【★★★】
Dinig na dinig ko ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.
Nag-uunahan na ring lumandas ang mga butil ng pawis sa aking noo.
Ito na ba yun?
Ito na ba ang katapusan namin?
Ang saklap naman ng muling pagkikita ng mag-ina.
Wala nang sampung metro ang layo ng jaguar car kay Pink.
Paalam, Earthicus.
Sa labing-siyam na taon ko sa mundong ito, masasabi ko namang nag-enjoy ako sa buhay ko.
Paalam, espren Everdeen.
Sana'y matupad ang pinapangarap mong makapag-asawa ng isang tunay ng prinsipe.
Paalam, Miss Minchan.
Malamang di tayo magtatagpo sa Great Unknown. Baka kasi sa iba ka ipadala. Hehe. Baka lang naman.
Paalam limang prinsipe.
Beeh :P asawahin nyo mukha n'yo! Haha!
Paalam.
Sa lahat.
At salamat.
*****
→ROAD RAGE←
※〔real chapter title〕※
:p
Mabilis ang mga pangyayari. Kasing bilis ng pagkisap ng mata ng isang cyclops.
Halos anim na metro na lang ang layo ng jaguar car kay Pink nang mula sa kabilang lane sumulpot ang isang ten-wheeler elephant truck. Tila naman walang pakialam ang puting jaguar na lalo pa yatang pinabilis ang takbo.
Ngayon wala na talaga kaming lusot.
Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa dalawang paparating na sasakyan habang naghahanda sa gagawin kong spell.
Isang malakasang combine spell ng beluga foamis at dragon's steel shield ang binabalak kong gawin. Healing-protective spell ang beluga foamis samantalang ultimate armour spell naman ang dragon's steel shield na sana'y makabawas sa tatamuhin naming pinsala sa possible collision.
At nagsimula na nga akong magcountdown.
Malakas na bumubusina ang elephant truck na lalong nagpapabilis sa kabog ng dibdib ko. Mabilis ding sumasagi sa isip ko ngayon ang mga alaala sa aking buhay.
Ganito pala ang feeling kapag nasa life and death situation ka na. Magflaflashback ang lahat mula malulungkot hanggang sa masasayang mga alaala. Maghihinayang sa mga di mo nagawa. Tahimik na magpapaalam sa lahat. At gagawin mo ang lahat para lang mabuhay sa sitwasyong ito.
Di dapat ako magpatalo sa kamatayan. Madami pa akong nais gawin bago ang lahat-lahat.
Nakapikit akong humugot ng malalim na hininga saka nagfocus sa gagawin kong spell. Pagkamulat ko, mabilis nang rumaragasa ang papalapit na jaguar car at sa kabilang lane naman ang walang habas sa pagbusinang elephant truck.
Ramdam ko rin ang takot nang makita ko ng malapitan ang elephant truck. Mas malaki ito kesa sa inaasahan ko habang ang paparating namang jaguar car ay kumikintab sa puti.
Mabilis kong ikinumpas ang mga kamay ko ng sa tantya ko tutumbukin na ng jaguar car ang bumper ni Pink.
Ngunit bago ko pa man iyon nagawa, isang pangyayari ang nagpalaki sa aking mata.
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasyAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...
