Isang nakakasilaw na liwanag.
Iyan ang gumising sa kanya ngunit ito rin ang dahilan upang muli siyang mapapikit. Sa pangalawang pagkakataon ay muli siyang nagmulat at sa pagkakataong iyon ay iniharang na niya ang kanang kamay sa nakakasilaw na liwanag habang unti-unti naman siyang bumabangon.
Inaasahan na niya ang panghihina ng katawan pagkabangon dahil na rin sa labanang nangyari. Ngunit laking gulat niya nang wala man lamang siyang maramdaman na kahit anong panghihina o kahit sakit man lang ng katawan. Bagkus, normal pa nga ang pakiramdam niya ngayon na tila ba hindi siya napasabak sa matinding labanan. Tinignan din niya ang mga natamong sugat ngunit tanging mga namuong dugo na lamang ang naroroon.
Teka, bakit...ganon? Anong.... nangyari? Hindi niya napagilang tanungin ang sarili.
Ibinaba niya ang kamay at inadjust ang paningin sa nakakasilaw na liwanag. Ikinurap niya ng ilang beses ang mga mata at wala sa loob na nagbaba ng tingin.
Luntiang sahig na nahahaluan na ng iba't ibang kulay ng mumunting halamang namumulaklak ang sumalubong sa kanya. Banayad niyang pinaglandas ang kamay sa madamo ngunit malambot na sahig at mula roon nadama niya ang mamasa-masa nitong ibabaw. Gawa ito marahil ng hamog galing sa halumigmig ng umaga.
Kalaunan ay nagtaas siya ng tingin at sinalubong naman siya ng tanawin ng di pamilyar na lugar ngunit labis namang nagpatalon sa kanyang damdamin. Unti-unti na siyang tumatayo ng hindi niya namamalayan, habang nililibot naman ng tingin ang paligid sa kanyang harapan.
Nasaan na ba ako?
Pigil ang hiningang siniyasat niya ang kalawakan ng paligid. Nasumpungan ng mata niya ang tila isang malaparaisong tanawin. Nasa pinakamataas na bahagi siya ng lugar kaya naman kitang-kita niya ang mga kakaibang puno sa iba't ibang kulay bukod pa ang mga halamang namumulaklak na kakaiba rin ang laki at hugis. Habang naglipana naman sa paligid ang iba't ibang klase ng mga pambihirang hayop. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin ang mga mumunti ngunit mga kumikislap na nilalang na sa tingin niya'y mga wild fairies na tila ba sumasayaw sa palibot ng bawat punong naroroon.
Animo'y ang paligid ay parang isang tagong paraiso na tanging sa mga panaginip lamang nakikita.
Bagaman palasipan pa rin kay Meiji kung nasaan siya, kaagad namang sumagi sa isip niya ang isang bagay. Isang bagay na maaaring magkapagsabi kung nasaan na siya ngayon naroron. Ito rin ang tanging bagay na natitira sa lahat ng dala niya. Kaagad niya itong kinapa sa secret compartment ng kanyang suot na jacket at nang masumpungan ay kaagad rin niyang kinuha iyon saka binulatlat.
Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan nito hanggang sa magawi ang mga mata sa partikular na lokasyon na himalang naguguhit na ngayon sa hawak niyang mapa. Natuon ang pansin niya sa salitang nasusulat sa partikular na lokasyon.
Wisteria Forest.
Nakakunot ang noong muli niyang ibinalik ang tingin sa paligid sa kanyang harapan.
Nasa Wisteria Forest....ako?
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasyAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...