Kasabay ng banayad na pag-ihip ng hangin ang tingling sounds na naririnig ni Meiji. Ang pagmamadali at panginginig ng tunog na iyon ang kaagad na gumising sa kanyang kamalayan. Bumalikwas siya ng bangon at kaagad inapuhap ang mga warning bells na sadyang nakalibot sa kanila. Kitang-kita niya ang marahas na pag-alog ng mga 'yon kasabay ng nakakatutulig nitong tunog.
Hindi inaasahan ni Meiji ang tunog na iyon mula sa mga warning bells. Oo nga't batid niyang may nasasagap ang mga warning bells na parating ngunit hindi para maging ganoon karahas ang tunog na nililikha ng mga 'yon. Dala ng kuryosidad ay lalapitan na sana niya ang mga iyon. Ngunit natigilan siya dahil sa biglaang narinig na malakas na pagsabog sa di kalayuan. Kasunod nuon ang ingay ng pagkukumahog ng mga nilalang na naroroon sa paligid. Sa puntong 'yon ay kaagad siyang nakaramdam ng kaba at di napigilang makabuo ng hinala sa kung sino ang parating.
" No..No..No..No. Hindi pwede 'to!" may pagmamadali sa kanyang boses. Kaagad niyang inalis ang mga warning bells sa pamamagitan ng pagkumpas ng kamay. At kaagad ring nagtungo sa harapan ng puno upang tignan ang nangyayari.
Hindi lang ang ingay sa paligid ang nagsasabing may masamang bagay na parating kung hindi maging sa mga kilos ng mga nilalang sa paligid. May pagkukumahog sa mga kilos ng mga ito na wari'y naghahanap ng mapagtataguan.
" Natunton na nila tayo," wika ng isang boses na narinig ni Meiji sa kanyang isipan. Kabadong lumingon ang dalaga at nasumpungan si Astrid na nagpupumilit tumayo. Hintakot naman niya itong tinitigan.
“ T-teka. Paano nangyari yun?” may pag-aalinlangan niyang tanong.“ M-malayo na tayo sa kanila!” diin pa niya. “Imposible ding sa kanila napunta ang mensahe kong pinadala sa hangin dahil tanging mga nilalang lang na may simpatya sa akin ang maaring makakarinig 'nun,”
Umasa si Meiji na ang mga tagaFolc ang makakarinig ng pagbulong niya sa hangin dahil tanging ang mga ogre lamang ang kilala niya sa kagubatan. Ngunit mukhang hindi iyon nangyari.
Sa pagpilit naman ni Astrid na makatayo ay nagawa rin nito. Kinuha muna nito ang itlog sa tabi at inilagay iyon sa parang bulsa sa dibdib nito bago naman tumingin sa dalaga.
" Nakalimutan mong ang kagubatang ito'y pugad ng mga nilalang na maninila. Isang samyo lang sa hangin, alam na nila kung saan ka nila hahanapin," matalinghagang tugon ni Astrid. Tuluyan na itong nakatayo at paika-ikang lumapit kay Meiji. "Ngayon, Meiji. Nasaiyo na ang pagpapasya kung haharapin mo silang muli o muling tatakasan,"
Sa sinabi ni Astrid ay napakagat ng labi si Meiji. Ngunit sa pagbuka ng kanyang bibig, mabilis siyang nakapagpasya. Matiim at determinadong tinignan niya si Astrid.
" Hindi ko pwedeng i-sugal ang buhay mo, Astrid. Maging ng magiging anak mo. Kaya pagtakas lang ang pwede nating gawin ngayon," hindi na nagdalawang-isip si Meiji, tumalikod na siya't mabilis na umusal ng spell.
Ang spell ng TransVecto Spatium.
Muli siyang magbubukas ng pinto para sa ibang dimension at muli doon sila daraan para muling tumakas.
Isang malalim paghinga muna ang ginawa niya bago sinimulan ang spell.
" Dominus-,"
Subalit isang salita pa lamang niya'y naramdaman na kaagad niya ang pangangapos ng hininga. Napaupo siya't napahawak sa dibdib habang habol-habol ang hininga.
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasiAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...