Putok na ang araw nang lumabas siya sa nagsilbing tirahan niya sa loob ng limang taon matapos pumanaw ng kanyang Tsar. Sinadya talaga niya iyon kahit na alam niyang huli na siya sa nakatakdang oras na siya rin mismo ang nagbigay. Malamang nga ay naghihintay na ang mga ito sa kanya.
Pero talagang ganoon.
Itinuturing niya ang sarili bilang importanteng nilalang sa Earthicus kaya katwiran niya marapat lang na maghintay sila sa kanya. Maging paimportante kumbaga . Isa pa hawak naman niya ang oras.
Mabagal siyang naglalakad sa kahabaan ng pasilyo ng academy na animo'y walang naghihintay ng pagsipot niya. Napatigil pa siya nang matapat sa isang malaking portrait na marangyang nakasabit sa engrandeng dingding ng academy.
Napahinto siya roon para titigan ang ipinintang larawan ng isang mala-anghel na babaeng buong katapatan niya pinaglikuran at hindi hinayaang kupasan ng ganda at kabataan sa panahong ito'y nabubuhay pa.
Nabuhay at namatay ang babae sa lingap ng kanyang pambihirang kapangyarihan na manipulahin ang oras ng buhay nito. Ngunit dahil isa pa rin itong tao na nagmula sa abo ay bumalik pa rin ito sa abo.
Wala na ang Tsar ngayon sa nakapinta nitong larawan na nagsisilbi rin nitong durungawan sa mundo ng mga buhay. Limitado lang ang oras nito kaya naman mabilis lang din niya itong nakausap kanina. Kung nabubuhay pa marahil ang Tsar ay ito na mismo ang magpapasimuno sa inaatang nitong gawain sa kanya ngunit wala na nga ito at ang tanging magagawa na lamang ay ang atasan siya na marahil ang huling atas na gagawin niya para sa Tsar.
Hindi talaga siya nagmula sa mundong ito. Isa lamang siyang salta at hindi talaga nararapat na naririto sa mundong ito. Ni hindi nga siya nabibilang dito. Pinilit lang niyang makapasok sa mundong ito sa isang dahilan—ang maghintay sa pagdating ng kanyang hinihintay.
Hindi niya kung kelan ito darating pero makiramdam niya malapit na. O marahil nakarating na ito, tadhana na lang ang hinihintay para pagtagpuin sila.
Mapait siyang napangiti at napayuko habang ang mga kamay ay simpleng nakapamulsa sa kulay maitim na pulang trouser na tinernuhan ng silk long sleeves na kulay pula rin. Sandali pa'y pumihit na siya patalikod at sinimulan na muling tahakin ang kahabaan ng pasilyo palabas ng academy.
Makaraan ang ilang minuto ng mabagal niyang paglalakad ay narating na niya ang front door ng academy at dumiretso na sa tinukoy niyang tagpuan sa kanila.
Doon, tulad ng inaasahan, nadatnan na niya ang limang kabataan. Pinuntahan niya ang mga ito isa-isa kaninang umagang-umaga matapos siyang atasan ng Tsar at sinabi sa kanila ang naging kagustuhan nito. Mukha namang tumalima ang lima na dapat lang dahil para naman ito sa kanilang kapanibangan. Kumbaga, binigyan lang sila ng pabor ng Tsar.
Kasama rin sa naghihintay sa kanya si Mademoiselle Bronquet na ginawa niyang punong pangasiwa para sa atas na iyon ng Tsar. Mukha namang nagawa ng Mademoiselle ang lahat ng sinabi niya rito. Ngunit may isa lang kulang.
“ Nasaan na siya?” tanong niya na nakangiti namang sinagot ng Mademoiselle.
“ Pinapuntahan ko na sila kaya maya-maya lang—” natigil ang Mademoiselle nang makita na niya ang bulto ng tatlong dalagang papalapit sa kanila. Excited pang itinuro nito ang tatlo.
“ O, speaking of. There they are!”Kasabay niyang napatingin sa paparating na tatlong dalaga ang limang kabataang lalaki. Napangiti siya at tatango-tangong sinusundan ng tingin ang mga papalapit na dalaga. Nagugustuhan niya ang nakikita niya partikular na ang look ng dalagang nakablack dress na pinagigitnaan ng dalawa pang dalaga.
“ They did a very good job,” papuri pa niya. Napatingin naman sa kanya ang Mademoiselle.
“ Yeah, but of course. Ginawa talaga nina Primrose at Everdeen ang very best nila base sa kung anong mga sinabi mong gawin nila. And I can say hinigitan pa nila 'yon,”
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasyAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...