〖☆☆☆〗
Earthicus.
Isang mundong pinaiikot ng pantasya at majika.
Tirahan para sa mga mahihiwagang nilalang.
Paraiso naman para sa mga mamamayang nitong nabubuhay sa araw-araw na paggamit ng majika, orbuculum, potions, encantations at spells.
At ang tanging mundong ninanais pagharian ng mga nilalang ng dilim.
Ang mundong ito ay isa lamang sa mga planetang bumubuo sa Solarius System at nahahati naman sa siyam na kontinente.
Ang North Icle and South Icles na tinatawag ding Ice Continent. Ang malalawak nitong tundra ang halos bumubuo sa kalupaan ng kontinente.
Ang pinakamalaki sa siyam na kontinente ay ang Aesciarus. Ito ang tinaguriang The Wall of Earthicus dahil dito matatagpuan ang pinakamatataas na bundok sa Earthicus.
Tinatawag namang Dessert Continent ang kontinente ng Siahartta dahil sa mabuhangin at tigang nitong lupain. Ito rin ang pinakatuyot at pinakamainit na kontinente sa lahat.
Pangalawa naman sa pinakamaliit na kontinente ang Phoelymethia. Binubuo ito ng mga pulo-pulo at hiwa-hiwalay na isla. Karamihan ng mga isla rito ay tahanan para sa mga aboriginal people. Mga taong namumuhay malayo sa kabihasnan ng Earthicus.
Ilang prominenteng imperyo naman ang bumubuo sa pangalawa sa pinakamalaking kontinente sa Earthicus, ang Euthoria. Sa kontinente rin matatagpuan ang ilan sa mga kilalang royalty clan sa Earthicus tulad ng CasterCastell at ng Tudor.
Democratic continent naman ang bansag sa North Amptheria dahil karamihan ng istilo ng pamamahala sa kontinente ay demokratik at wala halos monarkiya.
Ang South Amptheria naman ang kontinente ng mga nasyong nagsasalita ng lenggwaheng Espianisco at pinagmulan ng mga maaalamat na mandirigma ng Earthicus.
Habang twelve counties lamang ang bumubuo sa pinakamaliit at pangsiyam na continent ng Earthicus, ang Central Continent. Ang twelve counties na iyon ay pinamumunuan ng bawat lord county . Sa kontinente rin matatagpuan ang isa sa pinakamapanganib at pinamahiwagang gubat sa Earthicus, ang Old Dragon Forest.
Ang lahat ng kontinente ay binubuo ng mga nasyong may kanya-kanyang yaman at kapangyarihan. At sa kabila man ng pagkakaiba-iba ng bawat nasyon, ang lahat ng mga ito ay may pagkakaisa.
Ngunit ang lahat ay nagbago dahil sa isang pangyayaring hindi inaasahan ng lahat.
Ilang libong taon na ang nakakaraan, nagkaroon ng malaking delubyo sa Earthicus. Nagawang makawala sa Hellfia, ang pinakamalalim na bahagi ng kadiliman, ang mga mapaminsalang halimaw at ginulo ang maayos at tahimik na pamumuhay sa Earthicus.
Maraming nasawi.
Mga bata.
Mga babae.
Mga lalaki.
May kapangyarihan man o wala.
Warlock man o Humman.
Walang sinuman ang ligtas. Walang sinuman ang makapagtago.
Kahit pa ang mga nagpakabayani.
May mga nawasak nasyon. At naglahong angkan.
Nawalang pag-asa. At naglahong pangarap.
Takot ang namayani sa lahat. At bumalot sa bawat sulok ng Earthicus.
Nagsimula rin ang sigalutan ng mga makakapangyarihang nasyon.
Walang nais magpadaig.
Walang nais magpatalo.
Tunggalian kung sino ang mas magaling o mas mahusay.
Nawala ang pagkakaisa.
Ngunit sa gitna ng kadiliman, pagkaraan pa ng ilang taon, isang umaga ang sumibol.
Nagising ang mga tao na isa lang ang isinisigaw.
Panahon na para wakasan ang delubyo.
Oras na para magkaisa. Oras na para magbuklod.
Oras na para pagsamahin ang mga naipong pighati.
At ituon sa kalaban. Sa kadiliman.
Panahon na para lumaban.
Para sa kinabukasan ng kabataan.
Para sa Earthicus.
Nagising na nga ang lahat.
Tumayo. Naghanda sa laban.
At lumaban nga hanggang kamatayan.
Nagwagi kahit nabawasan.
At ipinagbunyi ang kanilang kadakilaan.
At sa pagtatapos ng delubyong iyon isang angkan ang lumitaw.
Isang angkan inatasan para bantayan ang tarangkahan. Isang angkang may kakayahang magbukas at magsara ng anumang tarangkahan. Ngunit kapalit naman nito ang panghabang-buhay na pagkatali sa tungkuling isumpaan.
Kakayanin kaya ng susunod na henerasyon ng mga Pullen ang mabigat na responsibilidad na bantayan ang tarangkahan ng kadiliman?
Kayanin kaya ito ng tangi at natitirang Pullen?
Kayanin kaya ni Meiji Pullen ang iwanan ang buhay na nakasayanan para gampanan at matali sa responsibilidad ng kanyang angkan?
O magpapasaway pa rin siya?
〖◇◇◇〗
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasyAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...