Pigil ang hiningang sumandal ako sa isang malaking puno at pilit na isinisiksik ang katawan ko sa torso nito. Bahagya kong pang ipinilig ang aking ulo para sana sumilip ngunit nang makita ko ang isang azeban na nasa gilid lang pala ng aking pinagtataguan, agad ko uling isinandal ang ulo ko sa puno.
Kasunod nun, nakarinig ako ng mga kaluskos at angil at pagkaraan pa'y nakarinig naman ako ng mga yabag na tila palayo na sa pinagtataguan ko. Agad akong sumilip at ng makita kong wala na ang azebang humahabol sa akin saka pa lang ako umalis sa pagkakasandal.
Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko ngunit nakuha ko pang tumawa. Pinagpagan ko muna ang damit ko saka nagpatuloy sa paglalakad na para bang walang nangyari.
Isang pabilog na bagay ang kinapa saka kinuha ko mula sa aking dimensional sling bag. Isa itong tracking device na kayang i-track kung anong klase ng hayop o beast ang nasa malapit at i-project ang images nito holographically. Pinahiram ito sa akin William at totoo nga ang sinabi nitong malaki ang maitutulong nito. Pre-downloaded na ito ng mga known endemic species sa Old Dragon in detailed information kaya naging madali na para sa akin na malaman kung anong klase ng hayop o beast ang nasa malapit.
Binuksan ko ang takip nito, may pinindot sa gilid nito saka tumambad ang nakaholographics images ng isang mabalahibong hayop na kawangis ng isang raccoon. Nga lang may malalaki itong kamay at may paikot na buntot na kagaya naman ng sa unggoy. Malalaki rin ang tainga nito. Maliit lang ito na may color pattern ng gold, black and brown fur. Pinindot ko ang images at mula roon lumabas naman ang ilang information tungkol sa azeban. Nakalagay rin dito kung ilang metro na ang layo nito sa akin.
"Terra-typed. Aggressive and Compulsive. Abilities and Skills, Paw Punch and Blade Tail. Hmm...not bad,"
Hindi naman sa hindi ako interesado. Ang totoo nga n'yan nacucutetan ako kaya nga lumapit ako dito kanina . I'm hoping for some singh between us pero walang nangyari. Ang nangyari lang, matapos kong titigan ito mata sa mata, bigla na lang ito nangalmot. Buti na nga lang nakaiwas agad ako kung hindi baka nasugatan pa ang mukha ko. Pagkatapos, ayun na hinabol na ako nito.
Agresibo nga ito at compulsive. Kaya ayoko sa kanya.
I'm not playing around kaya ko ito ginagawa. Dapat nga ay nagmamabilis na ako para makarating sa lugar ng dragon sighting pero naisip ko lang.
What if kung walang singh na maganap kapag nakaharap ko na ang isang dragon? Eh di nasayang lang ang pagpunta ko doon.
So I made a plan. An advance back up plan. Advance dahil back up lang ko lang ito before sa talagang goal ko. Magulo.
Back up plan before sa totoong goal? Ang labo. Tsk.
Ginawa ko ito para magkaroon naman ako ng mapagpipilian.
Ang siste, itatry kong makipagsingh sa bawat beast or creatures na makakasalubong ko. At kung meron man isa sa kanila ang magkaroon ng magical connection with me, that's it, siya na ang companion ko at hindi na ako tutuloy sa dragong sightings. Pero kung wala naman saka pa lang ako tutuloy doon.
Clever idea, eh?
Makakatipid ako ng energy if ever.
But the problem is, kinakapitan pa rin yata ako ng malas.
Hindi azeban ang una kong nakalubong. In fact panglima na siya.
Unang nakasalubong ko ay isang rock (hive) ng mga Pooka. Mga fairies na naninirahan sa mga ancient stones. Obviously, they can weild stones. Shapeshifters din sila. Malalakas sila kahit na three centimetres lang ang taas nila but they come in great number kaya sulit na sulit sana silang maging companion. Pero hanggang sana lang ako. Sinuhulan ko sila ng isang dakot ng sweet peas pero pagkuha ng mga 'yon, nideadma na nila ako.
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasyAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...