7:The Wise.

1.4K 54 3
                                    

【★★★】

Pagsapit sa dulong pasilyo, lumiko kami pakanan, mula roon nadaanan namin ang Chamber of Potion. Dito nakatago ang lahat ng ginawang potion even from the ancient times. Maigsi lang ang pasilyong 'yon ,ilang segundo lang sumapit na kami sa isa pang palikong pasilyo kung saan naroroon ang isang paikot na hagdan patungo sa opisina ng Headmistress.

Huminto kami sa hagdanang iyon. Mabilis na bumaba si Everdeen sa broomster at nagsimula ng pumanhik si Everdeen ngunit natigilan ito ng may kung anong lumalangit-ngit sa itaas ng hagdanan.

"Meiji?" lingon nito sa akin habang ako'y abalang isinusuksok ang nagbalik anyong metal stick sa aking buhok." Gising ang Snake Ladder." Natigilan ito sa akmang pagbaba ng biglang gumalaw ang hagdanan.

Patay na! Hindi kami basta-basta makakaakyat sa hagdanang ito. Mano'y kasing isang buhay na hagdan iyon. At sa puntong ito'y gising, nahihirapan ang sinumang umaakyat dito na makarating sa paroroonan dahil sa kung saan-saang palapag napupunta ang dulong bahagi nito.

Mabilis namang tumalon si Everdeen sa hagdan na sa ngayo'y nagsisimula ng maging parang slide ang bawat baitang nito.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Everdeen pagkababa nito."Sampung minuto na lang ang natitira."

Sa puntong iyon sandali akong nag-isip. Ngunit wala pang sampung segundo agad akong lumapit sa dingding katabi lang ng hagdang iyon. Sumunod naman si Everdeen. Tinignan lang ako nito.

Tatlong katok ang ginawa ko sa dingding. Naghintay pa ako ng ilang segundo ngunit di nangyari ang inaasahan ko. Nag-init ang ulo ko kaya naman pagkaraan pa'y sinipa ko na iyon ng malakas.

Mula sa dingding may tinig kaming narinig na tila nasaktan. Isang liwanag ang ngayo'y pakwadradong gumuguhit sa dingding. Nang sumapit iyon sa dulong ibaba ng dingding, nagkaroon roon ng isang malaking double door na walang seradura. Mukha itong isang elevator. Mula roon, isang nakabigoteng mukha ang biglang lumitaw sa malaking elevator.

Nang makita ako nito, agad nitong pinaikot ang mata saka nakalabing nagsalita." Ano na naman ang iyong kailangan Miss Pullen?" pinahalata pa nito ang inis sa kanyang mga tinig.

" Pinapatawag kami ng Headmistress kaya kailangan naming pumunta sa dulong palapag." walang kakurap-kurap kong sabi.

"Ilang beses ko bang kailangang sabihing ang silid na ito'y ekslusibo lamang para sa mga guro at mga matataas na taong inimbitahan ng Headmistress kaya ang mga estudyanteng tulad ninyo ay hindi pinapayagang ako'y gamitin. Naririyan lamang Snake Ladder iyon lang ang maaaring gamitin ng mga estudyante." may pagmamarunong nitong tugon.

"Ngunit Mr. Ferguson, gising sa ngayon ang Snake Ladder. Mahihirapan kaming pumanhik sa dulong palapag kapag iyon ang aming gagamitin." nagmamakaawang sabi ni Everdeen.

"Oo, batid ko nga iyon, Miss Posiatti ngunit wala akong pakialam dahil 'yan ay di na saklaw na aking concern. Abala ako kaya paalam na." yun lang at bigla na lang nawala ang mukha ni Mr. Ferguson sa pinto ng elevator. Nawala rin ang kanina'y naroong pinto.

"Lapastangan." mainit ang ulong pagkaraa'y sabi ko. Muli ko iyong
kinatok, hindi lang tatlong beses ngunit para ko rin na iyong tinatambol sa dami ng katok na ginawa ko." Hoy! Bigotilyong pinto!" paunang tawag ko dito." kapag di mo ito ibuksan imumungkahi ko sa Headmistress na ilipat ka sa pinakailalim na bahagi ng kastilyo kung saan di ka na masisikatan ng araw!" dalawang kamay ko na ang bumabayo ng katok sa dingding.

Mischievous WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon