〖☆☆☆〗
Mabilis na sinundan ng tingin ni Meiji ang pinanggalingan ng palaso.
At sumilay mula sa mga labi niya ang isang nakakalokong ngiti nang mapagsino kung saan at kanino iyon nagmula.
"Red." aniya.
"Kumusta, Substitute Meiji, " ibinaba ng isang batang babae ang hawak nitong long bow. Galing rito ang pana na tumama sa pugot na ulo ng baboy-ramo. Nakasuot ito ng red hooded cloak na may nakaprint na crest symbol ng Witcher sa likod.
"Hindi mo na dapat pang hinayaang makapagsalita pa ang baboy-ramo na iyon, Meiji,"
Kasunod naman ng batang babae ang isang lalaking nakasuot ng midnight blue knee-length military jacket. Nahahawig ito kay Everdeen na mayroon ding ginger-colored hair."Captain Posiatti."
Inaasahan na ni Meiji ang pagdating ng dalawang ito. At malamang may ilan pang kasama ang mga itong miyembro rin ng hunter guild na sekretong kinabibilangan niya ngayon. Ang Witcher.
"Meiji ,James na lang. Nahihiya pa akong tawaging Captain,"
Napataas ang kilay ni Meiji sa sinabing iyon ng kuya ni Everdeen. Medyo may pagkamayabang rin itong taglay, naisip naman ni Meiji."Well,you see di pa lang ako sanay. Hehe. So, what do we have here?" mukha namang nakuha nito ang biglaang pag-arko ng kilay niya. Nagpalinga-linga ito sa kaguluhan ng paligid at napansin naman nito ang papalapit na taong rhino."Oh, Agent Storm, kumusta?" nakipagkamay ito kay Thunder ngunit napaubo naman nang tapikin ni Thunder sa likod."Di pa tayo nagbabago, ah. Ang tikas pa rin natin ah." bati nito sa agent on field na si Thunder.
"At tulad ka pa rin ng dati, James Posiatti, papatpatin,hahaha. Kumusta? Red? Kumusta?" nakangiting bati rin ni Thunder. Wala na sa agent ang mabalasik na anyo nito kanina at napalitan na ng palangiti at maamong mukha na talaga namang natural na expression nito.
Tipid na tumango lang ang batang babae saka ito nagpunta sa mga nagkalat na bangkay upang siyasitin ang mga ito. Naiwan naman silang tatlo.
Ang tatlong prinsipe ay agad ding lumabas matapos ang madugong engkwentro sa mga bandido. Hindi natagalan ng mga ito ang amoy ng dugo ng mga Putas.
"Two shots in one raid. Nice team up. Good plan, " komento ni James Posiatti matapos nitong suyurin ng tingin ang madugong paligid."I'm amazed. Mukhang pinagplanuhan n'yo talgang dalawa ang raid na 'to. But tulad pa rin ng dati makalat at madugo, Meiji."
"Masisisi mo ba ako, James. Mga kalahating halimaw ang mga 'yan. Lalaban ang mga 'yan hanggang kamatayan."
"At isinama mo talaga ang mga manliligaw mo sa paglalaro mo," sabat naman ni Thunder.
"Tigilan mo nga ako, Agent Storm. Sila ang may gustong sumama dito. At fyi lang di ko sila manliligaw...mga ano lang..ano,"
Parehong napataas ng kilay ang dalawa ng bitinin ni Meiji ang sinasabi nito. Kapwa naghihintay sa susunod na sabihin ni Meiji tungkol sa mga kasama niyang prinsipe.
"Ah, basta. Hindi ko sila manliligaw. Ok?" iwas naman ang tingin ni Meiji sa dalawa. Sa lahat kasi ng mga tagaguild ang dalawang ito ang pinakamausisa.
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasyAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...