35:The House Of Cattis.

706 34 3
                                    

Dalawang araw na ang nakakalipas matapos ang nakakapagod na mutiple punishment task pero pakiramdam ko, patang-pata pa rin ako sa pagod.

Overall, maayos naman naming natapos ang loong list. Kahit na natapos na kami ng pasado alas diyes ng gabi at late na ring nakapagdinner.

Kung bibigyan ko naman ng rate ang performance ng mga royalty at si Primrose siguro tama na ang ten out of ten... minus five. Five for their good performance, minus five para naman sa mga kapalpakan nila.

At masasabi ko na, ngayon mas naintindihan ko ang kahalagahan ng teamwork sa isang team. And I owe that sa mga royalty, Primrose at Everdeen.

Nagising ako dahil sa tawag mula sa labas ng kwarto ko.

"Meiji!" Si Everdeen.

Nakailang tawag din s'ya bago ako napilitang bumangon.

"Dorothy, pagbuksan mo," utos ko sa aking door butler.

Dumiretso ako sa banyo para sana magmumog sakto namang bumukas na nga pinto at pumasok ang nakasimangot na si Everdeen.

"Ang tagal mo naman akong pagbuksan," sinundan ako nito sa banyo.

"Kakagising ko lang," wala sa loob kong sabi matapos kong iluwa ang pinagmumugan ko. Inabot naman niya sa akin ang hand towel na malapit lang sa kanya."Thanks. Ano bang sadya mo at ang aga mong mambulabog?"

"Sasamahan ka sana namin sa paglilista sa darating na companion hunting. Pang moral support lang ba," kasunod ko rin ito sa paglabas sa banyo.

"Hindi ko-teka lang. Namin?" napalingon ako kay Everdeen, kunot ang noo.

"Oo, kasi si Primrose gustong sumama. Eh alangan namang tanggihan ko, di ba. Kaya isasama na rin natin,"

"Wow, makapayag ka ah, parang ikaw yung magpapalista, ah,"

"Ikaw naman. Nagmamagandang-loob na nga yung tao na samahan ka, ang dami mo pang sinasabi, hmm!"

"Tingin mo ba kailangan ko pa ng chaperon? Kaya ko namang magpalista mag-isa. Taon-taon ko na 'tong ginagawa, Everdeen,"

"At taon-taon kasama mo rin ako sa pagpapalista. Kaibahan lang ngayon taon, kasama natin si Primrose. Kaya wag ka nang umangal,"

"Ewan ko sa' yo. Bahala na nga kayo,"

Magaling talagang mangumbinsi si Everdeen. Kaya bahala na.

Last day na ngayon para magpalista sa gaganaping annual companion hunting the next day. Naging busy kasi ako the last two days kaya hindi ko na magawa pang sumegwey ng pagpapalista. Ngayon lang ako nagkatime.

Sinabihan ko si Everdeen na hintayin na lang ako sa gazebo, sa labas ng kastilyo, dahil may dadaanan pa ako sa aquarium room ng academy. Manghuhuli muna ako ng mga isda.

Saktong five-thirty ng umaga, lumabas na ako ng kastilyo. Medyo moist ang paligid dahil na rin sa fog na nakabalot sa buong paligid. Pero kita ko pa rin naman ang nilalakaran ko.

Simpleng nakajacket at pants lang ang suot ko ngayon. Wala namang espesyal sa araw na 'to pero excited ako. One day from now, nasa Old Dragon Forest na ako at hinahanap na ang magiging companion ko. Sana lang mahanap ko na siya ngayong taon. Hoping.

Maya-maya pa, nakita ko na ang dalawang silhouette ng tao na nasa gazebo. Binilisan ko na ang lakad. Matagal ding naghintay ang dalawang 'to sa akin. Sa totoo lang ayoko talagang may kasama kaya lang mapilit sila.

"Pasensya na. Medyo natagalan ako," salubong ko kina Everdeen at Primrose. Inilapag ko muna ang isang balde ng mga huli kong isda.

"Mukhang ang dami mo yatang hinuli, Meiji, " si Everdeen. Sinilip pa nito ang mga isda.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon