20:Gossips at the Dinner Banquet.

870 46 0
                                    

〖☆☆☆〗

Evening Angelus.


Ang evening angelus ang nagsisilbing dinner call ng mga estudyante. Sampung minuto itong tutunog with an interval of five seconds. At sa oras na huminto ito, magsisimula na ang dinner banquet sa Great Mess Hall.

Kanya-kanya na ng upo ang mga estudyante sa anim na hanay ng
pahabang mesa. Ang bawat mesa naman ay naglalaman ng tig-iisandaang estudyante na magkakaharap.


Odd to even ang table arragement ng bawat mesa.

Nasa unang hanay ang mga estudyanteng nasa ikalimang antas at nasa kaliwa nito ang ikatatlong antas. Habang ang ika-anim na antas naman ay nasa kabilang bahagi ng Great Mess Hall. Nasa kanan nito ang ika-apat na antas. Pinaggigitnaan naman ng ika-tatlo at ika-apat na antas ang una at ika-dalawang antas.


Maging ang mga guro, mga trainors at ilang faculty ng academy ay kanya-kanya na ring upo sa mga designated seats ng mga ito. Isa ring pahabang mesa na nasa harapan ng anim na hanay na mesa, ang faculty table.

Mula naman sa itaas makikita ang Chandelier City. Ang city na ito ang s'yang nagpupuno ng liwanag sa buong Great Mess Hall. Mga luminous nymph ang nakatira rito. Sila ay mga maliiit na nilalang na nag-eemit ng mga luminous light. Nagkalat rin sila sa iba pang bahagi ng academy ngunit nasa Great Mess Hall nakalagay ang pinakamalaking colony ng mga luminous nymph.

Last two minutes na lang angelus nang dumating si Meiji sa Great Mess Hall. Naupo siya sa ikalimang silya sa dulong bahagi ng unang hanay. Wala masyadong estudyante ang nauupo sa dulong bahaging iyon kaya napili ni Meiji na doon na maupo.

Wala na s'yang stock ng pagkain sa kanyang fridge kaya napilitan siyang dumulog ngayon sa Great Mess Hall para sa dinner banquet.

Dahil sa isang formal dinner ang dinner banquet, required ang lahat ng mga estudyante at mga faculty na magsuot ng formal attire and dresses.

Pero sa suot na light brown hand-knitted sweater, baggy long shorts ni Meiji na tinernuhan pa niya ng hand-knitted bonnet, low cut gladiator's sandals at isang squared frame eyeglasses, mapagkakamalang s'yang isang gatecrasher. Kaya siguro rin siya naupo sa dulo para di mapansin ang suot niyang di akma sa salo-salong iyon.

Hindi naman siya naroroon para makipagtagisan sa iba ng mga mamahaling damit, naroroon siya para kumain at magpakabusog.

Wala nang tatlumpung segundo bago magsimula ang dinner banquet nang bigla na lang bumukas ang malaking two-door ng Great Mess Hall at iniluwa nito ang limang prinsipe kasama ang green na kappa at kasunod ang nakaplain pink dress na si Everdeen.

Mga nakakabinging tilian at hiyawan mula sa mga babae at mga binabaeng estudyante ang pumuno sa kalawakan ng Great Mess Hall sa tila slow motion na pagpasok ng mga prinsipe.

"Gosh! Ang hot talaga nilang lima!"

"Ay!, oh dumating na ang mga yumyum na mga prince. Pwede bang sila na lang dinner ko tonight?"

"Baklang 'to...ako lang ang pwedeng kumain sa kanilang lima. Ako lang, baklang 'to."

"Ok na sana epal pa yung green na kappa."

"Ang tagal naman! Gutom na ako!"

Sari-saring reaksyon ang maririnig ngayon dahil sa pagdating ng presensya ng limang prinsipe and a kappa. Halos lahat yata ay naapektuhan maliban lang kay Meiji na sinubukan pang takpan ang kanyang mukha sa pamamagitan ng paghila nito ng kanyang bonnet pababa. Nasa ganung ayos siya ng maramdaman niyang may mga naupo sa kanan at kaliwa niya maging sa mga seats sa kanyang harapan.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon