80: The Last And The Least Date: Cancelled

184 9 2
                                    

Parang kawatang nagtago si Meiji sa sinuman nang dumating sila ni Maui Boy sa Academy. Walang sinuman ang dapat makakita sa kanya dahil yari sila nina Primrose at JG kapag nagkataon. Damay na rin si Maui. Maingat naman si Meiji kaya napagtagumpayan niyang makapasok sa academy nang walang nakakakita sa kanya.

Dire-diretso siyang nagtungo sa Girl's Hallway nang may pag-iingat. Didiretso na sana siya sa sariling kwarto subalit nang mapadaan siya sa tapat ng pinto ng kwarto ni Everdeen saka naman niya naalala ang kaibigan.

Isang ngiti lang at pinagbuksan na siya ng pinto ni Lola Conchita, ang door butler ni Everdeen.

Dahil tapos na ang lahat ng klase para sa araw na iyon, nadatnan ni Meiji ang kaibigan na nakahiga sa princess style nitong kama. Maingat na lumapit si Meiji sa kama sa pag-aakalang natutulog si Everdeen pero nang mapansing nakadilat ito habang walang emosyong nakatitig sa kisame, tinakbo na niya ang kama at walang pakundangang palundag na umupo sa kama ng kaibigan.

Gulat namang napaupo si Everdeen nang makita ang kaibigang nakaupo na sa kama niya. “Meiji!” bulalas ni Everdeen.“ Anong ginagawa mo rito?!?” napatingin si Everdeen sa orasan sa kanyang kwarto na katapat lang ng kama niya. “ Hindi ba't hindi pa tapos ang date n'yo ni Prince JackGrey? Huwag mong sabihing tumakas ka?”

Napaismid naman si Meiji. “Correction lang, Everdeen. Date nila 'yon ni Primrose. At ako tsumupi na sa eksena,” inaasahan na ni Meiji na alam na ni Everdeen ang ganap sa date nila JG kaya hindi na siya nagtaka.

“So, tumakas ka nga?”

“ Technically, oo,”

“Naku naman Meiji. Alam mo bang pwede kang parusahan ni Zharptitsa dahil d'yan at di lang ikaw pati na sina Miss Primrose at Prince JackGrey?”

“And?”

“ Anong 'and?'. Meiji naman, hindi ka pa ba nagsasawang maparusahan?”

Pumihit si Meiji paharap sa kaibigan.
“ Chill ka lang nga. Wala namang nakakita sa akin nang pumasok ako dito sa Academy so walang nakakaalam na nandito na ako. Ikaw lang at si Maui,”

“So, pati si Maui idinamay mo pa?”

“ Hindi siya madadamay kasi nga wala namang nakakita sa akin pagpasok ko rito unless ikaw na ang magsusumbong,”

Napaismid si Everdeen sa sinabi ng kaibigan. At nang walang mahagilap na maisagot kay Meiji ay muli itong bumalik sa paghiga, patalikod kay Meiji. “ Bahala ka na nga sa buhay mo.”

Akala ni Everdeen, aalis na si Meiji sa kama niya ngunit nangulit pa ito.
“ Hey,” tawag sa kanya ng kaibigan sabay kulbit subalit hindi niya ito kinibo.


Hindi malaman ni Meiji kung bakit ganito kalamig ang pakikitungo sa kanya ni Everdeen ngayon. Subalit naisip din niyang baka marahil dahil pa rin ito sa nangyaring date sa kanila ni Cainne. Sa naisip ay napangisi si Meiji nang simple.

Tumayo na siya't may inilabas lang na isang maliit na bagay mula sa kanyang bulsa. Maliit lang iyon pero nakabalot ito sa isang tila krystal na lalagyan. Isang spell lang at muli na uling bumalik sa natural nitong size ang inilabas niyang bagay.

Iyon ang dessert na pinabalot niya sa date nila ni Cainne.


“ Hey,” muling tawag niya sa kaibigan. Muli silang naupo at walang pag-aalinlangan iniharap ang kaibigan sa kanya.

Nagulat si Everdeen sa ginawa sa kanya ni Meiji. Magmamaktol pa sana siya subalit natigilan siya nang iniharap na sa kanya ni Meiji ang hawak nito. 

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon