Inaasahan ko na pagkabigla ang makikita kong reaksyon sa mukha ng babaeng kaharap ko ngayon ngunit hindi 'yon nangyari.
Sa halip, nakangiti lang ito habang nakatitig sa akin. Ngunit batid ko na ang ngiting iyon ay hindi dala ng kasiyahan o labis na galak dahil mas nakikita kong ngiti iyon ng hinagpis at labis na kalungkutan. Kasunod nuon, nasaksihan ko naman kung paano naglandas ang mga luha nito sa pagal nitong mga mata.
"Akala ko'y matatagalan ka pa bago mo malaman ang lahat ng iyon," saad ng babae na hindi man lang inabalang pahirin ang sariling mga luha. Hinayaan lang nitong tumulo ang mga iyon.
Kung ganun inaasahan na pala nito na malalaman ko ang itinatago n'yang sikreto.
Napatikhim ako't bahagyang napayuko para iwasang tignan ang mga mata ng babae na tila pagod na sa kakaiyak. " Dahil iyon kay Hilda," tipid kong tugon.
Napangiti ito sa kabila ng mga luha nitong walang tigil sa pagpatak.
" Tama.....si Hilda. Bakit nga ba hindi ko naisip yon? Tanging siya lang naman at ako ang nakakaalam ng madilim kong sekreto,"Kung ganun, may alam nga talaga ang baliw na yun.
Napabuntong-hininga ito at naupo sa tabi ni Diana saka nito masuyong hinaplos ang inosenteng mukha ni Diana.
"Ang bata pa n'ya para mamatay," komento nito. Mapait naman akong napangiti. Ayaw ko mang aminin ngunit sang-ayon ako sa sinabi nito.
"Alam kong batid n'yo na hindi malulunasan ang ginawa n'yong sumpa sa kanila kung hindi n'yo sasabihin ang rarity ng sumpang ginawa n'yo. Bilang isang moon witch dapat alam n'yo yun," Hindi nakaligtas sa akin ang bahagyang pag-awang ng bibig nito sa mga sinabi ko ngunit kalauna'y napatango ito.
" Pati pala iyon ay nalaman mo,"
Siempre naman. Ako ba pa.
" Walang sinumang ordinaryong nilalang ang may kakayahang gumamit ng Arcane Gauntlet of the Moon Goddess maliban na lang kung isa kang moon witch na katulad n'yo," hindi kaagad ito tumugon sa mga sinabi ko. Nanatili lang ito sa ginagawa nitong paghaplos sa mukha ng anak. Pero sandali pa'y tiningala ako nito. Naroroon pa rin ang mga ngiting hindi naman umaabot sa mga mata nito.
" Sana'y ganun lang kadali na sabihin ko sa'yo ang nais mong malaman ngunit labis kong ikinalulungkot.....," binitin pa nito ang sinasabi para humugot ng malalim na hininga. Nag-iwas ito ng tingin at muling bumaling sa mukha ng anak.
".... Dahil hindi ko na naalala ang raridad ng sumpa maging ang klase nito't ngalan,"Huh?
Bahagyang napataas ang kikay ko at napawaang naman ang bibig ko dahil doon." Paanong hindi n'yo na maalala?"
Hindi pa naman siguro ito ulyanin para hindi na ito makaalala pa maliban na lang kung....
"Maaari mong sabihing tanga ako.... d-dahil inalis kong lahat ng memorya ko tungkol sa sumpang iyon....."
Since binigyan naman n'ya ako ng permisong sabihan s'ya ng tanga, sasabihin ko na rin.
Tanga!
Ngunit sa isip ko lang.
Napatingala ako at wala sa loob na napabuga ng hangin. Lalo lang pala nitong pinabigat ang sitwasyon.
" Iniisip mo sigurong napakasama ko para gawin iyon....," ani nito. Tama po kayo, iniisip ko nga'y ganun. "Ngunit ang lahat ng iyon ay may dahilan," Lahat naman ng bagay meron.
Wala sa loob akong napatingin dito. Nakayuko ito at nilalaro-laro ang mga kamay. Sandali pa'y narinig kong humihikbi na ito, maya't maya rin ang pagsinghot at pagpahid naman sa mga nag-uunahang luha sa mga mata nito.
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasyAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...