Isang malakas na bigwas sa kanan na buong husay namang nailagan ni Meiji ngunit hindi ang mabilis na hook na pinakawalan ng Beast sa kaliwa niya. Diretso iyon sa kanyang kaliwang tadyang na ininda niya kahit na suot pa niya ang pinakamatibay niyang armour.
Mabilis, walang kapaguran at walang patawad ang bawat pag-atake ng lalaki. Kahit na sabayan pa ni Meiji ang bawat galaw nito, isa o dalawang suntok ang saktong tumatama sa kanya. Napapaigik na lamang siya kapag nangyayari iyon.
Sanay naman si Meiji sa mga close combat ngunit kung sa isang kalabang walang kapaguran at sunod-sunod kung umatake, siguro'y gulay na siya kung sakali mang wala siyang suot na armour ngayon.
Mula naman sa malayo tahimik silang pinapanood ng prinsipe habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao.
Sandali pa'y kusa na siyang tumalikod para naman harapin ang mga kasamahan na pawang abala sa pagsasaayos ng kani-kanilang armour tunic at mga sandata.
“ Handa na ba ang lahat?” sa kabila ng kakaunting bilang, nagawa pa rin nina Khaifro, Fhawn at Thuk na buong tapang na tumango, tugon sa tanong ng prinsipe.
“ Kung ganon, tayo na,”
Tapos na ang apat sa paglilikas sa mga dragon. Kahit walang katulong na mga stone golems dahil nakikipaglaban na ang mga ito sa baba, nagawa pa rin nilang ilikas ang lahat ng mga dragon. Dagdag pang naging cooperative naman ang mga dragon.
At ngayon nga handa na silang tulungan si Meiji sa pakikipaglaban nito.
Isa-isa na silang bumaba. Kasabay na noon ang pagkawala ng bisa ng invisibility dust.
Samantala, ang magic circle na ginawa ni Meiji ay natapos na. Kasabay nuon ang pagbalik sa pagiging lupa ng mga huwad na centaurs na naging pabor naman para sa grupo ni Sicarius.
Ngayon, ang limang dragon at ang mga stone golems na lang ang kanilang problema.
“Boss, matatagalan tayo rito kung ganito lang ating ginagawang pag-atake,”
Napaisip si Sicarius sa sinabing iyon ni Dheas at wala sa loob na napatingin sa mga kasamahang pawang abala rin sa pakikipaglaban. Sandali pa'y napatingin siya sa gawi ni Phang at ng mga persona nito na kapwa abala pa rin sa pagrerestrain sa Leviathan Dragon. Napukaw naman ang atensyon niya sa labanang nagaganap sa pagitan ng isa sa mga persona ni Phang at sa kalaban nito na binansagan nilang 'munting daga'.
Napangisi siya sa nasasaksihang salpukan ng dalawa. Base sa nakikita niya'y malaki ang kalamangan ng persona kung bilis ng pag-atake ang pag-uusapan kumpara naman sa kalaban nitong puro pangsangga lang ang nagagawa.
Hindi na siya nagulat dahil inaasahan na niya iyon.
Ang personang iyon ang pinakamabilis, pinakamalakas at pinakamabangis sa lahat ng persona ni Phang. Ito rin ang pinakadelikado sa lahat.
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasiAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...