32:Settle Things First.

597 28 0
                                    

" Miss Meiji, kailangan mo pa ba ng tulong?"

"Hindi na. Kaya ko na 'to," kahit paano naman siguro hindi mahahalata ni Primrose ang inis sa boses ko. Kanina pa kasi 'to nang-aalok ng tulong na obviously hindi ko naman kailangan.

Hindi n'ya ba nakita na nilagyan ko na ng mga weightless spell ang mga boxes na ina-uunload namin mula sa coaster patungo sa maalikabok na storage ng academy kaya balewala na sa akin ang bigat ng mga 'to?

Mukha yatang naparami ang nasinghot nitong forgetting smoke potion kaya pati common sense nakalimutan.

Hay, naku.


"Uy, espren," kuwit ni Everdeen. "Mukhang ang bait yata ni Miss Primrose ngayon. Especially to you. Kanina ka pa n'ya tinutulungan mula pa pagkarating natin. Bati na kayo?" susog nito.

" Bakit naman kami magbabati? Magkaaway ba kami?"


" Hindi nga. Pero siempre nagkatagisan na kayo nuon at kanina na hindi na n'ya maaalala tapos bigla ang bait-bait na n'ya sa'yo. Ginamitan mo ba yun ng taming spell o pinainom mo ng pampaamo?"

"Sa tingin mo ba pag-aaksayahan ko pang gawin yun sa kanya? Kung hindi n'ya ko gusto, wala na akong paki,"

"Eh,bakit ganun yun ngayon umasta? Parang anghel sa bait?"

"Malay ko. Baka naman oras ngayon ng labas ng kanyang second personality,"

"Grabe ka. Hindi naman siguro. Baka gusto lang talaga nung taong maging okay kayo. To settle things between you and her at saka pagkakaalam ko wala namang ganung si Miss Primrose,"


" Anong wala naman akong ganun, Miss Everdeen?"

Kita ko ang biglaang pagputla ng mukha ni Everdeen nang marinig namin ang boses ng pinagtsitsismisan namin. Nakatayo ito mismo sa likuran ni Everdeen.

" Ano kasi....Miss Primrose. Ano...,"

Sige Everdeen, simulan mo nang magpalusot.

" Uu-uhm..," nauutal si Everdeen, halatang kabado."Kasi ano...pinaguusapan namin ni Meiji na... Sabi ko wala kang masamang tinapay sa pagtulong mo. Na bukal yang pagtulong mo. D-di ba Meiji ?"


Nilingon pa ako ni Everdeen pero inunahan ko na ito ng alis.

Bahala ka dyan.

Akala ko hindi kakagatin ni Primrose ang palusot ni Everdeen pero swerte niya't nakalusot pa rin palusot niya.

Narinig ko pang tumawa ito ng mahina bago nagsalita." Siempre naman. This is all because I wanted too without any hard feelings. My intention is sincere. In fact, kung papayag si Miss Meiji, gusto ko sana s'yang makausap in private. Siguro it's time na to settle things between us,"

Wala sa loob na napatingin ako dito na sakto ring nakatingin din ito sa akin.

Ano na naman bang gusto nito?

"Ah, ganun ba, Miss Primrose. Siguro si Meiji na lang ang kausapin mo tungkol d'yan," napatingin rin si Everdeen sa gawi ko.

"Meiji," basa ko pa sa pagkibot ng labi ni Everdeen. Ang mga tingin nito'y tila nagsasabing pagbigyan ko si Primrose.

Kung maiiwasan ko pa, siguro aayaw ako. Pero siguro okay na rin 'to since makakasama ko ito the whole day para sa aming mga nakalista pang punishment task. Ang hirap din naman kung may ilangan sa aming dalawa. So bakit nga ba di ko pagbigyan?

"Ok. Just make it fast. Madami pa tayong gagawin,"

Napangiti ang dalawa sa sinabi ko.
And I walk towards them at naupo sa wooden box na malapit lang sa kanila.

Primrose started the talk. Humingi s'ya ng tawad sa inasal n'ya nung isang araw sa kwarto ko. I simply nod at di na nagsalita. May mga bagay kasi na mas gusto ko na lang makiayon kesa magsalita pa. And I guess, no need for me to talk.

Slight, nagdrama rin 'to while explaining kung bakit masyado itong paranoid losing JackGrey na halos narinig ko na rin naman mula sa jowa nitong prinsipe.

Tumango lang din ako sa sinabing nitong how sorry she was nang malaman nitong hindi naman pala ako the other woman ng madrama din nitong jowa.

Sinabi rin nito ang naging pag-uusap nila ni JG noong sandaling nagkasama sila sa pamamalengke sa Ling Ping. Nalaman rin pala nito ang naging pag-uusap namin ni JG sa winter room at kung paano ko tinanggihan ang alok na kasal-sakalan ng prinsipeng hubadero. And she thank me for that.

Hinawakan pa n'ya ang pareho ang kamay ko just to show how grateful she was. Nakokornihan ako sa totoo lang pero hinayaan ko na lang matapos lang.

I let her do the talking. I just simply nod and never did spoke a little.

Ano naman kasing sasabihin ko?

"So, pwede na tayong maging friends?"

Ewan ko kung puppy eyes na bang masasabi ang ginawa n'yang pagstare. Pero kasi kitang-kita ko ang kinang sa mga mata n'ya na nakikita ko rin sa alagang hound ni Uncle Brahm sa tuwing nanghihingi ito ng malaking tipak ng karne. Or maybe I should say na sincere lang talaga ito.

"Sure," ang tugon kong pilit ring ngumiti.

Bakit hindi?

"Thank you so much. Really, I am," sabi nito.

Ang akala ko namang simpleng handshake lang ay nauwi sa mahigpit nitong pagyakap sa akin. Nakuha pa nitong isama si Everdeen. Nagmistula tuloy group hug 'yon.

" Sana maging best of friends tayo," hindi talaga mawala-wala ang pagkakangiti ni Primrose sa sinabi n'ya. Pilit man ngumiti na rin ako.

Aminado akong hindi ako komportable being close with Primrose pero I'm hoping na mawawala rin 'to for the sake of world peace.

Letting someone to be close to me outside my comfort zone is a no-no but I guess I'll try with this Primrose.

"Anong ginagawa n' yo?" sabay-sabay kaming tatlong napatingin sa nagsalitang gourmet gome na mukhang kanina pa yata kami pinapanood. Blangkong nakatingin ito sa aming tatlo." Ipinapatawag na kayo ng Headchef sa kusina,"

Pagkatalikod ng gome, sumunod na rin ako pero di pa man ako nakakahakbang, naramdaman ko na lang na may humawak sa kanang kamay ko. Si Primrose.

"Let's go," nakangiti pa ring sabi nito. Maging ang kamay ni Everdeen hawak din nito. Hawak ako ni Primrose sa kanan, sa kaliwa naman si Everdeen.

Pasimpleng nagkatinginan kami ni Everdeen at pasimpleng itinaas nito ang balikat with sakyan-na-lang-natin look.

Kaya lumabas kami sa storage room at pumasok kami sa kusina na naka holding hands side to side with this white-haired girl. Ang bagong taong hahayaan kong pumasok sa adventurous kong buhay.


Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon