38: The Hunt 3 : Encounter

537 33 0
                                    

Pinaghalong ingay ng mga nilalang ng gubat ang sumalubong kay Meiji pagpakapasok pa lang niya sa Wild Forest,  isa sa mga gubat na bumubuo sa Old Dragon. Medyo hapon na at wala na halos liwanag ang nakakapasok sa parteng iyon kaya minabuti na ni Meiji na bilisan ang pagtalon-talon sa mga sanga ng nagtataasang puno.

Iniiwasan niyang bumaba para maiwasang makasalubong ang mga cannival gome o yung mga uri ng gome na kumakain ng buhay na karne.

Abala na sa kanya kung makakaharap pa niya ang mga 'to.

Sabi nga ni Maui Boy, gahol siya sa oras kaya kailangan niyang iwasan ang mga 'to.

Pero mukhang hindi ganoon ang mangyayari.

Mula sa pinagtataguang sanga ni Meiji, rinig na rinig niya ang isang nagmamakaawang iyak at chatter ng kung anong mga nilalang.

Hindi na sana niya iyon papansin pero nakatawag sa pansin niya ang pagsigaw ng tila umiiyak na bata.

"Ateeee!!!!"

Natigilan siya.

Kilala niya ang medyo matinis na boses na 'yon.

Agad siyang bumaba sa mas mababang sanga ng punong pinagtataguan niya. At bahagyang sumilip. Sakto namang kakadaan pa lang ng isang grupo ng mga cannibal gome.

Sampu lahat ang cannibal gome. At ang dalawa sa mga ito ay may dalang nakapigtied na tao. Hindi lang basta tao kundi isang bata.

Nanlaki naman ang mga mata ni Meiji nang makita niya ang mukha ng bata. Kilala niya ang bata!

Ito yung batang kumausap sa kanya sa send off ceremony at kapatid yata ni Helena. At kung hindi siya nagkakamali, William ang pangalan nito.

Hindi na nag-alinlangan pang sinundan ni Meiji ang mga cannibal gome. Tahimik at buong ingat siyang nagpalipat-lipat sa mga sanga ng puno hanggang sa makarating siya sa pinakamasukal na parte ng Wild Forest. Ito na ang pugad ng mga cannibal  gome.

Hindi siya lubusang lumapit sa pinakapugad bagkus nasa bukana lang siya. Ilang metro pa ang layo niya sa pinakapugad. Lubhang mapanganib ang mga cannibal gome kaya kailangan niyang mag-ingat ng husto. Baka pati siya mapalagay sa hapunan ng mga 'to.

Desido siyang iligtas ang bata kahit na alam niyang kukulangin na siya sa oras. Kaya naman nag-isip na siya ng plano.

Sa tantya niya, mahigit dalawang daan lahat ang bilang mga cannibal gome. Midget size  ang iba sa mga 'to pero meron din namang mga regular size.

Kakaiba ang mga gome ito kaysa sa  ibang uri gome. Bukod sa kumakain ito ng buhay na karne ng sinumang nilalang, bihasa rin ang mga itong makipaglaban. Itinuring din silang mga hunter gome dahil sa husay nilang mansilo ng makakain. At kung aatakihin mo ang isa sa kanila, tiyak aatakihin ka naman ng iba pa. Nabubuhay sila bilang isang tribo at kumikilos rin bilang isang tribo.

At mukhang iisa lang din ang paborito nilang putahe. Tao. Buhay na tao.

Gamit ang telescope na binigay ni Nab'bu, nakikita ni Meiji ang nangyayari sa loob ng pugad. Nagkakasiyahan ang mga cannibal gome. Pinalilibutan ng ilan ang isang malaking siga at ang lahat ay pawang mga nakasuot ng malalaking ritual mask na tumatakip sa buong mukha nila.

Ito rin ang pinagkaiba ng mga cannibal gome sa iba pang gome. Mahilig silang gumawa ng ritual bago katayin ang kanilang pagkain.

"Last supper, huh?" sarkastikong bulong ni Meiji habang patuloy pa ring minamatyagan ang tribo.

Wala naman sa plano niyang ubusin ang mga cannibal gome dahil sa palagay niya hindi rin niya kakayanin ang lakas ng mga 'to.

Ang plano lang niya, itakas si William, umalis sa lugar na iyon at ihatid ito sa tribo naman ng mga ogre. Hindi naman para kainin din ng mga ogre kundi para ang mga 'to na ang maghatid sa bata sa labas ng gubat.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon