76: First Date Part II: How To Date A Girl

209 16 2
                                    

(entry 1:  21522-21822)

                      🇲 🇪 🇮 🇯 🇮

Ang pinakaworst siguro na  desisyon na ginawa ni Cainne ay itong inaya niya akong sumayaw sa ilalim ng liwanag ng Artemis.

Haha. Nakakatawa lang kasi kapag nakikita ko siyang napapangiwi sa sakit sa tuwing di ko sinasadyang matapakan siya. Malas mo, boy! Haha! Isang talipang paa ang kasayaw mo!

Kahit na kasi madalas naman akong isinayaw noong bata pa lang ako ng Papa ko at kahit nakatuntong na ako sa sapatos niya, hindi pa rin ako natutong sumayaw ng Waltz o kahit anong classic na sayaw na duo. Malas lang ni Cainne ngayon. Haha.

Oo, tinanggap ko rin naman ang kamay ni Cainne na halos limang limuto ding naghintay. Nag-aalangan kasi ako pero napapayag din naman ako since wala naman akong choice dahil mukhang di talaga papatinag si Cainne sa paghihintay.

Buong sayaw ay nakatingin lang ito sa akin bilang isa rin yon sa parang  panuntunan ng classic dance na sinasayaw namin. Nakatitig lang siya habang ako pigil na pigil na wag matawa sa tuwing matatapakan ko siya. Yung tipong kinakagat ko na ang sarili kong labi, yumuyuko na ako at itinitikom ko na ng mahigpit ang mga labi ko wag lang matawa o maitago man lang na natatawa ako.

Pero ang tindi rin naman ng pain tolerance ni Cainne dahil natagalan nito ang di lang ilang beses na pagtapak ko sa kanya. Ginagawa niya iyon ng hindi man lang natitinag. Oo, nakikita ko siyang napapangiwi sa sakit pero yung tolerance, iba. Commendable! Haha!

Tinapos rin namin ang pyesang tinugtog ng mga stone gome at ako na rin ang kusang umawat. At in all fairness to Cainne, all poise pa rin ito nang matapos ang sayaw. Nakuha pa nitong magbow at magpasalamat. Very gentleman kumbaga. At bilang ladylike kuno, napilitan na rin akong mag-curtsy. Ang hindi ko lang inaahasan ay ang paghalik ni Cainne sa kamay ko.

Yuck!

Hay, naku, Everdeen! Ikaw dapat ang nandito at hindi ako!

Pasimple ko na lang pinahid ang likod ng kamay ko sa skirt ng suot kong dress nang hindi na nakatingin si Cainne. Pero muntik na akong mahuli nang muli itong tumingin sa akin. Buti na lang mabilis akong nakapagreak.

" Teka, beach ba yon?" bulalas ko. Itinuro ko pa nga.

Hindi pa man nakakasagot si Cainne ay mabilis na akong nagpunta sa tila bangin at inabot ng tingin ang nakita kong dalampasigan sa di kalayuan. Sinurvey ko lang ng tingin ang bangin para maghanap ng pwedeng babaan pero malas wala akong nakita.

Nilingon ko si Cainne para magtanong pero nahagip ng tingin ko ang bagay na mabilis nitong itinago sa kanyang likuran.

" Ano 'yan?" dala ng pagiging pakialamero ko ay mabilis akong nagpunta sa likuran nito. Huli na rin para itago pa niya sa akin ang bagay na 'yon dahil kaagad ko itong nahablot sa kanya.

Isang libro. May kaliitang libro na  halos kalahati lang ng size A4 na papel.

“How to Date A Girl,”  ang basa ko sa title ng libro. Hindi pa man nagsisink in sa akin kung bakit meron nito si Cainne ay hinablot na rin niya ang libro at doon pa lang maging malinaw sa akin ang lahat.

Maaring kodigo niya ang libro para sa date na 'to. Marahil doon siya kumukuha ng mga tips at ideas para gawin sa date na 'to.

Nacurious ako at nais kong makita ang nilalaman ng munting librong 'yon subalit wala na sa kamay ni Cainne 'yon. Mukhang naitago na niya.

“ Hmm, ikaw may kodigo ka pala ha,”  pang-aalaska ko sa kanya. Hindi naman siya pumatol at patay-malisyang tumingin na lang sa malawak na karagatan.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon