dalawang dalagang pinaggigitnaan at inaalalayan siyang tumayo. Hindi rin umalis ang dalawa sa tabi niya hanggang sa iupo siya ng mga ito sa isang silya kaharap ang isang pakuwadradong salamin na pinapaligiran ng mga umiilaw na luminous nymph. Hilam namang napapatakip ng mata si Meiji dahil sa liwanag.
" T-teka, " reklamo na lang ni Meiji nang simulan na siyang hilamusan ng nakalutang na tubig na animo'y may sariling isip. Mas nangibabaw lang ang puyat ng dalaga kung kaya naman hindi na siya nakapagreklamo nang simulan na rin ng dalawa na ayusan siya. Kusa pa siyang napapikit at dahil pa rin sa puyat ay kusa na ring nakatulog.
Dahil doo'y naging madali na lang para kina Everdeen at Primrose na bihisan si Meiji ng isang puting bestida na may magandang tela. Nalagyan na rin ito ng simpleng korelete sa mukha at ipinusod din ang malarebeldeng nitong buhok.
Hindi na rin inabala ng dalawa na gisingin pa si Meiji hanggang sa sumapit sila sa lugar kung saan nila ito dinala. Mas napadali pa nga ang kanilang trabaho dahil sa nakatulog nga ito.
Isang tapik lang naman at kaagad na ring nagmulat ng mata si Meiji. Nilingon pa niya ang nakangiting si Everdeen na nasa kanyang kanan bago kusang napatingin sa harap ng isang engradeng pinto. Dinala siya ng dalawa sa kung saan.
Iginiya siya ng dalawa papasok sa isang tila engrandeng kwartong gawa sa puro salamin at pinupuno ng mga kakaibang halaman ang loob. Sa gitna ay may isang pabilog na mesa na pinalilibutan ng apat na silya. Tagusan namang tumatangos ang pang umagang sikat ng Apollo kung kaya naman napakaliwanag sa loob. Sa madaling sabi ay nasa malawak na greenhouse garden sila ng academy.
Dahil pa rin sa puyat ay hindi na rin nakapagreklamo pa si Meiji nang marahan na siyang itulak papasok ng dalawa sa gitna ng malawak na salaming kwarto. Napatayo na lamang siya ng tuwid nang mapansing nakatayo pala sa isang gilid sina Mrs. Adamwood. Katabi nito sina Maui Boy at si Miss Minchan. Kasama rin nila si Madamemoiselle Bronquet. Hindi rin nakaligtas sa mga mata niya ang nakatalikod na si Zharptitsa na abala sa pag-amoy sa bulaklak na naroroon na nasa likod lang ng Headmistress. Bahagya tuloy napairap si Meiji.
Nagtataka man ay hindi pa rin nagtatanong si Meiji kung ano ba talagang nangyayari. Naisip na lamang niya na marahil katulad lang din ito ng kahapon. Subalit sa sandaling madako ang mata niya sa isang nilalang na nasa bandang kanan ng Headmistress, awtomatikong napalaki ang mata ni Meiji. Lalo pa nang salubungin na siya nito ng isang ngiti.
" Kumusta po, Binibini? " malambing na salubong sa kanya ng isang dalagita na nakasuot ng puting bestida at may tangan na isang basket ng iba't ibang prutas.

BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasiaAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...