6:The Majestic Zharptitsa.

1.5K 64 2
                                        

【★★★】


Mabagal hanggang sa bumilis ang paglipad ng broomster. Hinahabol na namin ang oras. Kaunting oras na lang ang nalalabi at tiyak malilintikan na talaga kami kay Mrs. Adamwood.

Malayo pa lang tanaw na namin ang isa pang malaking painting ng ibon. Ang Photo Illusion ng mahiwagang ibon na Phoenix.

" Everdeen ilang minuto na lang ang natitira?" tanong ko kay Everdeen habang mabilis pa ring pinalilipad ang broomster.

Kinuha nito ang pocket watch, binuksan iyon at niluwa nito ang holograpikong imahe ng mga minuto at oras."Dalawampung minuto na lang. Malamang di na tayo umabot sa takdang oras."

Kung ganon kumain ng halos limang oras ang lahat ng nangyari sa amin sa pasilyo. Mula sa paglalaro sa amin ng pasilyo, sa pakikipagpatintero namin sa mga kamay at sa pakikipagchismisan sa Czar. Sa normal na paglalakad sa pasilyo, halos limang minuto lang nasa dulo ka na. Mukhang ang nasunod na oras ng pagpunta namin ay ang unang sinabi ni Mrs. Adamwood na 'after five hours' hindi ang ibinilin nito kay Miss Minchan na 'as soon as possible' na sinabi nito kanina sa clinic ng sadistang nurse. Well, wala naman silang choice kung hindi ang hintayin kami after five hours.

"Tsk."

Nakalagpas na kami sa painting ng malaking ibon na iyon nang muli akong umikot paliko at pabalik na humarap sa malaking painting. May isang idea na naman akong naisip.

Hindi talaga iyon isang painting kundi isang dimensional cage para sa Phoenix. Pero di tulad ng karaniwang kulungan ng ibon, malayang nakakalabas masok ang Phoenix mula sa kulungang ito.

"Meiji, kailangan na nating umalis! Ano pa ba ang gagawin natin dito!?!?" kunot noong tanong ni Everdeen nang bumaba ako sa broomster. Pero di ko ito sinagot sa halip sumenyas ako ditong tumahimik. Naglakad ako papunta sa pinakaharapan ng painting.

'Time waits for no one' anang nakaemboss na words sa silver plate na nasa ilalim ng painting.

Tiningala ko ang painting. Mga gumagalaw na spiral images ang naroroon. Halo-halong kulay ang mga ito ngunit kamangha-mangha tagusan mong makikita ang nasa loob.

"Ano bang ginagawa mo dyan? Tumatakbo ang oras kaya kailangan na nating magmadali." mahinang sabi ni Everdeen na sa ngayon ay nasa tabi ko na.

"Time waits for no one." tugon ko rito saka bumaling ditong may ngisi sa mga labi.

"Alam ko ang ngising 'yan, Meiji. May naisip ka namang kaloko-"

Di na naituloy pa ni Everdeen ang kanyang sasabihin dahil mula sa painting may sumungaw na malaking ulo ng ibon at tinutuka-tuka na ang ginger hair niya.

Kruk! Kruk! Kruk!

Agad kaming napaatras ni Everdeen palayo sa Phoenix. Sa puntong iyon tuluyan na itong lumabas sa kulungan nito at buong pagmamalaking ipinagaspas ang nagkukulay kumikinang na pula na pakpak nito sa ere.

Wari naman kaming nabato-balani sa ganda ng pag entra nito sa aming harapan.

Ang ulo nito'y may nakapalong na tatlong mahahabang balahibo. Ang kulay ng balahibo sa katawan ay pinaghalong ginto at nagniningas na pula gayundin ang kulay sa buntot. Sa leeg nito'y may nakasabit na parang medalyon na nagtagtaglay ng czar crest ng imperyo ng Ruskia.
Ito ay dahil sa ang Phoenix ang Royal Guardian ng Great Czar Anastasia Nikolaevna Romanova. Phoenix ni Ninang Kamahalan.

"Eto ba ang plano mo Meiji? Ang magpahabol sa Phoenix gamit ang buhok ko?!? Sa tingin mo ba pag hinabol tayo ng Phoenix eh madali nating mararating ang dulong pasilyo sa loob lang ng ilang segundo?!?! Ha?!? May logic nga yan pero walang sense!!" eksaheradong tanong at singhal ni Everdeen habang nakakapit pa sa akin.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon