Sa mga sumunod na araw ay walang araw na hindi na-excite si Meiji. Lagi siyang gumigising ng may magandang expectation sa araw na 'yon. At lahat ng 'yon dahil kay Little Levi.
Tulad ngayong araw. Free day. Araw kung saan maghapong walang klase. Libre ang mga estudyante kung anumang nais nilang gawin sa araw na ito.
Kung dati rati, tuwing free day, maghapon lang natutulog si Meiji o di kaya gumagawa ng kalokohan, ngayong araw, iba.
Marami na siyang naiplano, kagabi pa lang.
Isang mabilis lang na sulyap sa lifesize mirror at umibis na si Meiji palabas ng kanyang kwarto kasama si Little Levi.
Light clothes lang ang suot niya ngayon. Simpleng black t-tshirt, brown short na maraming side pockets at light sandals.
Simple at light lang talaga.
Ang plano niya ngayong araw ay dalhin si Little Levi sa kubo ni Daffoedil. Malayo sa mga estudyante kaya pwedeng-pwede sila doong maglaro ng walang makakakita sa tunay na anyo ni Little Levi. Sinabihan din niya si Kipper na sumama sa kanilang munting pagliliwaliw.
Nang makalabas ay mabilis siyang naglakad sa Girl's Hallway. Maaga pa at halos tulog pa ang mga estudyante. Sakto para walang makakakita sa kanila palabas ng academy. Sa likurang bahagi ng kastilyo siya daraan para naman walang makapansin sa kanya.
Sinabihan na rin niya si Kipper na hintayin na lamang siya sa may maze garden at binilinan na rin na wag nang magpaalam sa amo nito.
Ilang hakbang na lang at nasa pintuan na siya palabas sa kastilyo. Hindi tuloy napigilan ni Meiji na mapangiti. Binilisan na niya ang paglalakad ngunit 'sang saglit lang ay bigla siyang napapihit patalikod at naglakad pabalik. Isang bulto kasi ng tao ang nakita niyang papalapit. At kilalang-kilala niya kung kanino 'yon.
“ Miss Pullen!”
Kahit na medyo malayo ay narinig naman ni Meiji ang pagtawag na 'yon pero nagbingi-bingihan lang siya. Hindi siya tumigil sa paglalakad, binilisan pa nga niya para makaiwas.
“ Miss Pullen!!”
Sa pangalawang pagtawag ay alam ni Meiji na binilisan na rin ng tumatawag sa kanya ang paglalakad nito dahil umaalingawngaw na 'yon sa kahabaan ng pasilyo pero still nagpatuloy pa rin siya. Hindi niya sinubukang tumakbo dahil mahahalatang umiiwas siya.
Bastos na kung bastos pero ayaw niya talagang harapin ang tumatawag sa kanya. Alam niyang mayroon itong pakay sa kanya. Nasabi na sa kanya kahapon iyon pero mas importante sa kanya na makasama si Little Levi kaysa sa kung anumang dapat niyang gawin ngayong araw. Kaya nga gumising siya ng maaga para maiwasan ito pero sadyang may mga pagkakataon talagang kahit nakaplano na may sisira pa rin 'non.
Mas lalo pang binilisan ni Meiji ang paglalakad nang maramdaman niyang nakakahabol na ang tumatawag sa kanya. Alam niya 'yon dahil naririnig niya ang pandalas na pagsalpok ng takong nito sa marmol na sahig. Kung kaya hindi nagtagal, kahit mabilis na ang lakad ni Meiji ay naabutan pa rin siya nito.
“ Miss Pullen!!!”
Sa tono pa lang ay alam na niyang galit na ang tumatawag sa kanya. Kung kaya napilitan na siyang huminto. Napapikit siya ng mariin at napakuyom ang kamao. Pagmulat niya ay saka pa lang siya humarap ng may plastic na ngiti.
“ O kayo pala, Mademoiselle,” nakapekeng ngiti si Meiji na sinamahan niya ng pakunwaring nasopresa sa pagkakakita niya sa etiquette teacher na si Mademoiselle Marie Antoinette Bronquet. Para namang hindi natuwa ang Mademoiselle sa pagkakabating iyon ni Meiji. Naniningkit ang mga mata at parang nanginginig ang labi nito na sinamahan pa ng madiing paghawak sa makapal nitong bustle skirts. Pero kalaunan, napansin ni Meiji na humugot ito ng malalim at pasimpleng pinakawalan iyon. Saka tumingin sa kanya sa usual nitong feminine gaze.
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasyAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...