46: The Culprit

646 33 0
                                    

Malamig na ang simoy ng hangin sa loob ng kagubatan ng Old Dragon at ang lamig ay tila ba nanunuot sagad hanggang buto.

Ngunit balewala iyon kay Meiji. Hindi sa hindi niya nararamdaman ang lamig ngunit dahil ang isip niya'y nakatuon lamang sa pakay niya.

Habang papunta roo'y mataman niyang pinag-isipan at pinagtahip-tahip ang mga nalaman.

Isang sumpa ang dahilan ng lahat. Sigurado siya roon.

Ngunit paanong naisumpa ang mga centaur kung ang mga ito pala'y protektado ng kapangyarihan ng isang Diyos?

 May kinalaman kaya rito ang babaeng baliw na si Hilda?

Napabuntong-hininga si Meiji sa mga tanong na iyon habang patuloy siya sa paglalakad.

Naging madali na lang sa kanya ang taluntunin ang daan dahil na rin sa liwanag na nagmumula sa buwan. Hindi tulad ng ibang bahagi ng Old Dragon's, hawan ang Equilestria kaya malayang nakakapasok ang liwanag ng Artemis(moon) sa gabi at ng sinag ng Apollo(sun) sa umaga.

Pagkaraan pa nga ng ilang sandali'y narating na rin niya ang lugar na sadya niya. Lugar kung saan nakatayo ang isang matayog na obelisk.

Parisukat ang hugis ng base nito at  patusok naman paitaas. Isa ito sa mga istruktura sa Equilestria kung saan nakaguhit at nakasulat ang mga tala ng kasaysayan ng mga lahi ng centuar.  Nadadaan na nila ito kaninang nagtungo sila sa pagamutan at pahapyaw na rin niyang nabasa. Makikita naman sa isang bahagi nito ang isang napakalaking uka na bukod tanging merong ganoon sa iba pang istrukturang malapit dito.

Pero bakit nga ba siya nagpunta roon?

Meron bang kaugnayan ang obelisk sa nais niyang malaman, kumpirmahin at patunayan? 

O dahil sa ibinigay na tila antilo ni Hilda?

Hindi ba't dapat ay aalis na siya?

At kung naiisip man niyang manatili pa ng ilang oras ay hindi ba't dapat hanapin na lamang niya ang nagpataw ng sumpa?

Ano namang iniisip niyang gawin ngayon?

Pinaglandas niya ang kamay sa mga hieroglyphics  na nakaukit sa kalawakan ng base nito hanggang sa marating niya ang mukha nitong nakaharap sa timog kung saan naroroon ang malaking uka. Mataman niya rin itong sinuri at hinawakan ang bahaging iyon.

Matalim ang bahaging iyon na tila ba ginamitan ng kung anong matulis na bagay. Yung tipong parang batong hinati sa gitna at nakagawa  ng malandas at matalas na pakiramdam kapag sinalat.

At isa lang ang nakumpirma niya.

Sinadya ang pagkakauka nuon.

Tila ba ninais ng kung sinuman ang sirain iyon nang sa gayon ay hindi na ito mabasa pa.

Ngunit bakit?

Wala sa loob na napailing siya't  inikutan ang buong obelisk habang binabasa naman niya ang mga nakatala doon.

Una niyang binasa ang surface na nakaharap sa hilaga. Nakasulat mula roon ang pinagmulan ng lahi ng nga centaur. Ayon sa nasusulat dito, nagmula raw ang lahi ng mga centaur sa kambal na anak ng  Diyos ng Araw at isang nympha na sina Centaurus at Lapithus. Si Lapithus ay ipinanganak na normal at naging hari ng mga Lapiths samantalang ang kakambal nitong si Centaurus ay ipinanganak na kalahating tao at kalahating kabayo. Kalaunan ay nagtatag din ito ng kaharian na tinatawag na ngayong Equilestria.

Ang surface namang nakaharap sa silangan ay nagsasaad ng mga katangian at kakayahan ng mga centaurs at kung paano nila napalago ang kanilang kaharian.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon