10:The Five Prince.

1.4K 52 7
                                    

【★★★】

Naging dalawampung minuto ang dapat sana'y labinlimang minuto lang naming pagkalate. Paano kasi'y nasa unahan namin ang kappang mabagal na naglalakad. Sa igsi ba naman ng mga biyas nito, halos wala pa yatang  isang pulgada kung ito'y humakbang. Hindi naman namin magawang unahan ito sa paglalakad dahil ayon sa nasusulat sa code of royal etiquette, maituturing na isang kalapastangan ang magover take sa sinumang royalty.

Pagkaraan naman ng limang minuto, narating na rin namin sa wakas ang pintuan ng opisina ng Headmistress.

Bumungad sa amin ang isang simpleng pintuang gawa sa pinagdikit-dikit na ibat-ibang uri ng kahoy. Nagmukha tuloy itong isang malaking jigsaw puzzle. Ang seradura nito'y kulay pilak at di katulad sa ibang pinto sa kastilyo, wala ditong nakatalagang door butler. Sila ung mga mukhang bigla na lang lumalabas sa bawat pinto na nanghihingi ng password sa bawat nais pumasok.

Dahil sa ako ang malapit sa seradura, ako na rin ang kakatok. Kakatok na sana ako pero bigla na lang bumukas ang pinto. Naiwan pang nakasuspend ang kaliwang kamay ko habang ang kanang kamay ko'y akma ng hahawakan ang seradura.

Nabuksan na pala ng kappa ang pintuan bago pa ako makakatok at nauna na nga itong pumasok.

Habang aiwan kaming dalawa ni Everdeen na napatulala sa dalawang taong nasa likod ng isang mesa.

"Hindi man lamang ba kayo marunong kumatok? Ganyan ba ang itinuturo namin sa inyo ha, Miss Pullen, Miss Everdeen?" si Miss Minchan. Nakatayo ito sa tabi ng mesa habang tinitignan kami ng masama. Hindi  siguro nito napansin ang kappa ng pumasok at naglakad papasok naman sa isa pang pinto sa loob ng opisina dahil na rin siguro sa liit nito.

Nakasilip naman sa bahagyang nakababang salamin sa mata ang nakaupong Headmistress. Mataman lamang itong tumingin sa amin saka bumalik sa mga nakalahad na scroll sa kanyang mesa. Isa-isa n'ya itong muling inirorolyo.

"At bakit ngayon lamang kayo! Dalawanpung minuto na kayong huli! Ano naman bang kalokohan ang pinaggagawa n'yo at ngayon lamang kayo!" pagpapatuloy ni Miss Minchan sa pagbulyaw sa amin na kahit papaano 'y may kontrol pa kahit na nagiiltawan na ang mumunting ugat nito sa sintido.

"Tama na 'yan, Miss Minchan," awat naman ng Headmistress kay Miss Minchan. "Kayong dalawa, pumasok muna kayo, sarhan ninyo ang pinto at lalabas ang aircon." baling naman sa amin ng Headmistress. Nakita ko namang tumayo ang aircon na nakupo sa isang tabi. Akma na nga itong lalabas buti na lang at agad din naming naisara ang pinto. Napasimangot naman itong naupo uli sa isang tabi."Maupo kayo." sabing muli ng Headmistress sa amin.

Hindi naman masyadong strikta si Mrs. Adamwood di kagaya ni Miss. Minchan na pangalawang tagapamahala ng akademya. Sa katunayan, pinapayagan pa nga kami ng Headmistress na pumunta sa saan mang sulok ng kastilyo. At dahil daw isa akong abrelata, palayaw nito sa akin, sa akin nito pinamahala ang mga pintong di nabubuksan ng sinuman. Mga lihim iyong mga silid na off limits sa mga estudyante. Isa pa wala naman itong magagawa dahil kahit anong klaseng pintuan kaya kong buksan ng walang kahirap-hirap. Isa pa pasaway nga ako di ba.

"Steam problem again Miss Everdeen?" baling na tanong ni Mrs. Adamwood kay Everdeen ng ito'y nakaupo na. Napansin siguro nito ang suot nitong steampunk attire.

"Opo, Headmistress." magalang na tugon ni Everdeen.

"At galing sa wardrobe mo, Miss Pullen?" sa akin naman bumaling ang headmistress na tinanguan ko lang.

"Cozy but too plunging." singit naman ni Miss Minchan na tinitingnan ang bahagyang nakababang neckline ng suot na top ni Everdeen. Sumisilay roon ang nuno sa punso kasi nama'y di naman kasi kalakihan ang hinaharap ni Everdeen kaya ang floundering neckline ay isang papuri sa mga may likod sa harap na tulad namin ni Everdeen. Agad din namang nahihiyang itinaas ni Everdeen ang neckline nito.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon