17:Meiji's Ridiculous Theory.

1.1K 41 2
                                    


【★★★】

"Miss Pullen, ilang miligramo ng pinulbos na ugat ng Parca ang kailangang ilagay sa isang toneladang ihi ng ginintuang palakang Umi para makagawa ng excavation potion?"

Naririnig ko iyon pero hindi kumikintal sa aking isip. Nakatingin lamang ako sa labas ng aming Potion Chemistry Laboratory habang nakapangalumbaba. Klase iyon ng isa sa mga striktang guro ng academy na si Miss Gouroghbough.

"Miss Pullen." unang tawag nito. Naririnig ko iyon pero tila ayaw pumasok sa isip ko.

"Miss....Pullen." pangalawang tawag nito. Halata na sa boses nito ang pagkaiyamot. At hula ko nakakuyom na ang mga palad nito. Pero nanatili pa rin akong nakatingin sa labas.

"Miss......Puuullleeenn!" sa pangatlong tawag nito isang lumilipad na magic chalk ang mabilis na papunta sa kinauupuan ko. Alam kong tinatarget ng Miss ang mukha ko pero mabilis ko namang itong nasalo bago pa man tuluyang matamaan ang nakaupo sa aking likuran.

Napatikhim muna ang Miss saka nagsalita."Mukha yatang malalim ang iniisip mo Miss Pullen. Maaari bang ibahagi mo sa amin kung ano ang nilalaman ng iyong malikhaing pag-iisip sa mga oras na ito?" di man tuwiran pero batid kong ang pagiging makalokohan ko ang ipinahihiwatig ng sinabi nitong 'malikhaing pag-iisip. Di lang iilang beses nito akong nahuli na gumagawa ng kalokohan habang ginagampanan ang aking parusa. Pero lagi naman akong nakakalusot kapag nasasagot ko ng may katwiran ang mga tanong nito kaya naman minsan nakakaiwas ako sa dagdag parusa.

"Miss, naisip ko lang. Bakit wala pang nakakarating sa dulo ng Golden Rainbow?" palusot kong tugon. Paano kasi'y bigla na lang sumulpot sa kalangitan ang isang Golden Rainbow. Kakatapos lang kasi umulan at s'ya namang pagsikat ng pang-umagang araw.

"Ano sa palagay mo,Miss Pullen? Bakit hindi ikaw mismo ang sumagot sa iyong katanungan." may paghahamong tugon ng Miss. Ganito talaga sa klase ni Miss Goroughbough, walang specific topic ng discussion kaya kung ano-ano na lang ang pinag-uusapan about Science of Magic.
Kaya kahit ano pang weird ideas na masasabi sa klase nito, paglalaaan talaga ng oras para lang talakayin.

"Miss, sa palagay ko'y wala talagang dulo ang mga Golden Rainbow." confident kong sagot. Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko.

"At paano mo naman maipapaliwag ang sikat na sikat na aklat ni Jikken Lai tungkol sa ginawa nitong paglalakbay para hanapin ang dalawang dulo ng golden rainbow?" sabat naman ng mayabang na si Crisson Bratt. Ang kaklase kong saksakan ng yabang at mahilig sa mga fiction novel na kung minsan di na nito alam ang kaibahan sa realidad at sa pantasya lamang.

"Isa lamang iyong bluff story. Hindi totoo ang ginawa nitong paglalakbay dahil ang totoo ang mga golden rainbow ay isa talagang full circle kaya wala itong dulo." maaring isang teorya lamang ang aking naiiisip ngunit pakiramdam ko tama ako sa aking teorya. At dahil doon napataas ang kilay ng ilan sa mga kaklase ko.

Sikat na sikat kasi ngayon ang bagong aklat na isinulat ng isa sa mga sikat na manunulat sa Earthicus, si Jikken Lai. Isang self-proclaim adventurer na isinusulat ang mga sinasabi nitong ginawa n'yang paglalakbay sa mga mahihiwagang lugar sa Earthicus at maging sa Kalawakang Malkus. Kaya siguro ayaw paniwalaan ng mga nagtaas ng kilay ang sinabi ko.

"Nagpapatawa ka ba, Pullen? Magsusulat ba naman si Jikken Lai ng hindi totoo? Gusto mo bang palabasin ngayon na nagsisinungaling lang s'ya, ha, Pullen." ani ni Margaritha Boux, ang maarte at taklesang girlfriend ng mayabang na si Crisson. Tandem talaga ang dalawang ito sa pagkontra sa bawat sinasabi ko.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon