33:Force Feeding.

647 32 1
                                    

Sa umpisa akala ko walang magiging problema.

Sabi kasi ni Everdeen na kahit na mga royalty ang mga kasama namin, kayang-kaya daw ng mga 'to ang mga gawain.

Well ang ending isa lang pala yung napakalaking joke.

"Ayusin mo ang ginawang kapalpakan ng prinsipeng iyon dito, Meiji. Kung hindi, makakarating 'to kay Miss Minchan,"

"Opo, Headchef, ako na pong bahala dito. Pasensya na,"

Since kinuha ko na ang responsibilidad sa mga royalty na kasama ko, lahat ng galit ni HeadChef Grimson ako ang sumalo. Wala akong choice kundi magpakumbaba kung hindi patay na naman ako kay Miss Minchan panigurado.

I had been screwed. Totally screwed.

Maiiyak na yata ako sa mga kapalpakang ginawa ng mga kasama kong royalty sa loob ng kusina.
Masakit sila sa ulo.

Una si Primrose.

Pinayagan na nga siyang gumamit ng handless motion spell sa pagtatalop ng patatas pero hindi pa rin niya nagawang magtalop ng maayos. Halos kasi said hanggang laman ang mga patatas na tinalupan nito. Okay lang sana kung iilang patatas lang ngunit buong patatas na gagamitin sana sa ilang dishes ang tinalupan nito ng halos wala ng laman. Kaya naman halos wala ring nailuto sa mga patatas. Saklap ng lyf!

Sunod si Kosuke kasama ng kappa. Maalam naman itong gumawa ng mga mile-long noodles kaya lang sa takaw ni Kipper sa mga long food, wala na ring natira sa ginawa n'yang noodles. Galit na galit tuloy ang ramen master. Ayun pinaggawa na lang sila ng mga round dumplings. Buti na nga lang pabilog ang mga round dumplings kung hindi inupakan na ni Kipper ang mga iyon. Mauupakan ko na rin ang Kipper na iyon kung nagkataon.

Uminit naman ang ulo ko kay JackGrey. Imbes kasi na palamigin lang nito into edible level of hardness ang mga fruit jelly, ginawa niyang hard as rock ang mga jelly to the point na hindi na ito kayang nguyain. Sakto sana para sa ability niya bilang yce wizard pero hindi naman marunong sumunod sa instructions. Hay, life!

Eto pa.

Noong una okay sina Pierre at Cainne. Humanga pa nga ako sa kanila dahil sila pa ang nagprisinta maghugas ng mga glassware na gagamitin sana para sa food plating. Smooth and easy naman nila 'tong ginawa. Hindi ko nga akalain na marunong pala ang mga' tong maghugas ng pinggan. But ng makita nito ang flying ipis na si Coach Roach na isang master food taster flying somewhere, aksidente nilang natabig ang pile ng mga glassware na hinugasan nila! It's a dooms day dahil lahat yun nabasag! Gosh! Ngayon lang ba sila nakakita ng ipis na flying feeling like a butterfly!?!

Wala naman akong maasahan kay Everdeen pagdating sa pagluluto. Marunong naman itong magprito kaya lang hanggang itlog nga lang, minsan sunog pa. Natoka siya sa paghihiwa ng sibuyas at bawang pero hindi rin nakatagal dahil sa dinaig pa nito ang reining drama queen sa walang patid nitong pag-iyak. Nakakaloka! Nasobrahan yata ang pagkasensitive ng tear glands nito sa sibuyas. Tumigil na siya sa paghihiwa, wala pa rin itong patid sa pag-iyak. Ano!?! Parang forever crying na ba yan?!?

Pero ang pinakaworst, pinakanakakainis at pinakanakakagigil sa lahat, ang kapalpakang ginawa ni Na'bbu. Simula pa lang ng punishment task sa kusina puro na 'to reklamo. Kaya ang pinakadaling gawain ang itinoka dito - ang maghalo ng soup. Maghahalo na lang ha, yung bang iikot mo lang yung sandok sa kawa ng sopas magically, take note magically ha, papalpak pa. Meaning nilagyan na ng handless gesture spell yung sandok then prente ng nakaupo lang s'ya tapos hindi ko alam kung paanong sa ganun kadaling trabaho, matatapon lang ng ganun kadali ang hinahali nito! Tapos nung pinagalitan s'ya ng sous chef, inangilan din n'ya! Then nagkaroon ng komosyon. Namagitan na ang Heafchef pero itong walang hiyang si Na'bbu nagmalaki pa. Nilait pa nito ang mga dishes na niluluto ng mga gourmet gome. Kesyo daw walang class, di raw masasarap at nakuha pa nitong i-compare sa mga luto ng empire nila, na wala daw binatbat ang luto ng mga ito sa kanila which is in fact in my opinion ang mga luto ng empire nila ay wala man lang sa kalingkingan sa mga luto ng mga gourmet gome. I should know because puro grilling and roasting lang naman ang alam ng mga nasa dessert empire. Nakakagigil lang talaga! Ugh!

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon