Mahaba ang araw na iyon para kay Meiji. Mahirap. Oo. Pero kamangha-mangha kung paano siya tulungan ng mga kasamang royalty at ni Everdeen kaya hindi na niya alintana ang dami at hirap ng kanilang punishment task.
Pero paminsan-minsan sumasablay pa rin ang mga kasama niya. Hindi siguro iyon maalis dahil hindi naman sanay ang mga kasama niyang royalty sa hirap ng mga gawain. Tulad na lang ng paglalaba bagaman pinapayagan naman silang gumamit ng mahika. Naisama ni Pierre ang may kulay na damit sa mga puti kaya nagkalanitan. Buti na lang at hindi ganun kadaming damit ang nakahawaan kung hindi patay sila sa namamahala ng laundry department ng academy.
Kung may sablay, meron din namang very good.
Kasama sa punishment task nila ang pagbubunot sa mga sand sprout na illegal na tumutubo sa sand garden ng academy. At sobrang kapal na ng mga illegal settlers sa garden. Pero sa tulong ng unbelievable ability ni Na'bbu bilang isang dessertus wizard, walang kahirap-hirap nitong nabunot ang mga lumalabang sand sprout sa kalawakan ng sand garden. Part ng ability nito ang makontrol ang buhangin na s'ya namang pinagtataniman ng mga sand sprout. Kaya ang outcome napadali ang trabaho.
Hinati-hati rin nila ang ibang punishment task. Ni-categorize nila ang mga 'yon depende sa easiness or hardness ng task. Hinati nila ang grupo into set na magkakatulad ang element at pinaghati-hatian ang mga task according to what their element's abilities.
Kung ang punishment task ay may element ng water, sina JackGrey at Primrose ang magkasama tulad ng pagdidilig and the like. Kung earth element naman sina Na'bbu, Kosuke, Kipper at Meiji naman ang magkakasama. Wind element naman kina Pierre, Everdeen at Cainne. Kasama naman ni Meiji si Cainne sa paggamit ng fire element sa pagkontrol sa flow ng lava sa lava pond ng academy. Sa pond nanggaling ang mga magma stone na ginagamit sa ilang potion experiment ng mga estudyante ng academy.
Nagsasama-sama lang silang lahat kung kailangan ng mas malaking work force ang isang punishment task. Tulad na lang ng pagpapaligo sa higanteng si Gux, isang gorilla-bear. Sa laki nito, kinakailangang sampung katao ang tulong-tulong na magpaligo sa rare beast na 'to. Mahirap din itong paliguan lalo na at kakagaling lang nito sa hybernation. Kadalasan may tantrums pa ito kapag bagong gising. But since they act like a real team, nairaos din nila ang pagpapaligo kay Big Gux Gorilla.
Walang mahirap na task kung may pagtutulungan. Pero paano kung abot yun ng limang-daan?
Hindi karaniwan ang ikot ng araw sa Earthicus. Matagal iyon. Pero mukhang kukulangin pa rin ang oras para kina Meiji.
"Matatapos kaya natin lahat ang task bago maggabi?" si JackGrey.
Nasa dining table ulit sila ng mga gourmet gome at naglulunch. Dahil na rin sa kapalpakan nila kanina sa paghahanda at pagluluto, hindi na sila pinatulong ng mga gourmet gome. Pinagsilbi na lang sila sa Grand Mess Hall. Kasama sila sa pagdadala ng mga dishes sa mga estudyante. At tulad ng inaasahan, napuno ng tilian ang Hall dahil sa mga babaeng estudyante na galak na galak pagkakita sa mga prinsipe dala-dala ang mga putaheng para sa pananghalian. Tila ba natupad ang mga pangarap nito na maranasang pagsilbihan sila ng mga prinsipe.
Bahagya pang naiingit si Everdeen sa nasaksihan sa Hall. Kung wala lang sana siya sa naparusahan, malamang kabilang rin siya sa mga babaeng natili ngayon at natupad sana ang isa sa mga pangarap niya.
"Basta ituloy lang natin ang teamwork ng team, matatapos din natin 'to," positibong tugon ni Na'bbu. Nakakagulat para kay Meiji ang pagiging positibo ng dati ng pessimistic na si Na' bbu pero natutuwa naman ang dalaga dahil hindi na ito nakontra.
"Tama si Prince Na'bbu. Mahaba pa naman ang araw. Trust lang," pasecond the motion na tugon ni Primrose.
"Basta ba walang papalpak," mukhang nalipat naman kay Meiji ang negative vibes."Out of 500, two hundred eighty-seven task pa lang nagagawa natin. May two hundred thirteen task pang natitira. At ewan ko kung matatapos nga natin 'to,"
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasiaAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...