Pagkatapos nga ng ilang araw na pagkakatulog, sa wakas, nagising na rin si Meiji. Kaagad din itong ipinagbigay-alam ng Headmistress kay Everdeen pero ang hindi alam ng ginang, mas nauna pa nilang nalaman ang magandang balita. In fact, naroroon nga sila mismo nang magising si Meiji.
Nang umagang din iyon, pinayagan na rin silang bisitahin si Meiji.
Pagkatapos ng breakfast angelus ay sa infirmary ward na nagdiretso sina Everdeen at Primrose. Nakasalubong pa nila sa daan ang Headmistress na halatang masayang-masaya sa pagkakagising ni Meiji. Napaltan na ang lungkot nito nang maaliwas na mukha.
Bukod sa pagbisita ay pinayagan din si Everdeen na manatili sa ward at lumiban sa pang-umagang klase kasama si Primrose. Ito ay para tulungan si Meiji sa paglipat nito sa sariling kwarto.
Sa pag-ingit pa lang ng pintuan ng infirmary ward ay nakamata na si Meiji para tignan kung sino ang iniluwa nito. Isang maaliwalas na ngiti naman ang agad na gumuhit sa kanyang labi nang mabungaran niya ang nakangiti ring mga mukha nina Primrose at Everdeen.
Inaasahan na naman niya ang pagdating ng mga ito dahil sinabi na rin sa kanya ng Headmistress na pinayagan na nito ang mga kaibigan na bisitahin siya.“ Good morning, Miss Meiji,” si Primrose ang unang bumati. “ Kumusta na pakiramdam mo?”
“ Okay na naman. Medyo bored lang,” nakaupo si Meiji sa kama habang mahina ngunit paulit-ulit na hinahampas ng dalawang kamay ang mga hita. Sa totoo lang ay excited siya. Excited sa mga pagkaing isa-isang inilalabas ni Everdeen mula sa dimensional food warmer na dala ng dalawa.
“ Ngayon ka pa ba mabobored eh pinayagan ka na ngang sa kwarto na magrest,” sabat naman ni Everdeen na abala ngayon sa paghahanda ng mga pagkaing dala nila para kay Meiji. Kumumpas pa ito para lumapit sa kama ni Meiji ang bed table ng ward . Napunta ito sa harapan ni Meiji at doon naman iginayak ni Everdeen ang mga pagkain.
Hindi na naghintay pa si Meiji na ilapag ni Everdeen ang huling pagkaing dala nila, kinuha na niya agad ang chopsticks at agad ding nilantakan isa-isa ang mga pagkaing nasa harapan niya. Nangingiti namang pinanood ni Everdeen ang paglantak ng kaibigan sa mga pagkain. Kahit na masiba itong kumain ngayon ay natutuwa pa siya dahil ibig sabihin nun ay bumalik na ngang tunay ang kanyang kaibigan.
Nagsalin pa si Everdeen ng tubig sa baso na sakto naman para kay Meiji dahil sa pagkabulun sa dami ng pagkaing nasa bibig niya. Tinungga rin niya agad iyon at nang mapawi ang pagkabulon ay nagpatuloy muli ito sa pagkain. Hindi niya alintana ang dalawa dahil mas mahalaga sa kanya ngayon ang gutom niya.
Hindi naman siya inabala ng dalawa at hinayaan lang siya hanggang sa may naalala si Everdeen. May dinukot itong kung ano sa food warmer at itinaas para makita ni Meiji.
“ Sa'yo yata to,” untag pa ni Everdeen.
Nagtaas naman ng tingin si Meiji at nakilala agad niya ang tangan ni Everdeen — ang bagpack niya. Kaagad naman niya iyong kinuha.
“ Natagpuan daw nina Maui 'yan sa kweba ng mga dragon. Itinago niya para ibigay sa'yo,” saad pa ni Everdeen.
“ Cool. Buti nakita nila,” tugon naman ni Meiji.
Huminto si Meiji sa pagkain at inusisa ang laman ng backpack niya. Nandoon naman lahat maliban na lang sa mapa ng Old Dragon's. Medyo nakunot pa noo niya nang makitang wala doon ang mapa. Sa pagkakatanda ay naroon lang iyon. Pero nang maisip niyang baka palihim nang isinauli ni Maui ang mapa ay nagkibit-balikat na lamang siya. Sa puntong iyon ay saka pa lamang niya naisipang tangunin kung bakit di nila kasama sina Maui sa pagbisita sa kanya.
“ Nasan na nga pala ang mga kolokoy boys?“ tukoy niya kina Maui at sa mga prinsipe. Dahil medyo gamay na ni Primrose ang ugali ni Meiji, di na nito inalintana ang term na ginamit nito patungkol sa mga prinsipe. Si Primrose pa nga mismo ang sumagot sa tanong nito.
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasyAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...