(entry3: 3322-41822)
Matapos ang tagpong iyon sa pagitan ni Meiji at Prince Pierre, ipinagpatuloy ng dalawa ang kanilang naudlot na pagbabasa. Ngunit kaiba noong mga unang oras ng kanilang 'date', ngayon nagpapalitan na sila ng mga diskusyon at kuro-kuro tungkol sa iba't ibang bagay at isyu. Tila ba nakahanap sila ng kadebatehan sa isa't isa. Nagpatuloy 'yon hanggang sa mabilis na lumipas ang mga sandali at natapos na ang oras ng kanilang 'date'. Kusa ng bumukas ang pintuan ng personal na silid-aklatan ni Prince Pierre indikasyon na wala na ang time barrier na lumulukob sa sillid.
Tumayo na si Meiji at kumumpas. Sa pagkumpas niyang iyon ay kusa ng lumutang at nagsibalikan ang mga librong kanyang hinakot mula sa aklatan ni Pierre. Matapos iyon ay pumihit na siya paharap kay Prince Pierre.
" Salamat sa paunlak sa araw na ito. Nag-enjoy ako sa pagbabasa at pakikipagkwentuhan sa'yo, Prince Pierre," saad ni Meiji. Nagawa pa niyang magcurtsy gaya ng tagubilin ni Mademoiselle Bronquet kapag magpapasalamat umano sa sinumang royalty. Ngunit para kay Pierre isa lamang iyon sa mga pasarkastikong gawi ni Meiji. Gayunpaman, sinakyan pa rin niya ang trip ng dalaga.
" Sa akin ang karangalan, Miss Meiji," tugon ni Pierre. Yumukod din ang binata at pagtunghay niya ang nakangising mukha ni Meiji ang nasumpungan niya.
Pumihit na si Meiji para lisanin na ang silid-aklatan ni Pierre. Hindi na niya pinagkaabalahan pang isuot ang sapatos ni Primrose. Aniya, sapat na ang makapal na medyas na suot tutal carpeted din naman ang silid. Binitbit na lang niya ang sapatos at wala nang lingunang lumabas sa silid.
At sa paglisang iyon ni Meiji sa silid-aklatan ni Pierre, alam na nilang dalawa kung hanggang saan lamang ang kanilang magiging ugnayan sa isa't isa at hindi na iyon hihigit pa roon. Sapagkat ang Red String of Fate na rin mismo ang nag-interpret sa talagang nararamdaman nilang dalawa sa isa't isa. Lalo na sa nararamdaman ni Prince Pierre ngayon.
Tulad ng inaasahan, nakaabang na si Primrose sa labas ng silid-aklatan para salubungin si Meiji. At tulad ng makalabas si Meiji sa Illusion Arena, lalapatan na sana muli ni Primrose si Meiji ng restraining spell pero nauna na ng sabihin ni Meiji na hindi na iyon kailangan sapagkat aniya magkukusa na siyang pumunta sa lugar na napili ng susunod na prinsipe. Nagtiwala naman si Primrose dahil mukhang sinsero naman si Meiji sa sinabi nito. Hindi naman nagkamali si Primrose, hindi nga nagtangka si Meiji na tumakas. Madali na lang din silang nakarating sa venue na napili ng susunod na prinsipeng makakadate ni Meiji.
Nakarating sila sa ruin ng isang sinaunang doric temple na nasa vicinity pa rin ng Academy. Si Meiji lamang ang pumasok kung saan naman naghihintay sa kanya ang prinsipeng pumili sa lugar—si Nab'bu.
Nang makaalis na si Primrose ay saka naman awtomatikong nag-activate ang time barrier na inilagay sa lugar. Inaasahan na naman iyon ni Meiji ngunit hindi ang pagbabago na namang muli ng kanyang kasuotan.
Dagli siyang napatakip sa kanyang katawan habang nanlalaki ang mga mata at nakaawang ng malaki ang bibig. Paano kasi'y nasuot sa kanya ang tingin niya'y obscene na kasuotan na labis niyang kinaaayawan. Iyon 'yun red jumpsuit na sobrang hakab na hakab sa katawan sa puntong tila ba sinasadyang pabakatin ang hindi naman dapat. Hindi sanay si Meiji sa mga ganoong kasuotan dahil sa pakiramdam niya'y hubad siya kapag suot iyon.
Aligaga na si Meiji sa pagtakip sa katawan lalo pa nang humarap na sa kanya si Na'bbu na kanina'y nakatalikod pa habang inaayos ang puting telang ipinupulupot nito sa kamao. Natigilan naman si Nab'bu at di napigilang mapatitig sa dalaga ngunit sandali lang ay napahagalpak ito ng tawa.
“ Anong nakain mo at ganyan ang suot mo, Miss Meiji?” tawang-tawang sabi ni Nab'bu.“ Para kang dinamitang suman,” dugtong pa nito.
Kahit asiwa sa tingin at tawa ni Nab'bu, nakuha pa rin ni Meiji na tignan ng masama ang binata.“ Tingin mo ginusto ko 'tong suot ko ngayon, ha?!" mataray na singhal ni Meiji. “ Nagkusa na nga akong nagpunta dito tapos magiging ganito lang pala ang suot ko? Dapat pala tumakas na lang ako. Pambihira. Kasalanan to ni Primrose eh," bulong pa niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasiAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...
