58: Princes At Search

455 48 13
                                    

Ilang araw ring tinahak nina Maui, at  Mogart kasama ng limang royalty ang kasukalan ng Old Dragon's bago nila narating ang Equilestria. Naging masalimuot man ang kanilang ginawang paglalakbay ay hindi naman naging ganun kahirap ang pinagdaanan nila. Marahil dahil na rin sa kasama nila si Mogart na residente na ng mapanganib na kagubatan ng Old Dragon's.

Nasa bukana pa lamang sila ng Equilestria ay kaagad na silang sinalubong ng mga kalalakihang Centaurs na pawang nagbabantay sa entrada ng lugar.

“Hanggang d'yan na lamang kayo,” pigil ng isang guardia sa kanila.

“Sabihin ninyo. Ano ang inyong pakay, mga dayuhan,” dugtong nito. Hindi man nito itinutok ang sandata sa kanila ay bigla naman nitong hinigpitan ang pagkakahawak doon.

Napansin iyon ni Mogart kaya  kaagad itong namagitan.

“ Mawalang-galang na mga Centaurs,” pasimula nito. “Pasensya na sa aming presensya. Naparito kami para sa isang tao. Para sa isang babaeng tao,”

Awtomatikong napakunot-noo ang mga guardia at nagkatinginan.

“ Sinong babaeng tao ang tinutukoy mo?” maya-maya'y usisa ng isa sa mga ito.

“Ah, eh, yung babaeng may magulong buhok na kulay maitim na asul,” walang maisip si Mogart na pwedeng magsalarawan kay Meiji kundi ang magulong buhok ng dalaga.“ May nakapagsabi sa aming nandirito raw siya ngayon sa inyong lunan,”

Wari namang nakilala ng mga guardia ang tinutukoy ng ogre. Sandaling nag-usap muna ang mga ito bago sila muling hinarap.

“ Manatili lamang kayo rito. Ipapaalam ko ito sa Hari,” anang isa sa mga guardia. Umalis ito at naiwan sila kasama ng ilan pang guardia.

Habang naghihintay ay hindi napigilan ni Maui na tignan ang paligid. Kahit nasa bukana pa lamang sila ng Equilestria ay kitang-kita naman ang loob ng lugar.

Hindi niya akalain na totoo pala ang lugar na ito na sa mga kwento lang ng ogre niya naririnig. Naalala pa niya na minsan napag-usapan pa nila ni Meiji na hanapin ang lugar na ito ngunit dahil sa kahigpitan ng guardian gome ng academy ay hindi nila iyon magawa. Nagkasya na lamang sila sa mga kwento ng ogre.

Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Napag-usapan lamang namin noon, nandito na kami ngayon. Ani pa ni Maui sa sarili.

Pinagsawa niya ang mga mata sa tanawin ng lugar hanggang sa bumalik na muli ang umalis na centaur.

“Sumunod kayo,” ani nito. Walang imikang sumunod naman ang pito. Tahimik lang silang naglalakad nang makasalubong nila ang isang pulutong ng mga nagmamartsang centaurs na pawang may mga dalang sandata.

“ Anong meron?” hindi naiwasan ni JackGrey na macurious sa nakasalubong nila. Nakafull armour din kasi ang mga ito na tila ba sasabak sa isang malakihang gera.

“ Mukhang meron silang pinaghahandaang gera,” maikling komento naman ni Pierre base na rin sa nakikita nito. Sasagot pa sana si JG ngunit pinutol iyon ng tunog ng isang kampana. Napahinto rin sila sa paglalakad dahil doon.

“ Bakit ganun ang tunog ng kampana?” tanong ni JackGrey.


Dahil sa inaakala nilang kasalang magaganap sa pagitan ni Meiji at centaur na sinasabi ni Diana inaasahan nilang masaya at puno ng buhay ang ambience ng paligid  ngunit taliwas ito sa naririnig nilang batingaw ng kampana. Malungkot ang tunog ng kampana na tila ba mayroong pinagluluksa. Hindi tuloy maiwasang isipin ng ilan sa kanila na may nangyayari hindi tama. At isa na roon si Maui.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon