【★★★】
MeijiWala nang estudyanteng pakalat-kalat nang simulan na naming bagtasin ni Everdeen ang napakahabang pasilyo ng Academy patungo sa opisina ng Headmistress. Malamang siguro nag-uumpisa na ang klase ng mga estudyante sa kanyang-kanyang silid.
Kanina, matapos kong muling kumuha ng crystalline lollipop sa clinic ng sadistang nurse, agad kong ibinigay iyon kay Everdeen. Nuong una nga lang ay ayaw pang tanggapin ni Everdeen ngunit nang makita kung paano ko lasapin ang tamis ng subo kong lollipop, na sinasadya ko namanng ipakita, walang atubili nitong kinuhabsa akin ang lollipop, tinanggal ang balat at sabay dila sa kulay pink na lollipop.Nagkatinginan naman kaming dalawa at sabay tumawa ng malakas. Nagpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa naghihintay naming parusa.
“ Sa tingin mo, ano na namang parusa ang naghihintay sa atin sa silid ni Ms. Adamwood?” tanong ni Everdeen sa akin habang dinidilaan pa rin ang kanyang lollipop. Limang minuto lang naman ang lalakarin at nasa opisina na kami ng Headmistress.
" Malay ko, baka pagbunutin ulit tayo ng mga lumalabang damo sa sand garden. O kaya naman mag alis ng mga agiw sa web chamber." ang tugon ko.
Natawa naman ako sa sinabi ko. Naalala ko kasi nang minsang nag-alis din kami ng mga agiw sa web chamber.
Biruin mo mag-aalis ka ng agiw sa kulungan ng higanteng gagamba. Ni hindi ko nga magawang makita ang pagkakaiba ng agiw sa sapot ng higanteng gagamba. Funny, ang naisip ko.
Wala namang kareak-reaksyon si Everdeen na nanatili lang nakatingin sa kanyang harapan habang nilalaro ang lollipop. Mahirap talaga itong patawanin lalo na kapag seryoso.
“ Hays! Ok na sa aking mag-alis ng agiw sa chamber ni Sweet,” tukoy nito sa higanteng gagamba.“...kesa naman makipaglaban sa mga sand sprout na 'yon. Maisip ko pa lang ang mga matitilos nilang damo sa binti ko, nangingilabot na ako,” umakto pa itong tila nandidiri.“ Luh, ang saya kaya nun. Lalo na kapag nakikita mo silang nagsisilayasan kapag nabubunot na sila sa sand garden. Mga mukhang naluging ang mga itsura. Hahaha...,” saad ko sabay tawa ng malakas.“ Tapos akala mo mga tunay na Plantallion knight kung makipaglaban. Wagas! Buwis buhay!”
Taka naman akong tinignan ni Everdeen mula sa pagkakatanggal ng kanyang lollipop. “ Di ba ikaw na rin ang nagsabing offspring sila ng mga Plantallion Knights?”
“ May sinabi ba akong ganun?” pagsisinungaling ko. Lihim naman akong natawa sa itsura ni Everdeen. Ang kunot kasi nitong noo ay lalo pang kumunot.“ Wala akong matandaan,” dagdag ko pa.
“Meron,” pilit pa rin nito.
“Wala,”
“ Meron nga.”
“ Wala nga.”
“ Basta meron.”
“ Wala. Basta.”
“ Meron!” nakasigaw na nitong sabi.
“Wala,” mahinahon ko namang tugon pero natatawa sa galit nang reaksyon ni Everdeen. Ang saya talagang asarin nito.
“Basta meron. Final na 'yon. Meron talaga,” waring sigurado na ito sa mga pahayag nito na ang totoo naman wala naman talaga.
"Wala kaya." hinintay ko pa ang sasabihin nito pero nakalabi lang ito. Di na naman maipinta ang pagmumukha nito halatang asar na.
" Wala naman akong sinabi na offspring sila, sabi ko lang mga grandsprout lang sila. Mga inapo kumbaga. Yun talaga ang sinabi ko. Baka nabingi ka lang nung narinig mo yun. Di baga tinanong pa nga kita kung ano ang tawag sa 'Anak ng anak? Di ba sabi mo MAHILIG? Ha ha ha... eh APO naman ang sagot. Masyado kang green minded eh. Ha ha ha.." saka ako tumawa ng tumawa.
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasyAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...