〖☆☆☆〗
"Hay!" halos mapunit na ang bibig ni Meiji sa pagkakahikab nito .Naririto pa rin sila sa opisina ni Miss Minchan. Bukod pala sa naganap na interrogation kanina may iba pa palang agenda ang midnight call ni Miss Minchan. At mukhang matatagalan pa sila rito.
"Mukhang di na tayo kailangan dito. Everdeen tara na." yakag pa nito kay Everdeen.
Ngunit kakatalikod pa lamang niya ng muli siyang tawagin ni Miss Minchan.
"Sandali lang, Miss Pullen, manatili ka muna. Maging ikaw Miss Posiatti. May hinihintay lang tayo." saad ni Miss Minchan ng may makahulugang ngisi at hindi iyon nagustuhan ni Meiji.
Mukhang may magaganap na hindi niya magugustuhan. Sabagay wala namang bagay ang nagustuhan niya sa tuwing lumalabas siya ng Disciplinary Office ni Miss Minchan.
"Miss Warmheart, makakapaghintay ka pa ba ng kaunting sandali? Dahil ang magiging parusa mo ay may kaugnayan rin sa iba pang ipapataw na parusa." baling ni Miss Minchan kay Primrose na tinanguan lamang ng dalaga. Makahulugan ang sinabi ng Miss at mukhang di lang siya ang mapaparusahan.
"Ngayon, isa-isahin nating talakayin ang mga ginawa ninyong katabilan dahilan kung bakit kayo nandirito ngayon. Simulan na natin, Madamemoiselle Bronquet?"
Bahagyang tumango si Mdm. Bronquet saka ito tumayo sa gitna paharap kay Miss Minchan at nagskirt courtesy. Maya-maya pa humarap na ito sa mga prinsipe saka nagsalita."Hindi ko nagustuhan ang ginawa ninyo noong isang araw. Kabastusang maituturing ang bigla na lang na umalis ng walang paalam habang kinakausap pa kayo ng mas nakakatanda sa inyo. Maging ang ginawa mo Miss Posiatti." bumaling naman ito kay Everdeen."Tama bang tumakbong parang isang lalaki sa kahabaan ng pasilyo?" napayuko naman si Everdeen sa tinuran ng Mdm. "At ikaw naman Miss Pullen." si Meiji naman ang tinignan nito. Umiling na lamang ito sa halip na ituloy pa ang nais sabihin patungkol sa ginawa ni Meiji noong nakaraan. Waring sanay na ito kay Meiji.
"Mga prinsipe ng limang imperyo, Miss Posiatti may masasabi ba kayo sa sinabi ng Madamemoiselle?" tanong ni Minchan.
"Wala po, Miss." halos sabay-sabay namang sagot ng mga prinsipe at ni Everdeen.
"Kung ganon, tinatanggap n'yo ba ang magiging parusa ninyo sa ginawa ninyo noong nakaraan ng walang pasubali?" tanong muli ni Miss Minchan tila naniniguradong walang aanggal sa sasabihin niyang parusa mamaya.
Isa-isa namang nagsalita ang mga prinsipe.
" Tinatanggap po."
"Tinatanggap ko po ng buong puso."
"Me too."
"Ako din po."
"Yeah. Count me in."
Sunod-sunod na sabi ng mga prinsipe kahit wala silang kaide-idea kung anong parusa ang maaaring ipataw sa kanila.
"Pasensya na po sa ginawa ko Madamemoiselle Bronquet. Tinatanggap ko po ang anumang magiging parusa, Miss Minchan." huling nagsalita si Everdeen. Nakuha pa nitong humingi ng dispensa sa Madam. Nginitian lamang ito ni Madamemoiselle Bronquet.
"Bahala na si Miss Minchan sa magiging parusa ninyo. Hinihiling ko lang sanang 'wag n'yo ng gagawing muli iyon, maliwanag ba?" nakatinging wika ni Madamemoiselle Bronquet sa mga prinsipe. Sabay-sabay namang yumukod ang mga ito at sabay-sabay ring nagsalita."Makakaasa po kayo, Madamemoiselle."
Tumango naman ang Madame. Si Meiji naman ang binalingan nito."Miss Pullen, pagod na akong parusahan ka pa. Hindi na mabilang ang ginawa mong pagsuway kaya naman hindi na kita papatawan ng anumang parusa ngunit.... Nalaman kong binabasa mo daw ngayon ang limang aklat ng Royal Book Of Etiquette mula sa limang imperyo. Kaya nais kong isailalim ka sa isang pagsasanay para lubusan mong maisagawi ang mga nilalaman niyon. Bibigyan kita ng isang espesyal na klase at ako mismo ang magiging tagapagturo mo. Ano sa tingin mo..hmmm. Hindi ba't nakapageneroso ko?"
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasyAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...