29:Rumble At The Bar.

692 37 1
                                        

〖☆☆☆〗

Maingay. Magulo. Mausok.

May mga nagkakantahan, nag-iinuman, nagsusugal, nagtatawanan at may mga nagkakainitan na madalas nauuwi sa rambulan.

Tipikal na eksena ika nga.

Mga tipikal na eksenang kinasasangkutan ng mga grupo ng mga hoodlum, mga mercenary, mga notorious na gang at ilan pang nilalang na may iba't ibang pakay sa Aces and Axes.

Maliit lang kung titignan sa labas ang Aces and Axes ngunit nakakapagtakang kaya nitong i-accomodate ang halos anim na raang katao.

Gawa sa bato ang gusali at masasabing may kalumaan na rin ito.

Mababakas sa mga mesa nito ang ilang insidente ng karahasan dulot ng di mabilang na rambol sa lugar. Gayunpaman lagi naman itong puno lalo na pagsapit ng kalaliman ng gabi na umaabot hanggang sa magbukang-liwayway.

Ito rin ang lugar kung saan pwede kang magbenta at bumili ng mga rare items o kahit ng mga kontrabandong ipinagbabawal bilhin o ipagbili. Black market sa madaling salita.

Pero walang balak na bumili o magbenta ang bagong dating na grupo na kinabibilangan ng apat na katao.


May nais lang silang kunin pabalik.

Tila naman isang eksena sa pelikula ang ginawa nilang pag-entra.

Nauuna ang tatlong lalaki na pawang may takip na itim na bandana sa kanilang mga mukha. Habang nahuhuli naman ang tanging babae at umaaktong lider ng grupo.

Tulad ng tatlo nakabandana rin ang babae ngunit ang kanya'y nakasabit lang sa leeg nito at nakasuot ng isang itim na cowboy's hat.

Ang pinakamataas sa tatlong lalaki na may mapusyaw na tsokolateng balat ay may tangang kung anong mahabang sandatang nababalutan ng tela habang ang dalawa naman ay malilikot ang mga mata. Sinusuyod ng tingin ang kalawakan ng pinasukan nilang saloon. Maging ang pangalawang palapag ng gusali ay hindi rin nila pinalagpas.

Diret-diretsong naglakad si Meiji sa pinakacounter ng saloon habang ang tatlong prinsipe naman ay nakamasid sa piligid at nakikiramdam alinsunod na rin sa utos ng dalaga.

Kasalukuyan noong pinupunasan ng bartender ang isang glasswine nang lumapit si Meiji.

Walang imik. Isang tango lang mula sa bartender at inilabas ni Meiji ang isang kulay rosas na gemstone.

Ito ang rose quartz na niwield ni Kosuke mula sa ibinato ni Meiji kanina.

Ngunit hindi na ito ngayon isang bato ng rose quartz.

Malapad na ito ngayon na tila isang disc at may kung anong nakaukit sa magkabilang bahagi ng rose quartz.

Isang crest symbol ang nakaemboss rito. Simbolo ng isang guild ng mga hunter, ang Witcher Guild.

Nang masuri ng bartender ang hunter's dime,agad itong nagsalin ng all-season's black vodka sa isang maliit na baso na mayroong isang malaking tipak ng rock ice.

Hindi interesado si Meiji sa inuming nakakalasing na iyon mas higit siyang interesado sa papel na pinagpapatungan ng nakakalasing na inumin.

Isang makahulugang tingin ang pinukol ng bartender sa kanya saka ito tumalikod.

Mula roon hinawakan ni Meiji ang baso at pinaikot-ikot sa buong papel ng hindi iniaangat ang baso. Kasabay ng pagkatunaw ng rock ice ay unti-unting may lumalabas na imahe mula sa papel na nasa ilalim ng baso. Bawat matapatan ng baso nandun ang magkakarugtong na imahe na lihim na nakaguhit sa papel at ilang impormasyon tungkol sa nakaguhit.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon