【★★★】
"....kaya naman bilang parusa n'yo, Meiji, inaatasan kitang maging personal na guide para sa limang prinsipe, kasama ka na rin Everdeen doon. Kailangan n'yong panatilihing ligtas ang mga prinsipe habang nag-aaral sila dito sa academy."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabing iyon ng Headmistress. Tinignan ko pa ang reaksyon ni Everdeen pero nanatili lang itong nakayuko. Malamang masayang-masaya ito ngayon. Makakasalamuha na niya ngayon sa wakas ang mga pinapantasya n'yang mga prinsipe.
Bumaling naman ako ng tingin sa Headmistress, nagtatanong ang mga matang nakipagtitigan sa Headmistress at nais iparating dito ang aking pagtutol na maging personal na alalay ng mga prinsipe. Ngunit pagkaraan pa ay nag-iwas na ito ng tingin at bumaling sa mga prinsipe.
"Ngayong nakilala n'yo na ang inyong magiging personal guide dito sa academy, mga kamahalan. Maaari na kayong magtungo sa mga designated rooms ninyo. Miss Minchan, pakisamahan na ang mga prinsipe sumama ka na rin Miss Everdeen sa paghatid sa kanila." bigla namang nagtaas ng tingin si Everdeen sa sinabing iyon ng Headmistress. Kumikinang pa ang mga mata nitong tumango sa Headmistress saka nagmamadaling tumayo at tumungo sa nakapinid pang pinto. Sumunod naman sa kanya si Miss Minchan. Bahagya pa nitong tinanguan ang Headmistress saka sumenyas sa mga prinsipeng sumunod sa kanila.
Akma na rin akong tatayo ng pigilan ako ng Headmistress. "Manatili ka muna Miss Pullen. May mahalagang bagay pa akong nais sabihin sa iyo." bantulot akong muling naupo. May pakiramdam kasi akong di maganda ang sasabihin nito base sa seryosong tingin nito.
Naunang sumunod si Prince Cainne sa dalawang miss sumunod si Prince N'abbu, Prince Pierre, Prince Iceman at ang mag-among prinsipe. Nakalabas pa ang mga dila ng mag-amo ng dumaan ang mga ito sa kinauupuan ko. Karga ng prinsipe ang kappang nagawa pang mag 'Bye' bago tuluyang nagsara ang pinto.
Nakabusangot akong muling sumandal. Naghihintay ng anumang sasabihin ng Headmistress.
"Meiji," paunang sabi nito. " Ang mga prisipe'y kailangan ng aalalay habang nandito sila sa academy. At dahil alam mo ang lahat pasikot-sikot sa kastilyo kasama ni Everdeen napagpasyahan naming sa inyo iatang ang tungkuling iyon parusa na rin sa ginawa ninyo sa bulwagan. Hindi ko na dapat pang isasama si Everdeen ngunit mukhang di mo kakayanin mag-isa ang umalalay sa mga prinsipe." mahabang paliwang nito
Napabuntong hininga ako sa sinabing iyon ng Headmistress. Plano ko sanang solohin ang parusa kung yung mga parusang kailangan ng pisikal na lakas at hindi na idamay pa ulit si Everdeen pero mukhang masisiyahan pa ito sa tinanggap naming parusa.
"At gagawin n'yo kaming personal alalay ng mga mahaharlikang iyon? Wala ba silang dalang mga ladies-in-waiting o kaya naman mga royal butler?" wala sa sariling tanong ko rito.
"Meiji, di pinapayagan ng academy ang mga estudyante na magdala ng anumang mga alalay nito mapamaharlika man sila ngunit kailangan pa ring pangalagaan ang kaligtasan ng mga iyon. Ayaw mo bang makahalubilo ang mga prinsipe? Maraming mga babaeng kasing edad mo ang nagnanais na mapalapit sa mga iyon." bahagya pa itong napangiti sa huling tinuran nito."Huwag kang mag-alala pansamantala laman naman iyon, kapag gamay na nila ang pasikot-sikot sa kastilyo maaari ka ulit magpasaway, Meiji."
Muli akong napabuntong hininga sa sinabi nito. Wala naman na akong magagawa kundi ang sumunod sa pinapagawa nito afterall s'ya pa rin ang Headmistress at ako naman ay hamak na estudyante lamang ng academy.
"Bueno, gusto mo bang magtsaa?" hindi pa man ako nakaoo tumayo na ito at lumapit sa isang mataas na mesa na kinalalagyang ng mga teacup at isang tea kettle. Halatang nagamit na ang ilang teacup kaya kumuha ito sa tokador na nasa itaas lang mesang iyon. Naghanda ito ng dalawang teacup saka marahang tinapik ng kutsarita ang tea kettle. Agad naman itong naglabas ng steam sa pahabang nguso nito. Pagkaraan pa'y nagsalin na ito ng tsaa sa dalawang teacup saka ito inilagay sa isang silver tray kasama ang tea kettle. Nang mailapag nito ang tray sa mesa, iniabot nito sa aking ang umuusok pang tasa ng tsaa.
BINABASA MO ANG
Mischievous Witch
FantasyAin't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDONG nasanay ng uminog sa mahika, spells, incantations, potions at iba pang magical things na wala sa...